Skip to playerSkip to main content
  • 7 hours ago
Isang senior citizen ang nabiktima ng umano’y modus kung saan pinalitan ng pekeng singsing ang kanyang tunay na alahas. Ano ang maaaring kasong kaharapin ng suspek at paano makaiiwas sa ganitong uri ng panloloko? Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Nako mga kapuso, budol alert, budol alert!
00:06Kung gusto ninyong makaiwas sa modus, pakinggan nyo po ito.
00:10Isang senior citizen na naman ang nabiktima ng pambubudol.
00:15Ang modus, kunwari lalapit at interesadong bibilhe ng inyong alahas,
00:20susurihin at pagkatapos papalitan pala ng peke.
00:25Gaya po nito, panoorin ninyo.
00:29Makikita ang lalaking naka-helmet na tinitignan ang suot na singsing ng 75 anyos na lola.
00:36Maya-maya pa, hinubad ng lola ang singsing at inabot sa lalaki.
00:41Pero bigla nalang umalis ang suspect.
00:44Ayon sa biktima, gusto raw bilhin ng lalaki ang kanyang alahas,
00:48pero matapos suriin, peke raw ang ibinalik na singsing.
00:52Agad naman natuntun at naaresto ang suspect na isang scrap gold buyer.
00:58Naku, pag-usapan po natin ang insidente niyan.
01:01Ask me, ask, Atty. Gabby.
01:06Atty, ano ang habol ng biktima sa ganitong pambubudol?
01:10Naku, yung mga masamang asal na tulad ng ganito ay definitely na isang krimen ang ginawa
01:15at dapat talagang parusahan aside from the fact na syempre dapat maibalik ang singsing na ito sa biktima.
01:23Ang mas mahirap na tanong ay ano ang krimen na dapat i-file sa mga masasamang loob na tulad nito
01:29na talagang nang iisa sa kapwa, lalo na't ito ay isang senior citizen pa man din.
01:34Pero naku, parang bar exam question ang ganitong tanong.
01:39Actually, ang kaso ay maaaring theft o estafa.
01:43Yung mga ganitong kaso, depende sa sitwasyon at kung paano o bakit binigay ni Lola ang singsing sa kumuha dito.
01:50Merong kasing tinatawag na material o juridical possession o diba para tayong nasa klase sa law school today.
01:59Kung inabot lang ni Lola ang singsing para inspeksyonin ang sandali at tingnan at kilatisin lamang
02:06habang tinitingnan nito ay pinagpalit sa peke na singsing, ito ay theft o pagnanakaw lamang
02:12sa ilalaw ng Article 308 ng Revised Penal Code.
02:16Ang pag-abot ni Lola ng singsing ang nagbigay lamang ng tinatawag na material possession ng singsing
02:22at dapat ibinalik ito agad.
02:25However, diba?
02:27Kung inabot ni Lola ang singsing at may usapan sila na maaaring kunin ang singsing
02:32para halimbawa ibenta sa iba o para linisin o yung cleaning ng jewelry
02:38o para ayusin o ireperito na may obligasyon na ibalik,
02:42ito ay hindi na simpleng pagnanakaw kundi baka ito ay estafa na sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal
02:50Code.
02:50Ito ay dahil ang pagbigay ng singsing na may tunay na usapan ay nagbibigay ng tinatawag nating
02:57juridical possession na pag hindi na ibalik ng maayos ay magiging krimen nga ng estafa.
03:03Kapag sinabing juridical possession, ibig sabihin ay may karapatan talaga yung tao na hawakan at kunin yung singsing na yun
03:12ayon sa usapan or agreement.
03:15Halimbawa nito ay kung inabot nga ni Lola ang singsing at sinabing,
03:18dalin mo muna ito, benta mo para sa akin sa iba, ibalik mo matapos na isang linggo.
03:24Pag pinalitan during that one week ay krimen ay estafa.
03:27Kaya paalala po sa lahat, lalo na sa mga senior citizen, huwag basta ipahawak o ipasuri ang inyong alaha sa
03:35tao hindi nyo kilala
03:36kahit na nagpapakilalang buyer o eksperto ito.
03:39Mas mabuti pang magpunta sa isang pinagkakatiwalaan na alahera o isang tindahan na may reputasyon na maayos kausap.
03:48At kapag nabiktiman ng ganitong modus, agad na magsumbong sa pinakamalapit na himpila ng polisya
03:54para tulad dito sa kasong to, ay nahuli ka agad ang salarin.
03:58Tandaan ng panlilin lang ay maaari pa rin maging krimen kahit walang dahas o pamimilit
04:03at yan ang kailangan natin talagang ay maging careful tulad dyan.
04:09Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:12Alam nyo na, para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:17Ask me. Ask, Atty. Gaby.
04:21Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:25Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:31I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:35Salamat ka puso!
04:36Salamat ka puso!
Comments

Recommended