Skip to playerSkip to main content
Iniutos ng alkalde ng Davao City na gawing collection point o tambakan ng basura ang labas ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources–Region 11.


Iyan ay para daw makita ng ahensya ang problema sa basura na walang mapagdalhan dahil isinara ang landfill.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iniutos ng Alkalde ng Davao City na gawing collection point o tambakan ng basura
00:04ang labasang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources Region 11.
00:09Yan ay para raw makita ng ahensya ang problema sa basura na walang mapagdalhan
00:14dahil isinara ang landfill.
00:16Ang tugon ng DNR Region 11 tinutukan ni Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
00:24Nilalangaw na ang basurang nakatambak sa labas ng opisina
00:27ng Department of Environment and Natural Resources sa Davao City.
00:31Dahil sa masangsang na amoy, nag-face mask na ang security guard ng gusali.
00:36Inihayag kasi ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na gawing karagdagang collection point ng basura
00:41ang tapat ng tanggapan ng ahensya.
00:43Para daw makita mismo ng DNR ang sitwasyon matapos itong pansamatalang suspindihin
00:48ang operasyon ng sanitary landfill.
00:50Kaya ang basura naiipon sa mga kalye sa lungsod.
00:54Ay na akong disturbance yun.
00:55Kaya mag-amoy naman siya.
00:57So dapat hakuton dito sa ating gobyerno.
01:00Mga kalma, ipos.
01:01Laila ito na ano?
01:03Matatandaang ipinatigil muna ng DNR 11 ang operasyon ng landfill sa New Carmen
01:08matapos itong gumuho noong May 20 kung saan dalawang tawang nasawi.
01:13Ginawa ang suspension ng operasyon para mabigyang daan
01:16ang slope stabilization at iba pang mga requisitos na kailangang sundin.
01:20Ngunit katwiran ni Mayor Duterte, maaari naman daw ipagpatuloy ang pag-adres sa mga isyo kahit bukas ang landfill.
01:27Habang tumatagal daw ang sitwasyon, ay lalong lumalaki ang panganib sa kalusugan at sanitasyon ng publiko.
01:34Niwala raw abiso kung hanggang kailan ito mananatiling sarado.
01:37Sa isang pahayag, sinabi ng DNR Region 11 na kinikilala nila ang pangangailangang maibalik agad ang operasyon ng landfill
01:45pero kailangan munang masigurong natupad ang lahat ng mga kailangang hakbang
01:49para na rin sa kaligtasan ng publiko at proteksyon ng kalikasan.
01:54Pansamantala, maaari daw magtapon ng basura ang LGU sa mga karating bayan,
01:59magtayo ng temporary disposal area sa loob mismo ng kasalukuyang landfill
02:03at pabilisin ang paggawa ng bagong landfill.
02:06Ayon naman kay Mayor Duterte, sinimulan na ng LGU ang pagtatrabaho para sa bagong sanitary landfill noong 2024 pa.
02:13Nakakuha na rin ito ng Environmental Compliance Certificate o ECC
02:17at inaayos na lang ang loading bay na inaasahang matatapos ngayong June 16.
02:22Kaninang umaga, kinulekta na ng senro ang mga nakatampak na basura sa ilang collection points.
02:28Gayunpaman, mananatili muna ang mga ito sa loob ng mga garbage truck dahil sarado pa.
02:33At hindi pa maaaring itapon sa landfill.
02:36Mula sa GMA Regional TV, Jandi Esteban.
02:39Nakatuto, 24 oras.
Comments

Recommended