- 50 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-ICC Office of Public Counsel for Victims, tiwalang sapat ang ebidensyang inilatag ng prosecution para ituloy sa paglilitis ang kaso vs. FPRRD/ Giit ng ICC Office of Public Counsel for Victims: Pagpatay ang kahulugan ng "neutralize," batay sa salaysay ng mga saksi/ ICC Office of Public Counsel for Victims: "These crimes and these killings were certainly not isolated or spontaneous"
-Kapitan ng Brgy. Ginot-An, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay
-Motorcycle rider at angkas, nalapnos ang bahagi ng katawan matapos sabuyan umano ng kemikal
-INTERVIEW: Mike Defensor
-VP Sara Duterte: Nagpapasalamat si FPRRD sa lahat ng suporta at dasal na makauwi siya sa Pilipinas/ VP Sara Duterte, naging emosyonal nang umuwi sa Davao City; napaisip daw kung ano'ng mangyayari kung hindi siya tumakbong VP
-Mga residente, tulong-tulong sa paglilinis ng mga bahay na nabalot ng ashfall mula sa pagputok ng Mt. Kanlaon
-Big winners ng "Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.0," makikilala na bukas/ Marco Masa at Carmelle Collado, masaya sa suporta at experience na nakuha nila bilang PBB housemates
-CBB: Lalaking nagpahiram ng pantalon sa kanyang babaeng kaklase na may thesis defense, kinaaaliwan online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Kapitan ng Brgy. Ginot-An, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay
-Motorcycle rider at angkas, nalapnos ang bahagi ng katawan matapos sabuyan umano ng kemikal
-INTERVIEW: Mike Defensor
-VP Sara Duterte: Nagpapasalamat si FPRRD sa lahat ng suporta at dasal na makauwi siya sa Pilipinas/ VP Sara Duterte, naging emosyonal nang umuwi sa Davao City; napaisip daw kung ano'ng mangyayari kung hindi siya tumakbong VP
-Mga residente, tulong-tulong sa paglilinis ng mga bahay na nabalot ng ashfall mula sa pagputok ng Mt. Kanlaon
-Big winners ng "Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.0," makikilala na bukas/ Marco Masa at Carmelle Collado, masaya sa suporta at experience na nakuha nila bilang PBB housemates
-CBB: Lalaking nagpahiram ng pantalon sa kanyang babaeng kaklase na may thesis defense, kinaaaliwan online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nga huli kam ang paglapit ng isang motorcycle rider sa tindahan na iyan sa barangay Matingkis, Talavera, Nueva Ecija.
00:09Yumuko ang lalaki sabay pasok ng kanyang kamay sa siwang ng tindahan at bigla siyang umalis sakay ng motorsiklo.
00:16Makikitang isa pang lalaki ang humabol sa rider.
00:19Hinablot na pala ng rider ang kwintas na suot ng babaeng bantay sa tindahan na asawa ng barangay captain.
00:26Mahikit 30,000 piso raw ang halaga ng ninakaw na kwintas.
00:31Patuloy ang imbisikasyon at pagtugis ng pulisya sa rider.
00:38Bugbug sarado ang isang grade 9 student sa Maynila matapos pagtulungan ng apat na lalaki.
00:43Sabi ng barangay, selos ang ugat ng gulo.
00:46Ang nahulikam na insidente sa balitang hatig ni Jomara Presto.
00:51Mag-isang naglalakad ang grade 9 student na si Elias Jonathan sa tapat ng barangay hall ng barangay 520 sa
00:57Sampalok, Maynila kahapon.
00:59Maya-maya, dalawang lalaki ang tumakbo at agad pinagsusuntok si Elias Jonathan.
01:04Kahit nakahiga ng estudyante sa kalsada, ginugulpi pa rin siya ng dalawa.
01:09Sinusubukan namang umawat ng ilang babaeng estudyante.
01:12Habang ginugulpi ang biktima, isang nakapulang t-shirt ang tumakbo at huminto sa tapat nila.
01:17Kasabuat daw ng mga nambugbog ayon sa barangay.
01:20Hindi kaanong naaninag sa video pero mayroon siyang pinulot na bagay na nalaglag mula sa mga lalaking nambubugbog sa biktima.
01:27Isang estudyante pa ang dumating at sinipa sa mukha ang biktima.
01:31Pagkatapos, tumakas na ang grupo dahil nakita sila ng mga tauhan ng barangay.
01:35Ayon sa barangay, pinagsilosa ng isa sa mga nambugbog ang biktima.
01:40Inakala raw kasi nito na nililigawan ng biktima ang kanyang nobya.
01:44Eh, kasi ayaw na ng babae sa kanya eh.
01:47Nasabi naman ng babae, nag-break na sila.
01:50Binabantaan pa siya na ano yung gogulpin nga daw yung barkada nila, na yun na pinagsilosa niya.
01:56Napagalaman ang barangay na ang bagay na pinulot ng nakapula, ice pick pala.
02:01Tinanong namin yung nakapula, sabi niya, babe daw.
02:04Pero ang pinagtigilan ng mga kabaksamahan nung nabugbog, ice pick daw yun.
