Skip to playerSkip to main content
  • 1 hour ago
Title eliminator sa Japan: Donaire, nakataya ang huling pag-asa sa kampeonato

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gano nga ba kadelikado para kay Nonito Donair Jr. na mawala ang matagal na niyang pinapangarap ng muling world title shot sa March 15 sa Yokohama, Japan?
00:12Hindi lang isang laban ang aharapin niyang Filipino Flash, hindi isang crucial na eliminator kontra sa mapanganib na Japones na si Raiko Masuda na maaaring maglayo o maglapit sa kanyang pagbabalik sa trono.
00:25Para sa detalya, narating report ni Paulo. Salamatid!
00:30Isang malaking balita sa mundo ng boxing ang pagbabalik ibabaw ng ring ng The Filipino Flash na si Nonito Donairi Jr.
00:37Ngayong darating na Marso sa Yokohama, Japan kung saan haharapin niya ang Japanese prospect at power puncher na si Raiko Masuda sa isang WBA Bantamweight title eliminator match.
00:49Mahalaga ang labang ito para kay Donairi dahil bagamat siya ang kasalukuyang number one contender sa WBA Bantamweight rankings,
00:57hindi pa rin garantisado ang kanyang title shot dahil sa magulong championship structure ng WBA.
01:04Sa ilalim ng sistema ng WBA, may mga kategoryang tulad ng champion in recess at interim champion na nauuna pa sa mga naungunang contender sa pagkuhan ng title opportunity.
01:14Noong Disyembre, natalo si Donairi sa pamamagitan ng isang desisyon kontra sa Japanese foe na si Seiya Tsutsumi para sa WBA regular Bantamweight title.
01:24Pero sa kabila ng pagkatalo, nanatili si Donairi bilang number one contender dahil sa maganda niyang performance.
01:30Ngunit dahil sa mga naging pangyayari sa kampyonato, naging komplikado ang sitwasyon, si Tsutsumi ay nadeklarang champion in recess dahil sa injury sa mata kaya nagkaroon ng interim champion na napunta naman kay Antonio Vargas.
01:45Nang gumaling si Tsutsumi, si Vargas naman ang nadeklarang champion in recess dahil sa personal na dahilan na batapos bawian ang buhay ang kanyang ina kung kaya't dahil dito ay nabalik si Tsutsumi bilang regular champion.
01:58Sa ganitong setup, mas nauna muna ang paglabanin ng kampyon at ang champion in recess bago mapagbigyan ng title shot ang number one contender na si Donairi.
02:07Kaya naman, inutusan ng WBA si Donairi na lumaban muna sa isang title eliminator match kontra kay Masuda habang naghihintay sa susunod na pagkakataon para sa titulo.
02:16Ang matatalo sa laban nila ay may sasantabi sa title picture habang ang mananalo naman ay magkakaroon ng garantisadong pagkakataon na lumaban para sa susunod na WBA world title fight.
02:28Ano ang ibig sabihin ng title eliminator?
02:32Eh di may may iyiliminate, ganun lang kasimple.
02:34Yung matatalo ay may iyiliminate sa title picture at yung mananalo naman will be guaranteed a shot at the next world title fight available.
02:45Kung ano yung magiging susunod the world title fight, he will be guaranteed to fight for it.
02:50Ngayon ang tanong ninyo, marahil ito.
02:52Number one ranked contender na si Donnery Jr.
02:56Bakit pa niya kailangan lumaban sa isang title eliminator match?
03:00Hindi ba ka sapat na ang pagiging number one contender niya?
03:04Alam niyo mga kaibigan, dati-dati,
03:06ang adhikai ni isang boksingero ay makaabot sa number one ranking
03:09para masiguro siya makapalaban na para sa isang World Championship.
03:13Pero iba ang alituntunin ng WBA.
03:17Si Masuda ay may record na siyam na panalo at isang talo
03:22at may walong knockouts.
03:24Ang kanyang huling anim na panalo ay lahat sa pamamagitan ng knockout
03:27kabilang ang isang matinding body shot KO win
03:30kontra sa Pilipinong si Jonah Sultan.
03:33Ang kanyang tanging pagkatalo naman ay kay Seat Tsutsumi
03:36noong 2023 via unanimous decision.
03:39Kilala si Masuda bilang isang kaliwete, matangkad para sa dibisyon
03:43at may taglay na one punch knockout power.
03:45Lalo na sa kanyang kaliwang kamao sa katawa na.
03:50Kaya susundan po natin ang labang ito mga kaibigan
03:52because alam niyo, ang laban ni Donary ngayon,
03:56any fight could be the last fight
03:58para sa legacy ninyo nito Donary Jr.
04:01His legacy is basically intact.
04:02Okay na eh.
04:03But we have to give credit to Donary.
04:06Gusto pa rin niya lumaban,
04:07he feels he's still capable at age 43.
04:11Kapag nagtagumpay si Donary at muling naging World Champion,
04:14maaari siyang maging ikatlong pinakamatandang boksingero na naging World Champion,
04:19kasunod ni na Bernard Hopkins at George Foreman.
04:22Ang laban kontra kay Masuda ay hindi lamang isang eliminator.
04:25Isa itong mahalagang hakbang para mapanatili ni Donary
04:28ang kanyang posisyon sa hanay ng mga nungunang contenders
04:31habang hinihintay ang paglalaban ng mga kampiyon sa WBA.
04:35Sa isang magulong sistema ng ranking at titula ng WBA,
04:39ang tanging paraan para mapanatiling nakaposisyon
04:42ay ang patuloy na paglaban at pagkakapanalo.
04:45Ito ang susubukang gawin ni Nonito Donary Jr. ngayong Marso sa Japan.
04:50Paulo Salamatin para sa atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended