00:00I-dinitalya ni dating Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:06sa isang affidavit kung paano nabuo ang bilyong-bilyong pisong leadership fund
00:12na para umano sa mga priority project ng mga senador.
00:15Eksklusibong nakakuha ang GMA News ng kopya niyan at nakatutok si Joseph Moro.
00:23Ang ibinulgar ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan
00:28tungkol sa leadership fund na kapaloob sa kanyang judicial affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News.
00:35Aron kay Bonoan na alarma rao si Pangulong Bongbong Marcos nang isumbong niya noon
00:40na nababawasan ang budget para sa mga proyekto ng DPWH dahil napupunta sa mga insertions ng mga mambabatas.
00:48Kaya iniutos ng Pangulo na siguruduhing equitable o makatarungan ng paglilaan ng pondo sa lahat ng reyon.
00:54At dito nabuo ang Senate Leadership Fund para hiwalay na mapondohan ang mga priority infrastructure projects ng mga senador.
01:02Sabi ni Bonoan, alam daw ng gabinete ng Pangulo na doon kinukuha ang pampondo sa mga proyekto ng mga senador.
01:10May hanggang 24 billion pesos ang Senate Leadership Fund kada taon.
01:14Walang itinaktang halaga kung magkano ang mailalaan kada senador dahil nasa discretion na raw ito ng nakaupong Senate President.
01:23Pero hindi bababa sa 500 million pesos ang sa bawat senador at ang Senate President at Chairman ng mga major
01:30committees mapaglalaanan ng hindi bababa sa isang bilyong piso.
01:34Sabi ni Bonoan, para sa 2024 budget, sino ay Senate President Juan Miguel Subiri ang kausap niya kaugnay ng Senate
01:42Leadership Fund na nasa 13.29 billion pesos.
01:47Noong 2025 naman, sino ay Senate President Francis Chisa Scudero ang kanyang kausap para sa pondong halos 21 billion pesos.
01:55Nauna ng sinabi ni Senador Subiri na hindi raw siya kailanman nag-request o humawak ng anumang listahan ng project
02:02request ng mga senador.
02:04Hiningan pa namin ang reaksyon si Scudero.
02:06May budget allocation rin daw para sa mga kongresista.
02:10Gaya ng mga senador, hindi bababa sa 500 million pesos ang inilalaan para sa kada distrito.
02:17120 million pesos naman ang inilaan sa mga proyekto ng mga party list representatives noong 2023 at 2024.
02:25Na itinaas sa 150 million pesos noong 2025.
02:29Gumawa raw sila ng formula kung paano ahatiin ang pondo sa mga kongresista.
02:34At ikinonsulta daw ito kay Nooy House Speaker Martin Romualdez at House Appropriations Committee Chair Saldi Coe at iba pa.
02:41Ang formula, tinanggap naman daw ng liderato ng Kamara at sinimulang ipatapadong 2023 at nagpatuloy sa taong 2024 at 2025.
02:51Hinihingan pa namin ang reaksyon si Romualdez at Coe.
02:54Ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang judicial affidavit, hindi raw naging matagumpay ang Senate Leadership Fund at
03:02mas lalong dumami pa raw ang tapyas sa budget ng DPWH para sa taong 2024 at 2025.
03:09Ang budget nga raw ng DPWH para sa taong 2025 ay tumaas ng lampas 1 trillion pesos dahil sa mga
03:16congressional initiatives o mga proyektong wala naman sa mga proyekto ng DPWH.
03:22Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng GMA News, may hawak daw si Bonoan ng listahan ng mga pangalan ng mga kumuha
03:30ng leadership funds at mga nasa likod ng insertions.
03:34Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments