Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
Isang makasaysayang araw para sa mga deboto ni Padre Pio! Idedeklara ngayong araw bilang International Shrine ang Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, kasabay ng Feast Day ni Padre Pio. Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Blessed Wednesday mga kapuso, ngayong araw po September 23, ipinagdiriwang ang Feast Day of St. Padre Pio
00:09at mamaya po ang Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas, formal nang idedeklara bilang isang international shrine.
00:17Nandun ngayon si Maris. Maris, marami na bang deboto na nandyan ngayon?
00:22At so mga kapuso, narito pa rin po tayo ngayon sa parish and national shrine of St. Padre Pio
00:28at katatapos lamang po ng alas 6 na misa. Ngayon po makikita natin na yung simbahan, wala pa po masyado
00:34mga laman yan
00:35dahil ang susunod na misa ay gaganapin po mamayang alas 10 ng umaga pero hindi po nawawala o hindi nauubos
00:41yung mga deboto rito.
00:42Katunayan, mahaba po yung pila rito na humahawak sa puon sa kanilang patron na si St. Padre Pio
00:48dahil nga po, syempre gusto nila na yung paghawak po nila na yun ay talagang mabigyan sila ng healing at
00:56mga blessings.
00:57At makikita rin natin dito na napakarami nang nag-aaba. Meron din pong banda kanina dyan na tumutugtog mga kapuso.
01:04Isa nga pong historic moment itong araw na ito dahil kasabay po ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. Padre Pio
01:12ay idedeklara na po na isang international shrine. Ito pong dambana ng Padre Pio
01:21at nabigyan po tayo ng pambihirang pagkakataon na makita po yung mismong decree
01:27ng pagdideklara ng international shrine dito po sa dambana pong ito.
01:32Ito po ang orihinal. Mamaya pong alas 10 ng umaga pa yan, ipoprosisyon at of course ipapakita,
01:39i-unveal. Pero ngayon po ay nabigyan na tayo ng pagkakataon na makita po itong orihinal na decree
01:45po na ito mula sa Vatican. At makakasama po natin si Fr. Paul Hermano Paruquiel Vicar
01:50ng shrine of St. Padre Pio para ipaliwanag po sa atin kung ano ba ang kahulugan nitong decree na ito.
01:55Fr. Ito po ay nakasulat sa Latin, pero ano po bang isinasaad dyan?
02:01Ikinukwento sa dekretong ito kung paano nagsimula ang ating dambana mula sa isang maliit na kapilya
02:07hanggang sa unti-unti itong dinagsa ng libu-libong mga diboto, hindi na lamang dito sa Pilipinas,
02:12kundi sa buong mundo. Sinasaad din dito kung paano ang ating arsobispo ng Lipa,
02:17Gilbert A. Garcera, ay humiling para maibigay sa atin, maigawad sa atin ang titulo
02:24bilang isang pandaigdigang dambana.
02:27Gaano po kahalaga na isa na pong international shrine, ito pong dambana ng Padre Pio?
02:33At ito po ba ay first in the world na maging international shrine na dedicated to Padre Pio?
02:38Yes, so ito ang kauna-unahan para sa karangalan ni Santo Padre Pio.
02:44Meron tayong yung kanyang lugar sa San Giovanni Rotondo.
02:48It's a given na dinadagsa siya ng buong mundo dahil doon nagbisyon si Santo Padre Pio.
02:54Pero tinanggap po natin sa dambanang ito ni Santo Padre Pio ang karangalan o ang titulo
02:59bilang isang international shrine.
03:01Ikwento niyo po sa amin yung maikling journey para maging isang international shrine po ito.
03:06Siyempre tayo ay humiling ng mga petisyon mula sa ating mga mananampalataya
03:10na pumupunta po dito sa shrine.
03:12Tayo ay nagpapasulat, meron mga logbooks, pilgrims logbook
03:15at tayo ay lumapit sa kapulungan ng mga obispo dito po sa Pilipinas
03:19upang hilingin ang kanilang endorsement
03:22para po tayo ay pakinggan ng simbahan sa Roma
03:27upang maigawad po sa atin ang karangalan ito.
03:30Father, anyayahan niyo po yung mga deboto na pumunta po dito sa Batangas.
03:34Para po sa ating mga deboto, mga kapiyo, hali po kayo, pumasyal po kayo,
03:39manalangin, magnilay dito po sa dambanan ni Santo Padre Pio
03:43sa lungsod ng Santo Tomas sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas.
03:47Kaya nawa, pagsamasamahan natin ang araw na ito
03:51sa dakilang kapistahan ni Santo Padre Pio
03:53ang araw ng pagtatalaga sa ating dambana
03:56bilang isang international shrine.
03:58Thank you so much, Father Paul.
03:59At very quickly lang po mga kasama rin po natin
04:02yung isa sa mga pinag-milagroha ni Padre Pio.
04:06Ma'am, ano pong pangalan po ninyo?
04:08Ako po si Mona Lisa Fandinho Gatlabayan.
04:12Gano'n na po kayo katagal na deboto?
04:14More than a decade na po.
04:16Ano po yung specific na nangyari po sa buhay niyo
04:19na talagang naging deboto kayo ni Padre Pio?
04:23Noong 2015 po na ang husband ko ay na-diagnose na
04:28may stage 4 renal cancer.
04:31Ano po nangyari?
04:33Bali, hindi siya nagpa-kimo.
04:37Ayaw niya po kasi.
04:38Pero gumaling?
04:39Gumaling po siya.
04:41Although kinuha na rin siya last 2024.
04:44Pero matagal pa siya?
04:46Ang tagal po.
04:47Almost 10 years pa siyang stage 4 yung kanyang renal cancer.
04:51Pero dahil sa pamamata namin,
04:55pagsisimba, pag-attend ng healing dito sa shrine ni Padre Pio,
05:01napahaba pa ang buhay niya.
05:02Nakasama pa namin siya ng matagal.
05:04Ma'am Mona Lisa, napaka-inspiring na nga binahagi niyo po sa aming kwento.
05:08Thank you so much po sa inyo.
05:09At yan mga kapuso nga po,
05:11ilan lamang po yan sa mga napagmilagrohan po ni Padre Pio?
05:14Alam naman po natin na napakarami,
05:17milyon-milyon na po sa buong mundo
05:18ang pinagmilagrohan po ni St. Padre Pio
05:21at napaka-swerte po natin dito po sa Pilipinas na
05:26bagamat ito yung ikalawang international shrine
05:29na maideklara sa buong Pilipinas
05:31next to Our Lady of Peace and Good Voyage,
05:34eh, kauna-unahan po ito na international shrine
05:36na dedicated to Padre Pio sa buong mundo.
05:39At mga kapuso,
05:40so mamaya pong alas G's ay magsisimula na po yung Misa
05:43kung saan idedeklaran na po na isang international shrine.
05:46Ito pong St. Padre Pio
05:48at ito po ay pamumunuan ang Misa ni Cardinal Ambo David
05:52at kasama rin po niya magko-concelebrate
05:55si Papal Nuncio na si Charles Brown
05:57at ang, of course, ang Lipa Archbishop na si Archbishop Garcera.
06:03At of course, sasamahan din po siya ng iba't-ibang mga obispo
06:07mula sa CBCP and a lot of other bishops from all over Asia
06:12na dumayo po rito at mga pilgrims na dumayo rin po rito
06:15para sa isang napaka-espesyal na pag-selebrasyon o pagdiriwang ngayong araw.
06:21Magbabalik po ang unang hirit.
06:24Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
06:28Bakit? Mag-subscribe ka na dali na
06:31para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:34I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
06:38Salamat ka puso!
Comments

Recommended