02:09Sabi naman nung ano eh, gusto nila talagang tuloyan.
02:12Kaya lang, maagap lang ang si Kapitana.
02:15Kaya ang agapan.
02:16Nasa ospital ang biktima dahil sa mga sugat na kanyang tinamo sa iba't ibang bahagi ng katawan.
02:21Ang tatlo sa apat na magkakasabuat, kusang dinala sa barangay ng kanilang mga magulang.
02:26Dalawa sa kanila, nasa hustong gulang na.
02:29Dinala rin sila sa tanggapan ng Sampaloc Police Station para sampahan ang kaukulang reklamo.
02:34Kasama nilang minorde edad na umano'y nagselos.
02:37Pusible siyang isa ilalim sa Act of Discernment na DSWD.
02:40Sinusubukan pa namin silang hinga ng pahayag.
02:43Patuloy namang hinahanap ang ikaapat na lalaki na may kitang sumipa sa mukha ng biktima.
02:49Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:54Sa kabila po ng mga puna ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
02:59tiwala ang Office of Public Counsel for Victims ng ICC na sapat ang ebidensyang inilatag na prosecution team
03:06para ituloy sa paglilitis ang kaso.
03:09Sistematiko raw ang pagpatay at hindi mga isolated or rogue incidents lamang.
03:15At mula po sa The Hague, Netherlands, ang mainit na balita hatid ni Maris O'Malley.
03:22Kahit pa ilang beses binabasag ng depensang argumento ng prosespasyon
03:27sa submission on the merits nito sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing,
03:31kampante si Office of Public Counsel for Victims head Paulina Masida
03:35na may sapat na basihan para makumpirma ang mga paratang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:41at matuloy ito sa trial proper.
03:43I think that the prosecution made a very good presentation in relation to all the elements
03:51of the crimes, not only in terms of the theory and how to apply the notion of widespread and
04:00systematic attack and crimes against humanity, but also at the level of concrete evidence
04:05showing a pattern in the killings, showing how Mr. Duterte was implicated in the patterns,
04:13showing the policy.
04:15Guit ng depensa kahapon sa hearing, nabiguraw ang prosespasyon na maipakita ang
04:20direktang ugnayan ng mga itinuturong hitmen sa dating Pangulo at tinawag na mahina
04:25ang kalidad ng ebidensya.
04:27Sabi ni Masida, inaasahan na raw nila ang ganitong estrategiya ng depensa.
04:31I think this is again a technique, a way in which the defense wants to portray the evidence.
04:40The threshold that the prosecution has to met is reasonable ground to believe.
04:47So it's not a threshold beyond any reasonable doubts.
04:52The judges have simply to indicate if the evidence taken as it is now in the case record
04:58is sufficient to have a trial.
05:02Tinututulan din ang depensa ang interpretasyon ng prosekusyon sa salitang neutralize
05:06na anilay nangangahulugan lamang ng pag-aresto, pagpigil at hindi pagpatay.
05:11Ayon kay Masida, iba ang nakita at narinig nilang mga salaysay mula sa mga biktima.
05:16Dagdag pa niya na hindi sapat ang pagtukoy sa mga police manual kung sa konteksto naman
05:21ng mga pahayag at pangyayari ay malinaw na ito ay pagpatay.
05:24Tinutulan din ni Masida ang punan ng depensa na walaan nilang iisa o Coordinated Criminal Plan
05:31at maaaring mga rogue acts lamang ang ilan sa mga insidente.
05:42Anya, may ebidensya nagpapakita ng targeting ng isang tiyak na sibilya na populasyon.
05:48Sabi ni Masida, patuloy ang pagdurusan ng mga kaanak na mga biktima ng extrajudicial killings.
05:53Inaasa maglalabas ng desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 sa loob ng 60 araw
05:58kung iko-confirm ang mga kaso ng buo o bahagi lamang.
06:02Isang pa siyang magtatakda kung tutuloy sa ganap na paglilitis ang kaso laban sa dating Pangulo.
06:08Mula rito sa The Hague, Netherlands.
06:10Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:13Ito ang GMA Regional TV News.
06:21Balita sa Visayas at Pindanao mula sa GMA Regional TV.
06:24Patay ang kapitan ng barangay hinutuan sa San Joaquin Iloilo matapos pagbabariliin sa loob ng kanyang bahay.
06:31Cecil, tukoy na ba yung salarin?
06:35Rafi, may person of interest na ang mga otoridad at kasulukuyang inaalam ang motibo sa pagpatay sa biktima.
06:42Ayon sa pulisya, inero a uno ng makatanggap umano ng pagbabanta ang punong barangay sa pamamagitan ng handheld radio.
06:49Isang boses ng hindi patukoy na lalaki ang narinig ng mga kapwa opisyal ng biktima na bumati sa kapitan ng
06:57happy condolence.
06:58Hindi daw binanggit ng lalaki sa radyo ang naging atraso sa kanyang ng kapitan.
07:02Dahil sa pagbabanta, nanirahan ng isang buwan ang biktima sa kanyang kapatid sa parehong barangay.
07:08Kababalik lang daw ng kapitan sa kanyang bahay ngayong buwan.
07:12Sa imbistigasyon ng pulisya, hindi nakalock ang pinto ng bahay at ng silid ng biktima.
07:17Kaya nakapasok ang salarin.
07:20Nasawi ang biktima sa mga tama ng bala sa bibig at tiyan dahil sa pamamaril kahapon na mismong kaarawan niya.
07:28Ipinagutos na ng alkalde ng bayan sa pulisya na tutukan ang insidente.
07:34Nalapno sa bahagi ng katawan ng isang motorcycle rider at kanyang angkas,
07:39matapos silang sa buyan umano ng kemikal sa Cagayan de Oro City.
07:43Sa kuha ng isang motorista, ito ang umuusok pa ang jacket na pag-aari umano ng magkaangkas sa motor.
07:50Tinulungan sila ng ilang residente at binuhusan ng tubig ang bahagi ng katawan nila na nalagyan ng kemikal.
07:58Kwento raw ng dalawa sa mga tumulong sa kanila,
08:01nag-overtake na riding in tandem ang nagsaboy sa kanila ng kemikal.
08:06Kahit wala raw nag-report ng insidente,
08:09ineimbestigahan na ng pulisya ang insidente matapos makita sa social media.
08:15Tausapin na po natin ngayon ang silating Congressman Mike Defensor,
08:18kaugnay po sa mga isiniwalat ng mga nagpakilalang tauha ni Zaliko
08:22na nag-deliver umano ng mga kickbacks sa flood control projects.
08:26Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie, sir.
08:29Yes, Connie, magandang umaga and kay Henry sa ato po na nanonood at nakikinig.
08:34Magandang tangali po sa inyong lahat.
08:36Sa panayang po namin kay dating Sen. Antonio Trillanes kahapon dito po sa Balitang Hallie,
08:41nakarehistro daw sa asawa niyo yung kotse na ginamit ng mga dating sundalo
08:45papunta po sa press cony na Atty. Baligod.
08:47Kaya makikita raw kung sinong kumakamada behind the scenes.
08:52Ano ho ang tugon ninyo at tatila itong pangalan nyo muli ang lumulutang?
08:58Alam mo, Connie, hindi na nila kami kailangang isurveillance
09:01dahil noong araw na yun, dalawang motor ang sumusunod dun sa van ng mga sundalo
09:07o yung mga ex-marines at soldiers na nagkaroon ng press conference.
09:11Kung tatawagan lang nila ako, eh aamin naman ako, talagang tumutulong ako sa mga yan.
09:17Naniniwala ako sa mga sinasabing na dahil kung naalala mo, Connie,
09:20naunang lumabas si Sgt. Gutesa na kinausap ako at siya din yung pinakausap ko kay Sen. Marcoleta.
09:29Kaya hindi naman bago sa akin yung, ang ibig sabihin, hindi konektado kay Sgt. Gutesa
09:46yan ay lahat galing sa mga sundalo. At sinabi ko nga, handang humarap yung mga sundalong yan
09:51kung ano man formal na patawag o pagdinig ang gagawin tungkol dito sa isyong to.
09:58Makailang beses na nga po lumalabas ang inyong pangalan, Sir, no?
10:01At parating nauug na ito sa destabilization plot. Ano ho ang inyong masasabi dyan?
10:06Connie, ang hindi ko maintindihan ang sabi ng Pangulo noon, sabi niya,
10:09maya naman kayo. Ikulong ang mga magdanakaw imbistigahan itong isyong to.
10:15Nung una pa nga, sa pang nagre-report kung sino yung mga dapat kasuhan.
10:19Sabi nila si Saldico, ang mastermind, namalabas sa kaso ng gobyerno,
10:24sa ifinailin na sa ombudsman, sa ICI, maging sa Blue Ribbon Committee.
10:29Eh yung pinakasinasabi lang mastermind na sindikato, yung mga bataan niya,
10:33ngayon nagsasalita. Parang hindi ko maidugtong na dahil may mga itinuturo na ayaw nila,
10:39na nagdi-deliver doon sa Ilocos, nagdi-deliver doon sa Forbes Park,
10:44sa kanilang bahay ni Pangulong Marcos, sa bahay ni Speaker Martin Romualdez,
10:48eh biglang hindi na naman totoo.
10:50Eh kung hindi pala totoo itong mga sinasabi ng mga tao,
10:53eh di hindi rin totoo yung kaso ni Saldico dahil isang grupo sila dati.
10:57Magkakasama sila, chairman ng apopreasyon si Saldico,
10:59at itong korupsyon na binabanggit ngayon at dalahan ng pera,
11:03hindi kasama ang mga sundalong yan.
11:05Hindi sila nakinabang, hindi sila DPWH.
11:07Eh ngayon nagsasalita, ang sasabihin naman nila,
11:10hindi totoo, at pinit na lang sinisiraan ang kredibilidad ng mga taong to.
11:15Maghahain daw ng cyber libel case laban po sa inyo si dating Sen. Trillanes
11:19dahil sa pagdawit sa kanya sa $2 million mula kay Saldico para sa ICC investigation.
11:24Paano nyo ito, planong harapin?
