00:00Sa deliberasyon sa 2027 National Expenditure Program,
00:04may nasilip na agad ang isang senador na pondong kulang sa detalyang pagagamitan.
00:09Natalakay rin ang plano ng Banko Central na Pilipinas
00:11na gumamit ng Artificial Intelligence laban po sa katiwalian.
00:16Kung paano yan, alamin sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
00:23Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC sa Senate Committee on Finance,
00:29tinanong ang Banko Central ng Pilipinas at ang Anti-Money Laundering Council,
00:34ano raw ba ang ginagawa nila para mas mabantayan ang korupsyon
00:38gaya ng naranasan sa flood control anomaly
00:41na yung bulto-bultong pondo ng gobyerno na withdraw ng ganun-ganun na lang ng ilang tiwali umano.
00:47Tugod ng BSP, gumagamit na raw sila ng Artificial Intelligence para dito.
00:53Nakita ho namin na napakadaming transaksyon na pumapasok sa banko,
00:58lumalabas sa banko, na hindi na didetect ng AMLOC.
01:01Nahihirapan kami sa trabaho namin.
01:06Although nakalabas naman tayo sa grade list last year,
01:11pero kulang pa rin yun.
01:12Ngayon, meron na kaming kinukuhang AI
01:15na nakakatulong sa pag-analyze,
01:20nakakahanap ng mga red flags sa mga STRs at mga CTR.
01:25Ang DBCC briefing ay sinasagawa bilang pagsisimula ng deliberasyon sa 2027 National Expenditure Program.
01:34Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sen. J.V. Ehercito,
01:39gagawin daw nilang bukas ang deliberasyon at walang itatago sa publiko.
01:44Our mandate for next year's budget is clear.
01:47To restore the people's trust in the budget process
01:51and ultimately to restore their trust in government.
01:56Pero ngayon pa lang, may nasilip na si Sen. Panfilo Lacso na lump sum
02:00sa proposed budget o yung pondong kulang sa detalye kung para saan.
02:05Pero may nakita kaming 180 million each intended for all 17 regions,
02:15evacuation centers.
02:17E walang man lang naka-specify saan lugar sa region.
02:21Ilang ba yung regions na marami na evacuation centers?
02:24Walang specifics.
02:25They are still being identified by the OCD,
02:28but we'll be working with the DPWH if possible
02:31during the course of the discussion of the budget,
02:35the list can already be provided.
02:37Inusisari ng mga senador ang mataas na presyo ng bilihin.
02:41Ayon sa BSP, dahil sa kaguluhan sa kitang silangan,
02:45bumilis ang inflation kung kaya't dama hanggang ngayon
02:48na mas kaunti ang nabibili sa budget ng pamilyang Pilipino.
02:52Ang masaklap, aabutin daw ng dalawang taon bago itong bumalik sa dati.
02:57For 2026, inflation could average 6.4% this year.
03:03Next year, 4.5%.
03:05And then in 2028, 3.1%.
03:09So it could take a little bit time
03:12before we see inflation going back again
03:15or averaging again close to the target of 3%.
03:20Susog naman ni Sen. Kiko Pangilinan.
03:23Mas madali kung uunahing pababain pa ang presyo ng bigas
03:27para damaagad ng mga Pilipino.
03:30Rice is very special.
03:33Ang rice kasi, ang tawag namin din, salient rice.
03:36Napapansin ng mga tao yung presyo ng bigas.
03:39Na-affect yung expectations nila.
03:41Mas mabuti, mataas natin,
03:43itaas natin yung productivity ng ating agriculture
03:47para mas malaki ang production natin ng rice.
03:51Pagdating naman sa humi ng piso kontra dolyar,
03:55sinabi ng BSP na walang madaling solusyon dito.
03:57Kanina, nagsara na naman ang palitan ng piso
04:00sa bagong all-time law na 61 pesos at 88 centavos kada dolyar.
04:06Pwedeng pigilin para bumagal,
04:08pero hindi kaya pigilin.
04:11Hindi kaya i-fix, hindi kaya 60 pesos.
04:14Ganun lang, hindi kaya yun.
04:15Maubusan tayong reserves.
04:17Maubusan tayong dollars.
04:19Pero kung mga mabagal, hindi naman masyadong inflationary.
04:23Pero sana, lumakas ang exports natin.
04:27Kulang na kulang eh.
04:28Isa raw sa nakikita ng mga opisyal na pag-asa sa hinaharap,
04:32ang kontrobersyal na Pax Silica Project na itatayo sa New Clark City.
04:37Gumawa tayong paraan na palakasin na ng exports.
04:41So yung halimbawa, yung Pax Silica,
04:44maaaring makatulong sa exports yan.
04:46Pati yung Luzon Economic Corridor,
04:48mga nakatutok naman yan sa exports eh.
04:52Pero baka it may take some time before we can do it.
04:57Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.