00:00Mga kapuso, viral na raman po itong pag-uusapan natin.
00:05Ito po, kumakalat ngayon online ang video ng magkaangkas na lalakit babae
00:10habang nakikipagtalo sa nagbivideo na sakay naman ng isang badya na mas maliit sa tricycle.
00:27Ang nagmamaneho, isang kamay lang ang gamit sa manibela habang hawak ang cellphone sa isa pang kamay.
00:34Sa hiwalay na video ng uploader, kitang dumudugo ang ulo ng bata habang ang kanyang ina natataranta.
00:42Bago ang tila habulan sa kalsada, nauna na raw na nagkainita ng uploader at dalawang sakay ng motosiklo.
00:51Pasakay na kasi sa badya ang walong taong gulang na bata at yung kanyang ina pero hindi sila makapasok
00:58dahil nakaharang ang mga nasa motosiklo.
01:01Para makasakay ang mag-ina, umabante na lang daw ang badya para makaalis.
01:07Pero sinundan pa raw ito ng nakamotor.
01:09Ang magkaangkas ng bato o mano, agad na tukoy at pinuntahan ng mga tagarbarangay at mga polis.
01:17Hinahanap pa ang mga suspect.
01:20Ang insidente niyan, pag-usapan natin, ask me, ask Atty. Gabby.
01:33Atty, ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol dito, lalo na't may batang na damay at duguan?
01:40Well, of course, may pananagutan sa batas sa mga suspect dahil nasaktan at dumugo ang ulo ng walong taong gulang
01:47na bata dahil sa pambabato nito.
01:49Ito ay isang kaso for physical injuries at whether or not ito ay slight or less serious ay depende kung
01:56gaano katinde ang pinsala.
01:58May posibleng paglabag ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse and Discrimination dahil nga binato naman
02:08talaga ang bata ng mga nakasakay sa motrosiklo.
02:12Bukod sa parusa dahil sa pinsalang na idulot sa bata, interesting ang kaso nito dahil may iba pang nilabag na
02:20batas bilang mga motorista.
02:22Halimbawa, may mga violation ng Anti-Distracted Driving Act or Republic Act 10913 dahil nga ginawang maghawak ng cellphone at
02:33pagkuhan ng video habang nagmamaneho.
02:36Ang batas na ito hindi ito limited lamang sa mga kotse at iba pang four-wheeled vehicles.
02:43Kasama din dito ang mga motrosiklo at tricycle pati na rin ang mga bisikleta habal-habal kaya't bawal din sila
02:51gumamit ng cellphone habang nagmamaneho sa national road or highway.
02:55May posible din violation ng paggamit ng helmet na hindi ayos ang pagkasuot nito kasali na ang chin straps na
03:06nakakabit sa ulo sa ilalim din ng Republic Act 10054 o ang Motorcycle Helmet Act of 2009.
03:15And of course, may posibleng paglabag din sa Section 48 ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic
03:24Code dahil ito yung pagmamaneho gamit ang isang kamay lamang habang nagbivideo at nakikipagtalo na maaaring maglagay sa kanya at
03:33sa ibang tao sa kalsada sa kapahamakan.
03:36Diba? It can't get any more reckless than that.
03:40Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:47Huwag magdalawang isip.
03:48Ask me. Ask Attorney Gabby.
03:51Keep safe, everyone.
Comments