Aired (September 19, 2026): #ReportersNotebook: “Kleptospirosis”
Mula Enero hanggang Agosto, libo-libong kaso na ng leptospirosis ang naitala sa bansa, kasabay ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar.
Sa Pampanga at Metro Manila, kapansin-pansin ang pagdami ng mga pasyenteng tinamaan ng sakit matapos malubog sa baha. Dahil dito, muling nabuksan ang usapin tungkol sa mga flood control project at iba pang solusyon sa patuloy na pagbaha.
Sa gitna ng krisis, sumibol ang salitang “kleptospirosis” bilang pagtukoy sa ugnayan ng leptospirosis at kontrobersiya sa flood control. Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook