00:02Ang kinatatakutan ng ilan na makasalubong ng nakaputi sa madilim na daan, naranasan daw ng ilang residente ng Bansud, Oriental,
00:16Mindoro.
00:17May mga kalsadang dinaraanan at may mga kalsadang parang may hinihintay.
00:25Sa bayan ng Bansud, Oriental, Mindoro, may isang daang pagsapit ng dilim parang nagkakaroon ng sariling buhay at kumukuha ng
00:37buhay.
00:39Malimit mo yung aksidente. Mayroon basag ang ulo. Yung isang tricycle, isang puno yun, kumbos yun.
00:46Sa kalsadang ito, marami narawang umalis na may patutunguhan, pero hindi na nakauwi sa paruroonan.
00:56Patay lagi. Bihira ko yung nabubuhay doon.
01:00Sabi ng ilan, may kung anong kumakapit sa manibela at pilit inililihis ang mga sasakyan palayo sa daan at papalapit
01:10sa kamatayan.
01:12May nanghatap. Hindi daw mailiko yung manibela.
01:16Ang nilalang, matagal ng laman ng mga bulong-bulungan na di umano, walang mukha, nag-aabang sa dilim.
01:29What's up, guys? Got it.
01:31Hanggang nitong September 10, mag-aalas 7 ng gabi, habang binabaybay ng magkaibigang RV at Red ang kalsada,
01:44Nahagip ng kanilang kamera sa kauna-unahang pagkakataon ang nilalang nayon na parabang naghihintay ng susunod na babiyahe patungo sa
01:56kanyang katapusan.
02:01May napapansin ba kayong kakaiba sa video?
02:06Sa gilid ng madilim na kalsada, sa gitna ng dalawang poste, parang may nakatayong nilalang.
02:14Isang misteryosong nakabarong sa gilid po ng kalsada.
02:19Sino ang lalaking nakabarong sa gilid ng kalsada?
02:24Hindi ko po maaninag yung kanyang mukha.
02:27Kailangan mag-iingat ang mga kabataan dito, lalo na kung nakamutol.
02:35Sina RV at Red, gagala raw sana nung gabing yun na nakuhanan nila ito ng video.
02:42Ngayon ginawa ko po, sinundo ko po agad si RV sa kanila.
02:45At habang naglalakbay kami, naisipan po ni RV na i-video para i-update ito sa aming GC.
02:50What's up guys? Gala na rin!
02:52Pero sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.
02:58Hindi ko po inaasahang makakakita kami ng isang misteryosong nakabarong.
03:05Tinutukop po sa kanya yung kamera.
03:07At malinaw nga nila itong nabidyohan.
03:12Hindi po siya masalang matangkad.
03:14Hindi ko po maaninag yung kanyang mukha.
03:16Naisip ko po na baka prank lang po yun.
03:18Para kumpirmahin kung ano ang kanilang nakita.
03:22Medyo nagdahan-dahan po kami ng patakbo
03:24kasi nilingon po namin yung kung ano ba talaga yung nakita namin.
03:30Pero laking gulat nila nang ang lalaking nakabarong bigla raw naglaho.
03:38Natakot po ako dun.
03:40Dito na raw napaharurot sa takot si RV at Red.
03:46Sa hilakbot, hindi na rin daw tumuloy ang dalawa sa kanilang lakad.
03:51Sa halip, mas pinili nilang magpalipas ng gabi sa bahay ng kanilang kaibigan.
03:58So, dito po tayo sa lugar na kung saan namin nakita yung misteryosong nakabarong.
04:02Bale, dito po siya nakapuesto sa mismong part na to.
04:04Nasa ganito po. Kasi straight body po yung nakita namin.
04:07And di lang po namin nakita yung mukha.
04:09Wala po kaming nabalitaan na may magkaganap na event dito sa lugar namin.
04:15And wala din naman pong magtatangka na titigil dun sa lugar kung saan namin nakita yung misteryosong nakabarong.
04:22Nakakapagtaka rin daw kung paanong biglang nawala ang lalaki.
04:26Gayong may harang na barbed wire ang gilid ng kalsada.
04:31Matarik at masukal din daw ang ibaba ng kalsadang yun.
04:35Parang tinagos niya po yung baan.
04:37Wala po talaga nakita na nakaparado ng motor dyan.
04:40Sa tingin po hindi po siya naihi lang dito sa lugar po na ito.
04:46At hindi lang pala sina Arby at Red ang nakakita sa lalaking nakabarong sa barangay Salcedo.
04:55Nakainkwentro rin daw ito ng karpinterong si Edwin, nito lang Julio.
05:01Wala siya ito ng gabi.
05:04Sintigyan ko lang nandito ako nakaupo. Dito siya buwan na ito.
05:08Makailang beses na rin daw itong namataan ng manggagamot na si Nene.
05:13Malapit sa ilog.
05:15Nakita ko talaga siya. Hindi ko siya nakara pero tagilid.
05:18Tinatanong ko siya, nilalapitan ko. Hindi siya umiimi.
05:21Kailangan mag-ingat ang mga kabataan dito lalo na kung nakamotor.
05:25Ang pagpaparamdam daw kasi ng lalaking nakabarong, isa raw masamang pangitain.
05:32Marami ditong naaksidente, motor, bicycle, bus.
05:40Pero sino nga ba ang lalaking nakabarong?
05:44At may kinalaman nga ba siya sa mga buhay na nawala sa kalsadang ito?
05:50Upang tangkaing bigyang linaw ang misteryo,
05:54Sige tayo magsundin ang kandila.
05:56Binalikan ng manggagamot na si Jay ang lugar kung saan nahagip ang video,
06:01ang lalaking nakabarong.
06:04I-sip niyo po ako sa makita.
06:05Para po, mapanatag na po siya.
06:08Hindi na po kami pakita.
06:16Sa mismong kalsadang kinatatakutan ng mga residente,
06:20sinubukan niyang alamin kung meron nga bang kaluluwa o espiritu na naiwan sa lugar.
06:27Oo, alam ko, marami kayo.
06:28Isa lang ang nasi yung kausap.
06:31Sige, pumasok ka sa akin, nakikimarinig ko.
06:35Ano ang mababasa niya sa katahimikan ng daan?
06:40Baga matayo ko ng pagkipagtalo, tayo ko ng labanan, tayo ko ng nigmaan.
06:50At ang lalaking nakabarong,
06:53multo nga bang hindi matahimik?
06:55O anino lamang na binigyan ng mukha ng takot?
07:00Mayroon talaga siyang gustong sabihin na tulungin siya.
07:04Ang sagot sa aming pagbabalik.
07:07Hindi po yung gawa-gawa yung video po na yun.
07:15Lagpas ulo ngayon ang takot ng mga Tigabansud, Oriental, Mindoro.
07:20Ang itinuturo nilang rason kung bakit sunod-sunod ang aksidente
07:25at namamatay sa kalsada sa kanilang bayan.
07:31Di o mano, nahagip na sa video.
07:37Isang lalaking nakabarong.
07:39Natakot po ako dun.
07:41May mga nakikita ba kayo dito na parating nakabarong
07:45o nakaputi na long sleeve?
07:46Ganyan, makikilala ba kayo?
07:47Wala.
07:48Nothing.
07:49Last week po, may alam ba kayong may event?
07:52Like kasalan, birthday, ganyan na?
07:53Wala, wala.
07:54Masawa na.
07:55Upang tangkaing ipaliwanag ang misteryong nangyayari sa kalsadang ito nitong biyernes.
08:01Sige, tayo magsundin ang kandila.
08:03Binisita ng manggagamot na si Jay ang lugar kung saan nahagip ni na Arby at Red ang lalaking nakabarong.
08:11Bago magsimula, nag-alay muna ng dasal si Jay at humingi ng pahintulot sa mga di umano nila lang na
08:19naroon sa lugar.
08:21Mga ko po, ay pahintulot ang mamagitan sa mundo ng espritual at mundo ng mga tao.
08:26Sinubukan ni Jay na kausapin ang nagpakita kina Arby at Red.
08:30Hindi ako nakikipag-away sa inyo.
08:33Oo, alam ko, marami kayo.
08:35Isa lang, ang naas kong kausap.
08:36Anong inyong mission, kaibigan?
08:39Sige, pumasok ka sa akin, nakikimarinig ko.
08:44Dito na siya nakatibeng.
08:46Dito na yung isuot, kasuotan niya, ay kasuotan niya na siya ay lahimlay doon.
08:50Sana po is makamit niya po ang hinahanap yung stesya para po hindi na po kayo makapanakot ng mga tao
08:58po dito.
08:59Pumihingi ka ng alay na dasal.
09:00Ipagtadasal po namin kasi yun lang naman po ang hinihingi niya sa amin.
09:04Para tuluyan ng matahimit, ang dimano kaluluwang nagpapakita, nag-cleansing si Jay sa lugar.
09:11Gayun din, para kina Arby at Red.
09:14Sarado ang mga pintuan na nakikita.
09:16Mawala ang mga nakikita.
09:20Ang video namang nakuhana ni na Arby at Red, ipinasuri namin sa isang video editor.
09:28Maniniwala ako na totoo yung video at hindi edited.
09:30Pero, sa tingin ko, ito ay stage.
09:33Una sa lahat, yung camera movement.
09:36Nalagnap pa yan.
09:37Papansin mo, papunta dun sa may lumabas na lalaki, sa kadiliman,
09:41nakatiltok na yung camera bago pa lang siyang lumabas.
09:45In reality kasi, ang isang tao, kung merong nagulat, nagulat, mabilis ang tingin.
09:51Ito kasi, sinundan niya agad.
09:55May posibilidad na alam na nung tao na nandun yun.
09:58At yung pinaka-last na conclusion ko dito siguro is yung reaction.
10:06Pag nakikita ka ng multo, hindi ka tatawa.
10:08Magugulat ka or matatakot ka.
10:11There is a possibility na pinanod na to, natawa din sila sa nagawa nila.
10:16Hindi po yung gawa-gawa yung video po na yun.
10:19Kanya-kanya naman po tayong paniniwala.
10:20Huwag na lang po sila magsabi ng negative na kung ano,
10:23tungkol dun sa nakita nila kasi hindi naman po sila yung nakaranas.
10:26Sa akin po, nagbigay po sa akin ng trauma yung nakita ko dun sa gabing yun.
10:32Samantala, ang pamunuan naman ng Barangay Salcedo may paalala sa mga motorista.
10:38Sinapalalahan ako na maghingat sa magkaroon kayo ng disipina.
10:42Hindi man klaro kung sino o ano ang lalaking nakabarong,
10:48malinaw ang panganib na nag-aabang sa madilim na kalsadang ito.
10:53Kaya, ano mang nila lang ang biglang sumulpot sa gilig
10:58o kung kamatayan nga ang nasa kasunod na liko,
11:02huwag hayaang sa isang saglit na pagkalito o pagkataranta
11:08ang magiging nitsa ng huling biyahe.
Comments