11:27Una sa lahat, anytime harapin ko yan.
11:30Pero una sa lahat, ang nagsabi niyan ay yung mga sundalo.
11:35Galing sa mga sundalo, sila may bitbit ng pera,
11:38sila ang nagsabi, maging yung mga witnesses sa ICI,
11:42sinasabi nila na sila nagdadala sa Raffle, sa Midas,
11:45walang nanggaling sa akin dyan.
11:47In fact, wala naman akong kaalam alam dyan.
11:48So, yung mga sundalong ito ang mga nagsalita.
11:51Ang dapat nga kasuhan,
11:53kasi si Sen. Trillanes kung totoo,
11:55ang dapat nga kasuhan ay yung ICC na mga prosecution team.
12:00Kung totoo ang ginawa nila.
12:01Dahil yun ay labag sa batas na para bang ginulo nila
12:05ang dapat na investigasyon dito sa kasong ito,
12:08inayos nila, minaniobra nila,
12:10para talagang makulong at makidnap si Pangulong Duterte.
12:14So, inuulit ko,
12:15ang mga sanitang ito ay nanggaling sa mga sundalo
12:19na buong loob haharap sa kaanumang pandinig
12:23o anumang kaso na kailangan nilang harapin.
12:27Pero, supportahan nyo po ang hakbang na ito.
12:30Sabi nga, lahat daw ng mga sumuporta dito ay kakasuhan.
12:35So, pero kung kasuhan mo kayo,
12:37kayo ay haharap naman, ano?
12:39Isipin mo naman, Connie, ngayon ini-interview nyo ko.
12:42Ini-interview mo ko.
12:43Ibig ba ang sabihin, kasama ka sa destabilisasyon?
12:46Hindi naman totoo yun, di ba?
12:48Gusto mo madinig ang aming side.
12:50Ang sundalo, nagsasabi ng katotohanan,
12:52gusto mo marinig ng taong bayan ang side nila.
12:55Ito ang nag-deliver ng pera.
12:57Kaya dapat ito,
12:58imbis na ipitin at gipitin ito mga sundalon ito,
13:02eh talagang iharap,
13:04pakinggan nila, iharap nila sa kaso,
13:07under oath kung nagsasabi ng totoo.
13:09So, support ako mga sundalo,
13:11at ako mismo haharap kung ano
13:13ang nalalaman ko dito sa issue nito.
13:15Naka-question po yung timing kasi, no,
13:17nung paglantad ng ex-Marines ni Atty. Baligod.
13:20Bakit nga ba ngayon lamang daw itong nilabas?
13:24Para sa akin nga, Connie,
13:26dapat noon pa lumabas, eh.
13:27Paglabas ni Sgt. Cotesa,
13:28at nagsalita si Congressman Saldico,
13:31na totoo sinasabi ni Sgt. Cotesa,
13:33eh dapat sana lumabas na noon pa man
13:35itong mga sundalon to.
13:36Pero hindi ko hawak yung kanilang saloob, eh.
13:39Hindi ko hawak kung kailan sila magsasalita.
13:42Pero sabi ko nga,
13:43siguro nagkakataon nga,
13:44hindi natin alam, no.
13:46Hindi naman natin alam,
13:47hindi ko alam ang timing ng dahig.
13:50Tapos yung referral ng impeachment
13:51ni Vice President Sara Duterte,
13:54ang alam ko,
13:55dapat last week pa yan, eh,
13:56na ini-refer nila.
13:58Eh, nakatuma-tuma.
13:59Hindi ho namin kasalanan yan.
14:00At hindi ho nila dapat pagkaabalahan yung timing.
14:03Ang pagkaabalahan nila,
14:06ang katotohanan ng issue,
14:07totoo ba itong sinasabing delivery ng pera?
14:09Totoo ba itong mga litrato?
14:11Totoo ba itong mga video?
14:13Totoo ba ang pananalita
14:14ng bawat sundalon na na-involved sa issue ito?
14:17Sinabi niyo po na may panibagong grupo,
14:19no,
14:19ng former Marines na lalantad,
14:21hawak ang ebedensya sa umanoy bribery scheme
14:23sa administration ni Pangulong Bongbong Marcos.
14:26Ano ho ang inyong kinalaman naman dito?
14:29Bakit naroon ho kayong knowledge about this first hand?
14:33Well, una sa lahat,
14:34nung magsimula kasi itong labing walong mga sundalo,
14:37hindi ko talaga sila nakakausap.
14:39Marami mga retired soldiers,
14:41ang alam ko,
14:42yung iba kausap nila active,
14:44ako wala akong kausap sa kanila,
14:46na nagsasabi,
14:47ito lalabas,
14:48may mga lalabas na sundalo.
14:49And so later on,
14:51talagang ang kausap ng mga sundalo,
14:52isang literado rin
14:53na sundalong kasamahan nila,
14:55kasama si Atty. Levy Balikod.
14:57At ang nadinig ko,
14:59ang pagkakasabi sa akin ni Atty. Levy,
15:01eh talagang may mga gusto pa
15:05na tayo nga lumalaban para sa bayan,
15:09buhay natin, inaalay natin,
15:11eh ngayon nakita natin yung korupsyon
15:13na nakakapekto sa lahat,
15:14talagang grabe ang nagiging epekto sa
15:16buhay ng bawat Pilipino,
15:18eh bakit hindi tayo magsalta tungkol dito?
15:20Mahirap.
15:21Hindi basta-basta yan,
15:22dahil nakataya buhay nila,
15:23nakatala buhay ng pamilya nila.
15:24So, nung nagbuo sila ng grupo,
15:27siguro sabi na dapat marami tayo,
15:28at tama rin naman na marami sila,
15:30kain lang depensa ng sarili nila
15:32kung sakaling may kaganapan
15:34o may gagawin laban sa kanila.
15:36Itong labing dalawa naman,
15:38nagsabi na rin siguro,
15:39nasusunod kami.
15:40Ang alam ko, Connie,
15:41kung nare-recall mo,
15:4290 lahat ang tao ni Saldico,
15:4590,
15:45na may kinalaman sa lahat ng isong to
15:47ng dalahan ng pera,
15:49bigaya ng pera,
15:50delivery,
15:51sa mga bahay-bahay
15:52at doon sa bahay
15:53ni Speaker Martin Romualdez
15:55sa townhomes na binabanggit ni nila.
15:57Okay, ano po ang relasyon nyo
15:59sa mga sinasabi nyo
16:00former Marines?
16:01Anong klase po ng tulong?
16:03Sabi nyo nga,
16:04you admitted it,
16:05na talagang sinusuportahan nyo sila.
16:07Ano ba yung mga binibigay nyo pong
16:08tulong sa kanila?
16:09As of the moment,
16:10meron daw bang financial itong
16:13kaakibat?
16:14O na tulong pa?
16:15Pag ninihinaw dito sa pera,
16:17alam mo dito sa pera,
16:18kung tatanungin mo,
16:19may pagkakataon naman ko ni Sana,
16:21dito rin sa inyo,
16:22makapagsalita sila,
16:24inooffer nga sila eh,
16:25ng pera,
16:26milyon-milyon,
16:2710 milyon,
16:27babal trato,
16:2910 milyon,
16:29ganito,
16:30umatras,
16:31and in fact,
16:31nasa epidemic nila yun,
16:33na may sinumpaang salaysay
16:34na pinapapirma sa kanila.
16:36Totoo yan,
16:37and nais talaga nilang gawin yan.
16:38Pero,
16:40yung pagtulong ko sa kanila,
16:41katulad niya,
16:42transportasyon,
16:43nung sila pumunta doon sa press conference,
16:45kung ano man yung
16:47pagkatago
16:48na kailangan magsama-sama sila,
16:49tumutulong ako.
16:50Marami pa tumutulong.
16:51Isa lang ako sa mga tumutulong sa kanila.
16:54And,
16:54sinabi ko ka,
16:55patuloy akong tutulong sa kanila,
16:56pero para sabihin na binayaran
16:58para magsalta.
16:58Wala pong katotohanan yan.
17:00Andami niya, no,
17:01labing walo,
17:01may lalabas pa na sampo.
17:03Eh,
17:04hindi ganun kasimpleng pera
17:06ang pinag-usapan natin.
17:07And kumpara,
17:08eh,
17:08yung kalaban natin,
17:09billion-billion yung kalaban eh.
17:11Di ba,
17:11lahat ng mga nakatanggap ng pera,
17:13nais nilang patahimikin yung mga yan.
17:14Andami lang pondo.
17:16So,
17:16yan,
17:17yes,
17:17Connie.
17:18Kailan daw lalabas itong sampo?
17:21Hindi ko talaga sigurado.
17:23Hopefully,
17:24hopefully next week,
17:26hopefully this week.
17:27Hindi ko talaga sigurado.
17:28Pero,
17:29pagka ito yung nangyari na,
17:31ipagbibigay,
17:31alam ko sa inyo,
17:32sa lalong madaling panahon.
17:33At,
17:34binansagan din ho kayo,
17:35ni Palace Press Officer Yuse Claire Castro,
17:37na Ador,
17:38Mawanay,
17:382.0.
17:40Si Mawanay po yung tesigo,
17:41nag-ako sa dati,
17:43no,
17:43kay Senador Ping Lakson.
17:44Pero,
17:44kalaunan ay,
17:45binawi yung salaysay niya.
17:46Ano ho ang reaksyon niyo dyan?
17:48Alam mo,
17:49Connie,
17:49nung una ko nga marinig yan,
17:51of course,
17:51kasama ako sa administration
17:52ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
17:55Pero,
17:55nung hindi ko talaga alam
17:56yung isyo ng Ador Mawanay.
17:58So,
17:58nung binasa ko,
17:59ito pala yung kaso ni
18:01General Victor Corpus
18:02ng ISAF
18:03nung panahon yun,
18:03laban kay Sen. Ping Lakson.
18:05Eh,
18:06kaso nga,
18:09parang nadidikit nila
18:10yung isyo
18:11o nagkakamali sila
18:12dahil
18:12yung isyo sa akin noon,
18:14yung kay
18:15Udong Mahusay.
18:17Ito naman yung kidnapping
18:18na nangyari noon
18:19na supposedly,
18:20kinidnap siya,
18:21tapos
18:22ako yung personal
18:23na kumuha kay Udong Mahusay.
18:25So,
18:25parang nadidikit nila
18:26yung kwentohang to.
18:27So,
18:28yun yung nangyari ngayon
18:29kay Yusek Klerk Kraso.
18:31Siguro,
18:31ang mensahe ko lang,
18:32eh,
18:33magingat-ingat sa mga ganon.
18:34Dahil na sinasabi
18:35plant ng witness,
18:37never ko pong ginawa yan
18:38at
18:40lalo na sa usaping ganito,
18:41hindi mo pwedeng
18:42paglaruan ng buhay
18:43ng mga tao,
18:44lalo na ito,
18:44mga sundalo ng mga marino.
18:46Ang office of the president,
18:48lalo sa kanya,
18:49ng presidential spokesperson,
18:52kinakatawa niya
18:53at nirepresenta niya
18:53ang Pangulo
18:54at ang palaso
18:55ang Malacanang.
18:55So, hindi ko siguro dapat
18:57basta-basta mag,
18:58parang nagiging marites,
19:00parang kwentohan sa palengke
19:01at sa ari-sari store
19:02ang mga statement
19:03o mga pananalita
19:04na galing sa atin.
19:06May mga lumalabas din ho
19:07ngayong loopholes
19:08o mga butas,
19:09tulad ho nang hirap daw
19:10magpa-convert naman ng dollar,
19:12sobrang laki,
19:13ng 800 billion pesos.
19:15So,
19:15kayo po ba,
19:16naniniwala po kayo
19:17na 100%
19:18sa mga salaysay,
19:19dito po lang mga
19:19binanggit ng former Marines,
19:21including na rin doon
19:22sa mga sinasabi
19:23na dinoktor daw yung picture,
19:26ni ML Representative De Lima.
19:29Dahil nung mga panahon na yun,
19:31na sinasabi nilang
19:33nakita po siya sa Ilocos,
19:35eh nakakulong naman siya.
19:37Alam mo,
19:38yung binanggit ni
19:39Atty. Levy tungkol dito
19:40at siya nilang ikukot ko,
19:41ang sabi niya,
19:42nagkamali ako doon sa listahan
19:44na inilagay ko siya
19:45na parang
19:45sitting congresswoman
19:47at the time.
19:48Pero,
19:49kasi nga,
19:49dapat hindi siya doon
19:50sa House of Representatives
19:52dahil hindi pa siya
19:52nakupo noong panahon yun.
19:53Ang sinasabi niya,
19:55totoo na nakatanggap ng pera
19:57si congresswoman Laila De Lima.
19:59Ngayon,
20:00ang aking
20:02paniwala dyan,
20:03oposisyon,
20:05in the end,
20:06ang mga sundalo
20:07ang aharap
20:07kay congresswoman De Lima.
20:09Saan nangyari ito?
20:11Kailan ibinigay sa kanila,
20:12sa kanya,
20:14ang perang yan?
20:14O doon pa rin
20:15sa mga miembro
20:16o kinatawa ng kongreso?
20:17At handa
20:18ang mga sundalang
20:19humarap dito.
20:20Kasi yun nga
20:21ang problema ko niya,
20:22hindi,
20:22marami akong mga kaibigan
20:23sa kongreso
20:24na nadamay dyan,
20:25hindi ko sila
20:26pwedeng pakailaman.
20:27Hindi ko pwedeng sabihin,
20:28ilagay natin ito,
20:29ito hindi natin ilagay.
20:30Dahil,
20:31lalo pa yan,
20:31magsuspecha na
20:32bakit ganun?
20:33May mga bagay
20:34o hindi mga inilalagay.
20:36Pagdating doon sa dolyal,
20:37ang sabi nila was
20:382 million dollars,
20:40not 800 million dollars.
20:42Yung binabanggit na pera,
20:44kinalkula lang nila yun,
20:47kasi sinasabi ng mga sundalo,
20:48at ako mismo,
20:49narinig ko ito,
20:49kausap ko mismo
20:50yung mga sundalo,
20:51three times a week,
20:53nagdi-deliver sila,
20:54minimum of 500 million
20:56to about
20:563 to 4 billion pesos
20:58maximum.
21:00Tatlong beses
21:01kada isang linggo.
21:02Marilinig niyan.
21:03Pag kinausap nyo sila,
21:05at siguro,
21:05Connie,
21:06maganda na
21:06magkaroon din silang
21:07pagkakatao,
21:08makapagsalita sa inyo,
21:09na galing sa
21:11kanilang nalalaman talaga.
21:13Again,
21:13itong mga taong to,
21:15hindi involved sa corruption,
21:16hindi kasama sa
21:17anomalya
21:18o doon sa sindikato
21:19ng sinasabi natin
21:20pagnanakaw,
21:21pero sila mismo
21:22yung nagdadala ng pera,
21:24doon galing kay Saldico
21:25o kung saan man.
