Skip to playerSkip to main content
Isa-isang sinalag ni Vice Pres. Sara Duterte ang mga paratang ng nagpakilalang dating tauhan ni Ex-Speaker Lord Allan Velasco na si Rodulfo Gracioso JR.
Naglabas ang bise ng mga patunay para pabulaanan ang mga alegasyon ni Gracioso.


Wala nang mahanap na depensa ang bise kaya itinuturo ang pangulo—Malacañang 


Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang panig ni Gracioso, na wala pang tugon.
Sagot naman ng Malacañang, wala na raw mahanap na pang-depensa ang bise kaya siya nagtuturo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isa-isang sinalag ni Vice President Sara Duterte ang mga paratang ng nagpakilalang dating tauhan ni ex-speaker Lord Alan
00:07Velasco na si Rodolfo Gracioso Jr.
00:10Naglabas ang bisen ng mga patunay para pabulaanan ng mga aligasyon ni Gracioso.
00:16Mariin kong itinatanggig ang mga pahayag ni Rodolfo Mondigo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang sa Laysay at mga panayam sa
00:28media.
00:30Hawak ng bisi ang kanyang affidavit na isusumite sa NBI.
00:34Isa-isa niyang pinasulungalingan ang mga pagkakataong hinatiran daw siya ng pera ni Gracioso.
00:40Wala rin daw siyang tinanggap ng mga boxes ng cash at sasakyan noong March 1, 2021.
00:46Birthday umano ng anak niya noong March 2 at sa bahay lang sila nag-celebrate dahil pandemic.
00:52Pinabulaanan din niya na nasa isang hotel siya sa Metro Manila noong September 21, 2019.
00:56Ayon kasi kay Gracioso, nakasama niya ang bisi at dating tauhan nitong si Jeffrey Tupas.
01:04Sa araw na ito, si Tupas ay nasa Japan.
01:07Ako naman ay nasa Davao.
01:10Sa gabi ng araw din yun, dumalo ako sa birthday celebration ni Renante Aretalia sa Davao.
01:18Wala akong tinanggap o pagmamay-ari na Hermes Bag o Patek Philippe na Relo.
01:25Walang binigay sa akin na Escalade at Grandia Van.
01:30At wala ding ibinigay na pera sa akin si na Lord at Wen para sa HNP.
01:38Itinanggiri ni VP Sara na nasa Marinduke siya noong Semana Santa ng April 2019
01:43para i-endorso sa eleksyon ng mga Velasco kasama ang kanyang dating staff na si Jeffrey Tupas.
01:50Nagpakita siya ng mga litratong patunay rao na nasa Mindanao siya noong April 14 to 21, 2019.
01:57Birthday umano ito ng kanyang ina kung saan makikitang kasama niya ang kanyang pamilya sa Davao City.
02:02At mga sumunod na araw naman ay rally ng hugpong ng pagbabago sa ibat-ibang lugar.
02:11Una, si Tupas ay nasa Korea noong April 18 to 22, 2019.
02:18Pangalawa, hindi nangampanya ang HNP at wala akong inendorso sa Marinduke noong 2019
02:27dahil sabi ni Lord, wala silang malakas na kalaban ni Presbitero Velasco.
02:35Hindi rin daw kapanipaniwala na noong 2018 sinundo siya ni Gracioso sa isang hangar sa Pasay City.
02:43Maging ang sinabi ni Gracioso na nagpunta ang mag-asawang Velasco sa kanilang bahay,
02:48ay hindi rin daw totoo dahil wala raw siya sa Davao ng mga panahong iyon.
02:54Makikita sa Salaysay ang pagsisinungaling ni Gracioso tungkol sa pagpunta sa bahay namin na sabi niya,
03:04kumain at uminom sa receiving area.
03:08Ang bahay namin noon ay masikip at makitid, kaya't wala itong receiving area.
03:17Pinasungalingan din ni Duterte ang sinabi ni Gracioso na bigay ni Ramil Madriaga ang motorsiklo na gamit niya sa caravan.
03:25Ipinakita ng Bise ang mga resibo bilang patunay na siya mismo ang bumili nito noong 2017.
03:32Itinanggi rin niya ang paggastos umano ni Madriaga sa riding course ng Bise.
03:37Si Madriaga ang nagpakilalang dating staff ng Bise na gumawa rin ng aligasyon ng paghahatid ng pera kay Duterte.
03:45Kung kunwaring totoo ang maleta na may 20 milyon na binigay kay Ramil Madriaga sa bahay ko pa mismo,
03:55nakakapagtatakang hindi ito pinanggit ni Madriaga sa kanyang affidavit ng paninira laban sa akin.
04:02Wala akong problema sa lie detector test pero ipakita muna nila yung public na lie detector test ni Gracioso.
04:19Yan naman ang tugon ng Bise kung handa siya sa lie detector test na hamon ni Gracioso.
04:24Hamon ang Bise kay NBI Director Melvin Matibag.
04:27Tupa rin ito ang sinabing kakasuhan nila.
04:30Kung nagsisinungaling si Gracioso dahil malinawa niya na hindi totoo ang mga sinabi nito.
04:36Ayon kay Duterte, ibibigay niya ang kanyang affidavit sa NBI sa tamang panahon.
04:41Pero git niya, malinaw na sa manang loob at pera ang motibo ni Gracioso.
04:48Walang ganit si Gracioso sa akin. Motivated by money siya.
04:53So ang tao naman na motivated by money, wala yung feelings eh. Kasi pera-pera lang yan.
05:00So somebody made it to destroy you?
05:03Yes ma'am. Obvious na obvious yan.
05:05Sino po ang nasa likod nito?
05:07Administrasyon.
05:08Sino ang nasa likod ng paninira sa akin?
05:12Administrasyon.
05:14Ang palasyo, si BBM.
05:17Lahat nung bahid na katiwalian na dapat sagutin ni BBM ay pinapahid niya sa akin.
05:26Sa kanya yung issue ng maleta.
05:29Kasi tumanggap siya ng maleta ayon sa testigo ni Zaldico.
05:34Hanggang ngayon, hindi pa sinasagot.
05:39Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang panin ni Gracioso na wala pang tugon.
05:45Sagot naman na malakanya ang wala na raw mahanap na pangdepensa ang BISE kaya siya nagtuturo.
05:50Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
05:54kung may sumisira raw kay Duterte ay ay kagagawa nito.
05:58Na mismo ng BISE sa sarili niya.
06:01Anya dapat panindigan nito ng BISE lalot na kinabang umana siya sa nakuhang pera.
06:07Siguro yun talaga yung mangyayari kapag wala ka na mahanap na pangdepensa,
06:13magtuturo ka na lang na iba.
06:15Kung may natanggap man silang pera, hindi ang Pangulo ang nakinabang dito.
06:20Hindi ang kasalukuyang administrasyon ang nagpasasa sa mga pondong diumanong tinanggap nila.
06:27Sa kanila ito itinuturong na ibigay.
06:29Hwana presto.

Recommended