00:06Mga kapuso, nito pong nakaraang linggo.
00:10Nabunyag na si dating House Speaker Martin Romualdez,
00:14may kasamang personal assistant sa kulungan.
00:18Inamin niya ng Warden ng Quezon City Jail na si Jail Superintendent Maria Lourdes Pasion
00:24sa pagharap niya sa Sandigan Bayan.
00:27Setyembre pa rao noong nagkaroon ng personal assistant si Romualdez.
00:32Paliwanag niya, pinayagan niya raw ito dahil kailangan ng dagdag na atensyon ng dating House Speaker
00:38dahil sa issue nito sa mental health at wala rin daw sapat na jail personnel para alalayan ang kalagayan nito.
00:47Paliwanag ng Warden na noon pa man daw may pinayagan na itong kaanap ng isang person deprived of liberty
00:53na alalayan ang detainee sa loob ng pasilidad.
00:57Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia,
01:01ituturing daw na bisita ang mga assistant at dapat alas 5 ng hapon ay nakaalis na ang mga ito.
01:09Samantala, wala raw kaalam-ala mga mga abogado ni Romualdez.
01:13Pag-usapan po natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:20Attorney, deratsahan na po, ano ba ang masinasabi ng batas tungkol dito?
01:25Pwede nga bang mag-request ng personal aid kung may medical issue ang isang PDL?
01:31At kung may irregularidad, ano ba ang parusa?
01:35Well, medyo nakakagulat talaga ang pangyayaring ito dahil hindi naman standard na may mga personal assistant
01:41ang mga persons natin na deprived of liberty, di po ba?
01:45At hindi lamang 9 to 5 ang assistant, take note, mukhang 24-7 rock around the clock jailhouse rock
01:53ang personal assistant na ito.
01:55Paano na lamang, isipin ninyo ha, paano na lang kung ang lahat na nagsabing
02:00kailangan nila ng personal assistant ay pinayagan?
02:03Sobrang mapupuno na talaga ang mga jail at detention center natin
02:07not to mention na parang malaking security risk ang mangyayari
02:12kung dodoble ang dami ng tao sa piitan
02:15at baka magkakonsyaba pa sila para sa mga ilang gawain.
02:19But, that's getting ahead masyado sa issue at kwento natin for today.
02:24So, ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
02:27Well, actually, wala namang specific na batas
02:30except sa pagbigay ng otoridad sa BJMP at mga warden
02:34na mamahala sa mga detention center at jail na nasa ilalim ng jurisdiction nila.
02:40But even under the BJMP regulations at ng BJMP Comprehensive Operations Manual,
02:48mukhang medyo malabo ang nangyayari dito dahil very specific ang mga rules and regulations
02:53ukol sa mga karapatan at benepisyon ng mga detainee
02:57at kasali na nga dito ang mga sumusunod.
02:59Halimbawa, maaari silang tumanggap ng mga bisita during authorized visiting hours
03:05pero ibig ang sabihin, dapat eh hanggang alas 5 lamang ng hapon.
03:09Maaari din silang tumanggap ng mga libro, sulat, mga magazine.
03:14Maaari silang magpagamot sa kanilang mga doktor at nurse
03:16o pwede rin naman magpagamot sa government or private hospital kung kinakailangan.
03:23Maaari silang tumanggap ng approved food, personal items
03:26at pwede rin silang humingi ng free legal aid kung kinakailangan.
03:31Meron ding probisyon sa regulations na nagpapahintulot sa isang detainee
03:35na may special medical condition na magkaroon ng kinakailangan medical assistance
03:41pero may malinaw na limitasyon kung paano ito dapat gawin.
03:45Nakasaad sa supplemental guidelines para sa BJMP man jails
03:49na kung isang PDL ay may special medical condition
03:53na nangangailangan na tuloy-tuloy o 24-hour medical attention
03:57maaaring payagan ng isang private nurse or medical doctor
04:01na magbigay ng kinakailangan serbisyo.
04:04Pero may tatlong mahalagang kondisyon.
04:06Una, kailangang may certification mula sa BJMP physician
04:11na ang PDL ay meron ngang special medical condition.
04:15Pangalawa, kailangang nangangailangan talaga ang kanyang kondisyon
04:19ng continuing or round-the-clock na medical services.
04:23At ikatlo, ang private nurse or medical doctor
04:26ay maaari lamang manatili sa loob ng jail infirmary
04:31under closed supervision of jail personnel.
04:35Dagdag pa rito, malinaw ang memorandum na ang PDL
04:39ay dapat ibalik agad sa kanyang selda
04:41pagkatapos ng treatment o medical care.
04:44Sa kaso kasi ni dating House Speaker Martin Romualdez,
04:48ang taong pinayagang manatili sa loob ng kanyang selda
04:51ay isang ordinaryong personal assistant
04:53at hindi naman licensed private nurse or medical doctor.
04:58Hindi sinasabi ng nasabing mga regulasyon
05:01na maaaring magtalaga ang isang warden
05:03ng kahit sinong personal aid, kahit sino pa siya,
05:07parang magbigay ng 24-hour assistance sa isang PDL.
05:10Ang pinapayagan nga lamang ay yung provision ng medical doctor
05:15or private nurse, subject nga dun sa mga kondisyon
05:18na nabanggit na natin.
05:20So maaari bang maaksyonan ang warden na pumayag?
05:23Sa medyo, siguro parang maanumalyang
05:25pagtatalaga ng personal assistant
05:27kay dating Speaker Romualdez.
05:29Well, sa ngayon, pinaiimbestigan pa nga
05:31ni Secretary John Vicremulia
05:33at kung hindi makapagbigay
05:35ng sapat na explanations si warden,
05:37maaaring maharap sa mga administrative na kaso ito.
05:40Maaaring maturingan na grave misconduct ito,
05:43neglect of duty,
05:44o di kaya ay conduct prejudicial to the service.
05:48Alam naman natin na ang BJMP
05:50ay nasa ilalim ng DILG.
05:52So yung pagbibigay ng preferential treatment,
05:55kahit na walang kapalit,
05:57ay maaari ding violation ng kanyang mga duty
06:00bilang isang jail official.
06:02Sa ilalim naman ng Republic Act 6770,
06:05sinasabi na may kapangyarihan ng ombudsman
06:07na mag-imbestiga at magpatupad
06:10ng disciplinary action
06:11laban sa mga public officer
06:14na mapapatunayan na nagkasala.
06:17Hindi magandang halimbawa
06:18ang binibigay ng ganitong uri
06:20ng special treatment
06:21kung ito nga ay special treatment
06:23na maituturing.
06:24Pero parang very special, di po ba?
06:27Sana ay matapos na ang investigasyon
06:29at magkaroon ng transparency
06:31sa kung ano ang susunod na kapanata
06:34dahil iniintay ng mga tao
06:36at meron silang pag-asa
06:38na dapat pantay-pantay na pagtrato sa lahat
06:41at wala daw dapat na kinikilingan
06:44o pinapaboran.
06:46Ang mausaping batas,
06:47bibigyan po natin ilinaw.
06:49Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
06:51huwag magdalawang isip.
06:53Ask me.
06:54Ask Eternie Gabby.
06:57Araw-araw tumutok
06:59sa inyong pambansang morning show
07:00kung saan laging una ka.
07:01Unang hirit
07:02at para laging updated,
07:04like and subscribe na
07:05sa GMA Public Affairs
07:07YouTube channel.
07:08So.