21:27Kasi hindi ko rin alam
21:28kung kay Saldico lang talaga,
21:29kung may mga delivery
21:30pang ibang pinanggalingan,
21:32dahil kasama sila
21:32kay Speaker Martin,
21:33na grupo din eh.
21:34At ito ang sinasabi nilang
21:36katotohanan.
21:37At tingin ko dapat silang
21:38pakinggan,
21:39dapat suriin,
21:40at dapat talaga
21:41tingnan kung ano
21:42ang koneksyon nito
21:43sa nakawa
21:44na sinasabi natin
21:45dito sa ating bansa
21:46sa ngayon.
21:47Alright,
21:47marami pong salamat
21:48sa inyo pong ibinigay
21:49sa aming ora, sir.
21:51Connie,
21:51marami salamat.
21:52Thank you so much.
21:53Yan po naman si
21:54former Congressman Mike Defensor.
21:56Susubukan po namin
21:57hinga ng pahayag
21:58sina dating
21:58Sen. Trillanes
21:59at ang Malacanang,
22:01kaugnay po sa mga
22:01sinabi ni dating
22:02Congressman Defensor.
22:11Nagpapasalamat daw
22:12si dating Pangulong
22:13Rodrigo Duterte
22:14sa kanyang mga
22:15taga-suporta,
22:15sabi ng anak niyang
22:16si Vice President
22:17Sara Duterte.
22:21Pirmilihan,
22:22ginusap-usap
22:23sa anak ko
22:23na ipaabot sa tanang.
22:25Noon siya,
22:26ipaabot sa tanang
22:27maminaw
22:28ng Pilipino
22:29ang ako
22:30ang pasalamat
22:31sa ilangang
22:32pag-ampu
22:33para ko
22:34makauli
22:35sa Pilipinas
22:36o sa ilangang
22:37support ka.
22:41Bisang pa man
22:42o na ako
22:44sa
22:45lahing lugar.
22:46Ayon sa Vice,
22:48yan daw
22:48ang bilin
22:49ng dating Pangulo
22:50sa kanya
22:50ng bisitahin
22:51ang ama
22:52sa The Hague
22:53Netherlands
22:53itong Enero.
22:55Ipinaabot
22:55ng bise
22:56ang mensahe
22:57ng kanyang ama
22:57nang magtalumpati siya
22:59sa isang programa
23:00sa kanyang hometown
23:01na Davao City
23:02ni Tuponga
23:03Merkoles.
23:03Naging emosyonal
23:04ang bise
23:05at napaisip daw
23:06kung ano
23:07ang mangyari
23:07ayri
23:08kung tatakbo
23:09na lamang
23:09bilang mayor
23:10sa halip na
23:11Vice President
23:12noong eleksyon
23:132022.
23:55Update na tayo
23:56sa Vulcang Canlaon
23:57na kasalukuyang
23:57nagkakaroon
23:58ng ash emission.
23:59Live mula
24:00sa La Castellana
24:01Negros Occidental
24:02may ulat
24:02on the spot
24:03si Aileen Pedreso
24:04ng GMA Regional TV.
24:06Aileen.
24:09Graphies
24:10na tala
24:10ng Negros Occidental
24:11PDRRMO
24:12umabot na
24:12sa mahigit
24:13100
24:14na barangay
24:15sa Negros Occidental
24:16ang apektado
24:16ng ashfall
24:17matapos sa
24:18moderately explosive
24:19eruption
24:19ng Mount Canlaon
24:20kagabi.
24:20Dito mismo
24:21sa ating kinatatayuan
24:22kita
24:23ang abo
24:24na ibinuga
24:24ng vulkan.
24:26Sa barangay
24:27Sagaang
24:27na isa
24:28sa mga apektado
24:28ng ashfall
24:29nagtutulungan
24:30ng mga residente
24:31na makuha
24:31ang abong
24:32bumalot
24:32sa kalsada.
24:33Ang ilan
24:33sa kanila
24:34tiniyak
24:34na nasa loob
24:35ng bahay
24:36ang mga kaanak
24:36na may iniindang sakit
24:38lalo na
24:38at hindi na
24:39nag-evacuate
24:40ang mga ito.
24:40Si Bonnie
24:41na may sakit
24:42na pneumonia
24:42ang ama
24:43nag-alala
24:44na baka
24:44makalanghap
24:45ito ng abo.
24:46Makapal na abo
24:47ang bumalot
24:47sa mga kalsada
24:48kagabi
24:48ayon sa mga residente.
24:50Si Maria Fe
24:51hindi na nakapagpahinga
24:52dahil inuna nitong
24:53linisin ang mga tricycle
24:55na binalot
24:55ng abo.
24:56Narito ang pahayag
24:57ng ilan
24:58sa aming
24:58mga nakausapan.
25:22Ang mga kategulangan
25:26ang mga bataan
25:27diba kwete
25:28huwag na kami may mo
25:29hindi na lang
25:29hiling sa mga tigulang
25:31ko
25:31bahala na lang
25:32ang Diyos sa amon.
