Skip to playerSkip to main content
River wall na nagkakahalaga ng ₱232-M, nawasak sa pananalasa ng Habagat; flash flood, nanalasa sa mga residente


Ang flood control project na inaasahang proteksyon, siya pa palang maglalagay sa panganib sa buhay ng mga taga-Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, ayon sa ilang apektadong residente.


Pinondohan pa naman iyan ng mahigit ₱200 milyon pero tila substandard dahil winasak lamang ng nagdaang Habagat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Makakapuso ang Flood Control Project na inaasahang proteksyon?
00:04Siya pa palang maglalagay sa panganib sa buhay ng mga taga-abra de ilog sa Occidental Mindoro.
00:10Ayon po yan sa ilang apektadong residente.
00:13Pinondohan pa naman niya na mahigit 200 milyong piso pero tila substandard dahil winasak lamang ng nagdaang habagat.
00:20Nakatutok si JP Soriano.
00:26Sa kasagsaga ng walang pati na ulan dulot ng habagat o nakaraang linggo,
00:30mabilis na pumasok ang tubig sa bahay nila dyan dito sa parangay San Vicente, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
00:36Ang tubig parang flash flood na pumasok sa kanilang pusi niya.
00:40Nanganib bilang pati sa kanilang buhay, pati na rin sa mga alagang baboy at kambing.
00:46Gaya sa maraming barangay sa Abra de Ilog at probinsya, dati na namang binabaha ang kanilang lugar.
00:51Pero ang buong akala raw nila, mahihinto na ito matapos itayo sa kanilang barangay
00:57ang milyon-milyong pisong halaga ng Flood Control Project at Riverwall.
01:02Napakahirap po. Sobrang hirap. Hindi po namin alam kung saan kami pupunta.
01:07Tapos yung mga gamit na importante, saan ilalagay.
01:12Pati lalo na yung mga bata. Hindi po namin alam kung saan kami basta-basta agad susuot.
01:17Ang dahilan ng mala-flash flood na baha sa barangay, itinuro sa nawasak na river wall na ito na proyekto
01:24ng DPWH base sa transparency.bettergov.ph portal.
01:29Nagkakahalaga ito ng mahigit 232 milyong piso.
01:34Sa dokumentong nakuha ng GMA News mula sa LGU ng Abradiilo, nakapangalan sa isang ano-reconstruction ang kontraktor nito.
01:43Nakitaan daw ito ng maraming bitak sa sementadong bahagi.
01:47At ang mga steel sheet pile ay pinaiksi at ginawang tatlo hanggang anim na metro na lamang.
01:53Nang masira ito, nakita na mga opisyal ng barangay ang kalitan at puri ng materyales na ginamit.
01:59Parang maliit naman po yung ginamit na bakal.
02:03Tapos yan po, maindyo, may kanipisan din yung buhos ng simento.
02:09Kaya siguro nung paglakas ng tubig, nawas out kagad.
02:13Ang kawalan naman ng tamang river protection wall project sa ilang bahagi ng bayan
02:18ang sinisilip na dahilan ng ilang residente kung bakit bumigay ang ilang kabahayang nakapwesto sa tabi ng ilog nitong nagdaang
02:27habagat.
02:27Gaya ng bahay na ito.
02:32Panipis po ng panipis ang puwang ng lupa dun po sa ilang kabahayan.
02:38At ang pinagahandaan po ngayon ng mga local officials ng bayan ng Abradiilog
02:42ay ang dumating na bagyo at ang inaasahang pag-intensify ng habagat.
02:47Even the LGU, parang dumating na lang yung project na hindi namin, hindi nag-knock sa aming LGU.
02:56Kaya hindi kami masyadong aware dun sa mga flood controls na dumating dito sa bahayan namin.
03:02Dahil dito, kanya-kanyang do-it-yourself o kanya-kanyang flood control muna ang mga residente sa tabi ng ilog.
03:09Katulad po nito, nag-sunbag po yung mga bayanihan po ito.
03:13Nananawagan po na tulungan sila kahit sako, gabion wire para po maprotektahan nila yung lugar nila.
03:22Isinailanim na sa state of calamity ang bayan ng Abradiilog.
03:27Dahil pabugso-bugso pa rin ang ulan, ngayong hapon ilang landslides na naman ang naitala.
03:32Gaya dito sa isang bahagi ng Apias Road na natabunan ng lupa mula sa katabing bundok.
03:38Sa isang liblib na sityo ng barangay Alakaak sa bayan ng Santa Cruz,
03:42aabot sa mahigit dalawang limong mangyan ang tila na trap sa kanilang sityo
03:47matapos mawasak ang isang bahagi ng intake dam na nagsisilbiring access road
03:53o pangunahing daanan ng mga katutubong mangyan papunta at palabas na kanilang komunidad.
03:58Ang mga naglalakihang semento ay nasa katabing ilog pa ng aming bisitahin.
04:03Ang pagkasira ng dike roads sa lugar is inisisi naman ng barangay officials
04:07sa hindi pa natatapos o hindi raw natapos na flood control project sa kanilang barangay.
04:14Kung hindi natin maaksyonan ay isang dilubyo hindi lamang po sa isang barangay
04:18kundi sa limang barangay dahil ito ho'y libu-libong hektaryang lupain
04:23ang masisira at mabawasak po.
04:26Hindi pa malinaw sa sumbong ng Pangulo Portal kung sino ang kontraktor ng DPWH flood control project na ito.
04:32Wala pa rin tugon ang DPWH Mimaropa sa aming mga emails at inquiries.
04:38Mula rito sa Occidental Mindoro, JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended