Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Aired (July 6, 2025): MAHIGIT 300 TAO NA KARAMIHAN MGA ESTUDYANTE SA ANTIQUE, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS MAKALANGHAP NG MAPANGANIB NA KEMIKAL?!


Daan-daang mga estudyante sa bayan ng Sibalom, Antique, latang-lata, nagsusuka, nahihilo at naghahabol ng hininga! Mayroon pa ngang tuluyang nawalan ng mga malay!


Ang nagpapahirap at halos kumitil sa mga estudyante, ang umalingasaw na amoy na nalanghap nila malapit sa kanilang eskuwelahan.


Ano nga ba ang misteryosong nakamamatay na amoy na ito? At saan din ito galing? Panoorin ang video. #KMJS




“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00LATANG LATANG
00:30Ganito ang estado ng daan-daang mga estudyante na isinugod kamakailan sa Ramon Maza Senior Memorial District Hospital sa bayan ng Sibalong sa Antike.
00:48Ang nagpapahirap sa mga estudyante, ang umalingasaw na amoy na nalanghap nila malapit sa kanilang eskwelahan.
00:58Amoy ba yabas na hindi maintindihan na parang bulok? Sobrang sakit talaga na masakit ang ulo mo talaga.
01:04Hinga ng malalim dahil tutukuyin natin kung ano ang misteryosong nakamamatay na amoy.
01:11Nahirapang huminga ang nasa mahigit isan daang mga estudyante at guro sa Antike matapos silang makalanghap ng nakakasulasok na amoy.
01:29Ano ito?
01:30Umaga nitong Merkulis, wala na halos tigil ang pagalingaungaw ng mga ambulansya na papasok sa magkalapit na Pisanan National High School at Pisanan Central School.
01:46Studyan ang mga ambulansya na nakapagtubalik.
01:49Promisponde sila sa mga estudyante na sumasakit ng mga ulo at nagsusuka dahil sa nalanghap nilang kung anong kemikal bandang mag-aalas sa is ng umaga.
02:00Una, ipinagsawalang bahala lang nila ito.
02:03Nang umahat ng araw at lumakas na ang hangin, doon na talaga naramdaman na buong hampos na ang merong amoy.
02:11At nag-i-intense, tumawag agad kami ng EMS para mag-respond.
02:15Ang tricycle driver na si Rodel na namamasada nung mga oras na yon, nabahala lalot na sa loob ng campus ang kanyang anak na si Eliza.
02:25Nawagan ko yung anak ko, hindi na sinasagot. Kaya pinuntahan ko ka sa loob ng paralan.
02:29Dito na raw tumambad sa kanya ang mga nahimatay na estudyante, kabilang na nga ang anak niyang si Eliza na isinusugod na sa pagamutan ng mga rumisponding rescuer.
02:40Hinaabol na yung hininga niya, tapos yung mga kamay niya parang naninigas na.
02:44Mas dumami pa ang nakaramdam ng pagkahilo. Kaya ang ilang mga estudyante, tumulong na rin sa pag-alalay sa kanilang mga kaklase, kabilang na ang grade 12 na si Althea.
02:56Si Althea sumama pa sa paghatid sa mga biktima sa ospital. Pero maya-maya lang, siya naman ang nahirapan ng huminga.
03:05Umabot pa sa puntong kinailangan siyang ilipat sa mas malaking ospital. Kitang-kita kung paano niya hinahabol ang kanyang paghinga.
03:17Ang ina ni Althea na si Junela, agad sumugod sa ospital nung nabalitaan ang nangyari sa kanyang anak.
03:28Taranta na mam. Kasi ano na yan, nangyari. Nakita ko lumalaban siya. Hirap na hirap siya. Sabihan po lang siya na laban lang.
03:38Habang ang iba pang mga biktima, isinugod naman sa Angel Salazar Memorial General Hospital sa bayan ng San Jose.
03:52They arrived at the hospital with the complaint of difficulty of breathing, chest pain, headache and body numbness.
04:00Dahil sa insidente, agad sinuspinde ang klase. Pero ang 13-anyos na si Christine at ang kanyang pinsan, hindi pa man nakakarating sa kanilang bahay.
04:10Sumama na rin ang mga pakiramdam.
04:12Sakit na gano'ng, dang.
04:13Sakit na gano'ng, dang.
04:15Ang mga rumisponde sa kanilang mga residente, pinahiran sila ng liniment oil. Itinakbo na rin sila sa ospital.
04:23Umiyak ako, sabi ko, ano kaya nangyari sa anak ko? Pumunta kami ng ospital doon, kunadat na na wala siyang malay.
04:31Marami pa raw ibang mga estudyante na nakaramdam ng kaparehong delayed reaction sa nalanghap na amoy.
04:38Kaya ang mga ambulansya sumugod na sa mga kalsada, pati na sa mga bahay ng mga biktima.
04:44Nagulat din tayo na may parang may recurrence ng effect.
04:48Umabot sa mahigit tatlong daang mga estudyante isinugod sa ospital.
04:52Pero ano nga ba ang masangsang na amoy na kanilang nalanghap?
05:00Hinala ng ilang residente ang deadly chemical.
05:04Parang pesticide. Grabe talaga yung ano niya, amoy. Parang hindi makaya na.
05:09At ang itinuturong pinanggalingan di umano ng amoy, ang palayang ito na isa't kalahating kilometro lang ang layo mula sa dalawang eskwelahan.
05:19Pagmamayari ng magsasakang si Leon.
05:21Pero giit niya, malabong ito raw ang dahilan kung bakit na ospital ang mga bata.
05:43Maging siya raw mismo, direktang na amoy ang ginamit niyang pesticide.
05:48Sa ngayon, hindi pa rin tapos ang investigasyon at hindi pa matukoy kung ano at saan nang galing ang masangsang na amoy.
06:09Itong chemical na ito ay maaaring maabsorb sa ating bloodstream at siyang maging dahilan ng pagkahido, pagsusuka, or suffocation.
06:17Dapat lumayo tayo sa lugar na yun, pumunta tayo sa lugar kung saan merong fresh air.
06:21Pag may symptoms ng vomiting, abdominal, huwag mag-assume na psychiatric lang yan.
06:27We cannot conclude na activity or chemical galing sa farm natin yung cost ng incidence.
06:33Mabuti yung ginawa ng farmers na yun na naisurrender nila yung ginamit nilang pesticides.
06:38Sa ngayon, pinaprepare nga lahat ng mga samples.
06:42Yung samples na dapat itest doon sa Maynila at sa Iloilo, transport na po by Monday.
06:47Kung halimbawa, pinanggalingan itong amoy na ito ay galing sa isang hazardous waste storage o handler o transporter.
06:56May pananagutan ito sa Republika 6969 o hazardous waste stock.
07:00Fines at saka may pagkakakulong din hanggang 6 na taon.
07:03Ang ipinagpapasalamat na lang ng pamunuan ng mga eskwelahan, maayos na ang lagay ng kanilang mga estudyante.
07:13Na-discharge na rin daw sa ospital ang karamihan sa kanila.
07:17Walang babayarin yung mga biktima. Yung mga babayarin sa ospital, sagot na po nila.
07:24Si Althea na isa sa pinakanahirapang huminga.
07:29Ligtas na!
07:30Masaya ako kasi. Ang anak ko nakasorvive.
07:33Gusto ko rin mag-arayad ang mga estudyante tanan niya sa ospital para magkabalik sa mga pamilyada rin para makaispila rin kami.
07:42Sa isang lugar na dapat ligtas, biglang sumingaw ang panganin.
07:50Pero sa ganitong mga insidente, ang mahalaga, handa tayo.
07:54Alerto!
07:55At may sapat na kakayahan para rumisponde bago patuluyang may malagutan ng hininga.
08:05Thank you for watching mga kapuso!
08:12Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:19And don't forget to hit the bell button for our latest updates.

Recommended