25:33Damo na siya
25:34daan kagabi
25:34kaso lang halisang gabi
25:35panang
25:36ano na
25:37mundi
25:38ba siya
25:39para lang
25:40hindi siya
25:41mag
25:41ano na
25:42gidbala
25:42makanto
25:42sa balay
25:43kay baho.
25:50Dito sila
25:51kasi Liana Rafi
25:52na nagsagawa
25:53na ng
25:53flossing operation
25:54ng LGU
25:55sa mga barangay
25:56na apektado
25:56ng ashfall.
25:57Samantala
25:58nakapagtala
25:58naman ang ash
25:59emisyon
26:00ang FIVOX
26:00mula sa
26:01vulkan
26:01bandang
26:021030
26:02ngayong
26:03umaga.
26:04Yan muna
26:04ang latest
26:04mula dito.
26:05Balik sa inyo
26:05John Rafi.
26:07Maraming salamat
26:08Aileen Pedreso
26:09ng GMA
26:09Regional TV.
26:15Another season
26:16is coming to an end
26:17dahil
26:17sasalabungi na bukas
26:19ang big winners
26:19ng Pinoy Big
26:20Brothers
26:21Celebrity
26:21Colab
26:22Edition
26:222.0
26:23Sino kaya
26:24ang magbabagi
26:25sa kapusok
26:26kapamilya
26:26Ultimate 8
26:27na sina
26:28Caprice
26:28Ashley
26:29Heath
26:30at Princess
26:31ng mga kapusok
26:32at sina
26:33Lela
26:34Crystal
26:34Miguel
26:35at
26:35Waki
26:36naman
26:36ng mga
26:37kapamilya.
26:38Abangan ang big
26:39announcement
26:39na yan
26:407.15pm
26:41bukas.
26:43Kahit hindi
26:44nakasama
26:44sa Ultimate 8
26:45feeling winners
26:46na rin
26:47ang latest
26:47of victories
26:48na sina
26:49Marco Masa
26:50at Carmel
26:50Coliado.
26:51Si Marco
26:52kakaibarawang
26:53feeling
26:54ng matapos
26:54ang kanyang
26:55PBB journey.
26:56Parang
26:57sobrang ready
26:58ako to
26:59face whatever
27:00challenges
27:01yung aharapin ko
27:02dito sa
27:02outside world
27:03and I'm just
27:03happy na
27:04nakita ko
27:05ng tao
27:05at na-appreciate
27:06nila ako
27:06at nakita nila
27:07yung mga
27:08ipinaglalaban ko
27:09as a
27:10housemate.
27:11No regrets
27:12naman si Carmel
27:13na malaking
27:14bagay na raw
27:14ang pagiging
27:15housemate.
27:16Sabi ko
27:17kahit anong
27:17mangyari
27:18talaga
27:18masasabi
27:18kung
27:19naging panalo
27:19din po
27:20talaga ako
27:20kasi
27:21libu-libu
27:21kong taong
27:22talagang
27:22nangangarap
27:23na makapasok
27:23po sa loob
27:24ng bahay
27:24ni Kuya.
27:25Kung sina
27:25Marco
27:26at Carmel
27:27nga raw
27:27ang papipiliin
27:28kung sino
27:29ang the serve
27:30maging
27:31big winner
27:31sa kapamilya
27:32po
27:32si Cristal
27:33po
27:33or si Miguel
27:34and sa
27:35kapuso
27:35naman po
27:35si Caprice
27:36or si Heath
27:37po.
27:38Ako naman
27:39sa
27:40sa kapuso
27:41I would say
27:42si Caprice
27:43talaga.
27:43Si Caprice
27:44or si Ashley
27:45and sa kapamilya
27:46naman
27:47I would say
27:47si Lela
27:48or si Cristal.
27:49Nelson
27:50Canlas
27:50nagbabalita
27:51para sa
27:51GMA
27:52Integrated News.
27:59Bida po
28:00natin ngayong
28:01biyernes
28:01ang kakaibang
28:02support system
28:03na magkaklase
28:04mula sa
28:04Calacabatangas.
28:05Hindi lang kasi
28:06moral support
28:07ang ibinigay
28:07ni Classmate
28:08kundi pati
28:08ang kanyang
28:09pantalon.
28:11Ayan,
28:12ayan o.
28:12Kwento ng
28:13uploader
28:13na si Jane
28:14Valdivia.
28:15Pieces defense
28:16noon
28:16ang grupo
28:17ng kanilang
28:17babaeng
28:17kaklase
28:18na si
28:18Roslyn
28:19De Belen.
28:20Pero dahil
28:21wala nang
28:21dalang
28:21ekstrang
28:22damit,
28:22kusa
28:23nang
28:23ipinahiram
28:24ng
28:24kaklase
28:25nilang
28:25si
28:25Rafael
28:25Brusas
28:26ang kanyang
28:26pantalon
28:27kay
28:27Roslyn.
28:28Kwento pa
28:29ni Jane,
28:29dalawang
28:30taon na silang
28:30magkaklase
28:31kaya sobrang
28:32close
28:32at
28:32komportable
28:33na sila
28:33sa isa't
28:34isa.
28:35Ang kanilang
28:40100,000 episodes.
28:42Jane,
28:43kayo ay
28:43trending!
Comments