Skip to playerSkip to main content
Contractor ng flood control projects sa Davao City, nagre-recycle umano ng pare-parehong larawan para makakubra ng bayad sa iba’t ibang DPWH project 


Isang contractor ng apat na flood control project sa Davao City, ang sentro ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.


Ang gawain umano ng contractor, nagre-recycle ng magkakaparehong larawan, na ginagamit para kumubra ng bayad sa sari-saring DPWH infrastructure projects sa lungsod.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang contractor ng apat na blood control project sa Davao City,
00:03ang sentro ng investigasyon ng National Bureau of Investigation.
00:07Ang gawain umano ng contractor,
00:09nagri-recycle ng magkakapareho ng larawan
00:11na ginagamit para kumubra ng bayad
00:14sa sari-saring DPWH infrastructure project sa Luzon.
00:18Nakatutok si Darling Kai.
00:23Isinumite ng NBI sa Department of Justice
00:25ang resulta ng kanilang investigasyon
00:27sa kumpanyang Genesis 88 Construction Incorporated.
00:30Contractor ito sa apat na flood control project sa Davao.
00:34Base sa preliminary photographic comparison report,
00:37nakita raw ng NBI ang paulit-ulit na paggamit ng Genesis 88
00:41sa magkakaparehong larawan.
00:43Binabago lang umano ng Genesis 88
00:45ang mga date, geo-tagging information
00:48at itsura ng larawan para ipasa sa magkakaibang progress billing.
00:52Sabi ng NBI, kailangan nito ng masusing investigasyon
00:55dahil ginamit ito ng Genesis 88 para kumubra ng bayad
00:59para sa sari-saring DPWH infrastructure project sa Davao City.
01:03Halimbawa, itong revetment sa kahabaan ng Talomo River Left Bank, Davao City.
01:08Halos magkapareho ang dalawang litrato.
01:10Mas maliwanag at mas matingkad lang ang kulay ng ikalawa.
01:13Pero ang date sa unang litrato ay February 30, 2023
01:17habang March 30, 2023 ang nakalagay sa ikalawang litrato.
01:22Pareho rin may kuha ng trabahador
01:23at pareho ang itsura ng hukay sa isa pang pares ng larawan.
01:27Pero magkaiba ang date, February 29, 2023 at May 22, 2023.
01:33Sa mga larawan para sa flood mitigation structure
01:36sa Katalunan Pequeño Creek Right Bank, Talomo River, Davao City,
01:39tila parehong-pareho ang walong pares ng mga litrato.
01:43Ang iba lang ay colored, ang iba ay black and white.
01:46Halimbawa, itong dalawang larawan kung saan makikita ang ilang bato sa tabing ilog.
01:50Base sa report ng NBI,
01:5211.4 million pesos ang ibinayad ng DPWH sa Genesis 88
01:56noong June 20, 2025
01:58para sa nasa unang larawang black and white.
02:018.4 million pesos naman ang binayad daw ng DPWH sa Genesis 88
02:06noong May 21, 2026 para sa colored na larawan.
02:10Naka-attach din sa report ng NBI
02:12ang ilang dokumentong patunay umanong binayaran ng DPWH ang Genesis 88.
02:17Apat sa 47 DPWH Davao Flood Control Projects
02:20ang binusisi at nakitaan umanong ng mga anomalya ng NBI.
02:24Reperal na namin to sa findings namin na
02:27there's a potential violation of the anti-graph and graph practices.
02:43Sa impormasyon ng GMA News Research,
02:46top flood contractor sa Davao region ang Genesis 88
02:49na naka-corner ng 7.03 billion pesos na halaga ng kontrata sa Davao City.
02:55Karamihan sa mga yan ay flood control projects.
02:57Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang panig ng Genesis 88.
03:02Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended