00:00Samantala, 21 priority bills ang inaprobahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaasahang magpapagaan sa buhay ng mga Pilipino.
00:08Kabilang dito ang panukalang pagtanggal sa travel tax at panukalang pagtigil sa iba't ibang online crimes gaya ng pag-aabuso o pang-aabuso sa kabataan.
00:17May report si Kenneth Pasiente.
00:22Inaprobahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang panukalang batas na layuning mas mapagaan pa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
00:29Sa ginanap na ikatlong Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC full meeting,
00:3521 priority measures ang aprobado ng punong ehekutibo na pinatututukan niya sa kongreso at target na maaipasa bago matapos ang buwan ng Hunyo.
00:44Sabi ng Malacanang, layon ng mga ito napagaanin ang mga pasani ng mga mamamayan, palakasin ang transparency at paigtingin ang pananagutan ng pamahalaan.
00:54Binigyang prioridad ni Pangulong Marcos Jr. ang 21 priority legislations na makakatulong na maiangat ang pamumuhay ng taong bayan.
01:05Kabilang sa mga prioridad ng Pangulong na maipasa, sa Hunyo ang mga sumusunod.
01:10Travel Tax Abolition, Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2026.
01:25Fake News and Digital Disinformation na layuning isa rin ang pintuan ng mga gumagawa ng iba't ibang online crimes.
01:33Sa planong pag-abolish sa Travel Tax, sinabi ng Malacanang na tulong ito sa mga Pilipinong palabas ng bansa na ang target ay hindi lamang mamasyal,
01:45kundi ang ilan ay para magtrabaho at ang iba naman ay emergency cases.
01:49Bagaman nagagamit sa infrastruktura at edukasyon ang nakokolektang kita mula sa Travel Tax,
01:54tiniyak ng Malacanang na hindi mapapatid ang pagpondo sa mga ito.
01:58Kapag ka po ito ay nagkaroon ng abolish na po lahat at hindi lang kumbaga deduction lang yung fee,
02:06ito lang po ay pupunta ng gobyerno, of course, sa pamagitan po ng gaa.
02:10Binigyang diindi ng palasyo ang kagustuhan ng Pangulo na maiprioridad ang anti-political dynasty,
02:15kung saan sa ngayon ay kapwa gumagawa ng public consultation ng Senado at Kongreso patungkol dito.
02:21Muli rin binigyang halaga ng Pangulo ang pagpasa ng Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o Kadena Act,
02:29ang Partilist System Reform Act at ang Independent People's Commission Act.
02:34Kung magkakaroon po ng People's Independent Commission, tignan po natin kung anong mangyayari sa ICI.
02:40Dahil ang ICI naman po is an independent commission, a fact-finding commission na nakakatulong po sa Ehekotibo para mas mapabilis po ang pag-iimbestiga ng Ombudsman at ng DOJ.
02:52Bagaman isinusulong ng pamahalaan ng Anti-Fake News and Disinformation Act,
02:57siniguro ng palasyo na hindi nito susupilin ang kalayaan sa pamamahayag ni Numan.
03:02As nabing naman po ng Pangulo na nabanggit po ito ay dapat pong balansihin.
03:05Ayun po ang ating natinig sa Pangulo, dapat balansihin nga po dahil nga po baka po masagasaan yung freedom of expression.
03:13Dapat ma-idefine mabuti kung ano po yung sinasabi nating fake news at disinformation.
03:19Hindi po hahayaan ng Pangulo na masagasaan ang anumang freedom of expression, freedom of speech ng ating mga kababayan.
Comments