Skip to playerSkip to main content
MULTO BUT MAKE IT PINOY! 👻🇵🇭

Aswang, tikbalang, kapre at iba pa! Marami tayong kinagisnang kuwento tungkol sa mga kakaibang nilalang sa Pilipinas na bahagi ng ating folklore. Ang ilan nga raw sa atin, nakaranas na mismo nito!

Pero ano-ano nga ba ang mga nilalang na makatindig-balahibo at nababalot ng hiwaga?

Kilalanin ang mga kababalaghan sa Philippine folklore kasama si Kuya Kim sa video na ito!
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Teca, parang may nararamdaman akong kababalaghan.
00:04Pamilyar ba kayo sa iba't ibang mythical creatures ng Philippine folklore?
00:07O baka may experience din kayo sa mga ito?
00:10Ayon sa isang independent educational resource,
00:13abo sa 370 ang bilang ng creatures at mythical beings mula sa Philippine folklore and mythology.
00:19Mula sa mga nila lang na nakatira sa kagumatan,
00:21hanggang sa mga spiritong gumagantiraw o nagpaparamdam sa mga tao,
00:25ano-ano nga ba ang mga ito?
00:27Unahin natin ang tikpalang.
00:28Ito'y may katawan ng tao pero may ulo at paa ng kabayo.
00:32May makapal na buhok at minsan daw nanlilisik ang mga mata.
00:36Sinasabi rin may ikakasal na tikpalang kapag sabay na umuulan na tumaaraw.
00:40Ayon sa alamat, may kapangyarihan ng tikpalang na lituhin at iligaw ang mga napapadpad sa kabundukan,
00:46kung saan paikot-ikot lang daw sa isang lugar.
00:49May paniniwala namang pangontra sa pagkaligaw ang pagbaliktad ng suot na damit.
00:54Wait, paano naman kung bigang may narinig kang iyak ng sanggol pero wala kang makitang bata?
01:00Pagkaraw tiyanak yan.
01:01Sa mga kwentong bayan, ang tiyanak ay nakakatakot na nilalang na nagaan yung sanggol.
01:06Ginagaya daw nito ang iyak ng bata upang mangakit ng tao bago biglang umatake.
01:11Meron ding sigpin na may itsurang kambing na walang sungay o aso na ang ulo ay nasa pagitan ng dalawang
01:17paa sa likod nito.
01:19Kaya patalikod kung maglakad.
01:22Sa ilang kwento, ito ang version ng mythical furpets o alagang hayop ng mga mayayaman.
01:27Sinasabing maaari ito magbigay ng proteksyon at suwerte sa may-ari pero nagiging mapanganib kapag napabayaan o nagutom.
01:34Kung may nakita kayong isang malaking nilalang na nananabako, pabalahibo at nasa isang puno, lalapitan niyo ba?
01:40Naku, baka kapre yan.
01:42Malaki, matangkad at mabalahibong nilalang.
01:45Ganyan ilarawan ng mga kapre na madalas makikita rao sa malalaking puno gaya ng palete.
01:50Ayon sa mga alamat, mahilig daw itong manloko o magprank sa mga taong napapalapit sa punong kanyang tinitirhan.
01:56Pero hindi lahat ng kinakatakutang nilalang ay may pisikal na katawan.
02:00May ilan ding sinasabing espiritu ng mga namayapa.
02:03Isa dyan ang multo ang pinaniniwalang espiritu ng taong namatay na at nagpaparamdam sa mga buhay.
02:09Karaniwan daw makikita o nagpaparamdam ang multo sa mga lumang building, skwela o lugar na pinangyarihan ng gera o malagim
02:16na insidente.
02:17Kung multo ang isa sa mga pinakakilalang nilalang sa mga kwentong kababalaghan,
02:21meron namang inihahambing sa mga fairy o nature spirit.
02:25Yan ang diwata.
02:27Ayon sa ilang independent sources, may ilang paniniwalang tinuturing ang diwata bilang tanggapagbantay ng kalikasan
02:33na maaaring magbigay ng biyaya o parusa sa mga taong nakakapinsala dito.
02:38Pinaniniwalaan ding naninirahan ito sa malalaking puno gaya ng akasya at balete
02:42at maring magdulot ng sakit o sakuna kapag hindi na trato na maayos.
02:47Kapag nakakita ka ng babaeng nakaputi sa isang madilim na lugar, ano ang una mong isipin?
02:54Ito ang white lady na karaniwang nilalarawan bilang babaeng nakasuot ng puting damit.
02:59Sa mga alamat, madalas itong iniuugnay sa spirito ng babaeng nakaranas ng trahedya
03:03o kaluluwang hindi nabigyan ng ustisya.
03:06Sinasabi nagpapakita ito bilang ligaw na spirito na naghahangad maghiganti sa mga taong nakasala sa kanya.
03:12Pero may mga nilalang sa Philippine folklore na nakakatakot din dahil sa itsura
03:16at sinasabing paraan ng pangpaparamdam ng mga ito.
03:19Isa dyan ang manananggal.
03:21Ayon sa alamat, nahati sa dalawa katawan nito.
03:24Ang itaas na bahagi ng katawan, tinutubuan ng pakpak na tira giant bat upang makalipad sa gabi.
03:31Pinaniniwalang ang target ng manananggal ang sanggol sa sinapupunan ng inang nagbubuntis.
03:36Ayon sa ilang kwento, kapag nilagay ng asinang ibabang bahagi ng katawan ng manananggal
03:40habang lumilipad naman ang taas na bahagi nito, hindi ito makakabalik sa dating anyo.
03:45At syempre hindi mawawala sa listahan ang isa sa mga pinakakilalang halima o sa kwentong bayan ng Pilipinas.
03:51Ang aswang.
03:52Nilalarawan ang aswang bilang nilalang na kaya magpalit ng anyo at kumakain ng laman ng tao.
03:58Ayon sa mga kwento, marito magbukang ordinaryong tao sa araw kaya mahirap daw itong makita.
04:03Tikbalang, tiyanak, kapre, banananggal at aswang.
04:06Nilalang yan sa mga nilalang na patuloy na nabubuhay sa mga kwentong bayan ng Pilipinas.
04:11Pero hindi pa rito nagtatapos ang ating listahan.
04:13Sa part 2, kinalanim pa natin ang iba pang kakaibang nilalang sa Philippine folklore.
04:18Laging tandaan, kimportante ang may alam.
04:21Ito po si Kuya Kim para sa GMA News.
04:44Laging tandaan, kimportante ang may alam.

Recommended