Skip to playerSkip to main content
Mismong Malacañang na ang nagsabi: dapat ayusin ang koordinasyon ng mga LGU, DepEd, at iba pang ahensiya para maiwasan ang kalituhan kung magsususpinde ba ng klase o hindi tuwing masama ang panahon.

Pinabibilis na raw ng Pangulo ang paglalabas ng guidelines para sa mas mabilis at mas localized na class suspension.

Pero saan nga ba nag-uugat ang kalituhan? Paano nga ba pinagdedesisyunan ang class suspension kapag maulan?

Alamin sa report ni Amor Larrosa.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung kailan nakapasok na mga estudyante sa eskwela,
00:04isa ka lang inanunsyo ang klasuspensyon.
00:07Ito ang madalas na hinain ng mga magulang at mga estudyante,
00:11lalo kung may stranded sila sa baha.
00:14Gaya na nangyari itong September 9 sa iba't ibang bahagi ng NCR,
00:19maraming estudyante ang umalis sa kanilang mga bahay
00:22bago pa mag alas 6 ng umaga.
00:25Pero 7.30am na nang magsuspindi ng klase ang ilang LGU.
00:306.30am na kasi inilabas ang unang yellow rainfall warning sa araw na yon.
00:35Batay sa sinusunod na pamantayan ng mga LGU,
00:38kapag may yellow rainfall warning,
00:40ang klasuspensyon ay nakadepende sa desisyon ng mga local chief executives
00:45gaya ng mga mayor.
00:50Banang 8am na noong September 9 itinaas ang orange rainfall warning
00:54sa ilang bahagi ng Metro Manila.
00:57Ibig sabihin, automatic na wala ng face-to-face klases sa lahat ng antas.
01:05Sabi ni Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora,
01:09mas maaga raw sana ang anunsyo nila ng klasuspensyon
01:13kung maaga rin ang rainfall warning ng pag-asa.
01:16Kapag ganitong unpredictable ang lagay ng panahon,
01:21paano nga ba pinagdedesisyonan ang klasuspensyon kapag maulana?
01:29Bawat LGU ay may sinusunod na pamantayan para sa klasuspensyon.
01:34Nakabatay ito sa regulasyon ng Department of Education o DepEd.
01:38Sa ilalim ng DepEd Order No. 14 na Series of 2026,
01:43nakasaad kung kenan posible o otomatikong makakansila ang klase.
01:47Tuwing malakas ang ulan, may bagyo,
01:51lapis ang init ng panahon, may lindol,
01:55o mababa ang kalidad ng hangin.
01:58Pero walang itinatakda ang DepEd na nararapat na oras
02:02para sa pag-anunsyo ng klasuspensyon.
02:05Gayunman, ang ilang LGU gaya ng Quezon City,
02:09nag-aanunsyo bago o pagsapit ng alas 4 ng madaling araw
02:13sa mismong araw ng suspensyon.
02:15Sakali namang may matinding pagbabago sa laging ng panahon,
02:19iaanunsyo ang klasuspensyon para sa panghapong klase
02:23pagdating ng alas 10 ng umaga.
02:26Para daw masunod ito,
02:28umaapila ang LGU ng Quezon City sa pag-asa
02:31na kung posible ay maglabas sila ng weather advisory
02:34sa pagitan ng alas 3 at alas 4 ng madaling araw
02:38para sa morning classes
02:40at sa pagitan ng alas 9 at alas 10 ng umaga
02:44para sa afternoon classes.
02:47Pero sa kasalukuyan,
02:48may umiiral na raw na sistema ang pag-asa
02:51sa paglalabas ng heavy rainfall warning.
02:54Ito ang advisory na ini-issue ng pag-asa
02:57kapag may mabibigat na pag-ulan
02:59sa loob ng sakop na oras ng kanilang monitoring.
03:03Color-coded ang warning
03:04depende sa dami ng ulan kada oras.
03:10Halimbawa, kung umabot sa 7.5 mm per hour
03:13ang ulan ng 6.30 a.m.,
03:16ilalabas nila ang heavy rainfall warning number 1.
03:19Pero sa susunod na issuance,
03:21susun din ang itinakdang mga oras ng pag-asa
03:24para sa advisories.
03:26Lalabas ang impormasyon na kada 3 oras.
03:29Hindi naman minuminuto,
03:31sigo segundo oras-oras ay talagang buhos ng ulan.
03:34So may times dyan na nagkakaroon ng break,
03:36may times dyan na humihina,
03:39nagla-light rains,
03:40may times naman na biglang bubusong ulan.
03:42So hindi natin yan na-forecast exactly yung right timing niya,
03:48kaya pumapasok dyan yung rainfall warning system
03:52na pinapalabas ng ating mga regional operation centers po natin.
03:56Ang heavy rainfall warning ay naiiba sa weather advisory
04:01na nagbibigay ng 24-hour rainfall forecast
04:04o posibleng maging dami ng ulanas sa loob ng isang araw.
04:08Nagsasabi rin ito ng 3-day outlook
04:10o yung posibleng maging dami ng ulanas sa susunod na tatlong araw.
04:14Gaya ng heavy rainfall warning,
04:16color-coded din ang weather advisory.
04:19Pero inilalabas ito isang araw
04:22bago ang inaasahan simula ng malalakas na pag-ulana.
04:25Ang pinapalabas ng National Weather Forecasting na day before,
04:29ano yung senaryo ng pag-ulan sa buong Metro Manila
04:33the whole day, 24 hours?
04:36Pero yung rainfall warning natin,
04:38ano yung senaryo ng pag-ulan sa Metro Manila every 3 hours?
04:43Sa ngayon, parehong ginagamit ng mga LGU
04:45ang heavy rainfall warning at weather advisory
04:48para sa class suspension.
04:50Halimbawa, kapag may orange level advisory
04:52para sa susunod na araw
04:54automatic nang kansilado ang klase kinabukasan.
04:57Pero sa ilang pagkakataon kasi,
04:59lalo tuwing habagat season,
05:01kahit wala ng kulay sa National Weather Forecast,
05:04e uulan ng malakas kinabukasan
05:06at biglang magkakaroon ng heavy rainfall warning.
05:09Diyan nag-uugat ang problema
05:11sa late class suspension.
05:14Ang mungkahi ng pag-asa kapag habagat season,
05:17kahit walang kulay na inilabas na weather advisory,
05:20ay kailangan pa rin i-monitor ng LGU
05:23ang heavy rainfall warning.
05:26Sinisikap daw ng pag-asa na maagang maglabas
05:28ng heavy rainfall warning
05:30para maiwasang maipit ang mga estudyante
05:32sa bigla ang class suspension.
05:35Rainfall is one of the parameters,
05:37weather parameters,
05:38na napakahirap po talagang i-forecast
05:40kasi rainfall is very variable
05:42in time and in space.
05:44Pwedeng malakas yung pag-ulan sa Quezon City,
05:46pero walang pag-ulan sa Taguig,
05:48walang pag-ulan sa Pasay.
05:49What we are trying to say
05:50is during habagat,
05:52especially na habagat,
05:54widespread po yung kaulapan yan.
05:56We do not exactly know
05:58saang specific area
05:59ibubuhos yung mga malalakas ng pag-ulan.
06:03Isinusulong naman ang DepEd
06:04ang isang executive order
06:06na babago sa pamantayan
06:08ang pagkakansila ng klase.
06:09Kabilang dyan ang pagpapatupad
06:11ng localized at granular class suspensions.
06:15Suportado raw yan ang pag-asa,
06:17lalo't magkakaiba naman
06:18ang impact ng ulan sa iba't ibang lugar.
06:21Dapat daw pinag-aaralan ng mga LGU
06:23kung gaano karaming ulan
06:25ang nandudulot ng baha
06:26sa kanilang nasasakupang area
06:28para matukorin nila agad
06:30yung mga eskwelahan
06:30na dapat magkansila ng klase
06:32at yung mga eskwelahan
06:34na pwede namang magpapasok
06:35ng mga estudyante.
06:37Ako po si Amor La Rosa
06:38para sa GMA News.
06:41Ako po si Amor La Rosa
06:42na pwede namang magpapasok
06:49ng mga eskwelahan
06:53sa cha hess
06:53na pwede namang magpapasok
Comments

Recommended