00:00On average, dapat nasa 180 hanggang 200 days kada school year ang pasok ng mga estudyante sa basic education.
00:09Pero ayon sa 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2,
00:14umaabot ng 40 to 50 school days ang nakakansila kada taon dahil sa iba't ibang dahilan.
00:21Karamihan dyan ay dulot ng lagay ng panahon.
00:24Batay sa ulat ng Department of Education, nitong August 11, 2026,
00:30mahigit 6.5 milyong estudyante mula sa halos 10,000 public schools ang naapekto ka ng class suspensions dahil sa
00:39habagat.
00:40Sa Metro Manila, mula nang magbukas ang klase noong June 8,
00:46pitong beses nang nagkaroon ng malawakang class suspension dahil sa epekto ng bagyo at habagat.
00:52Kaya kahit kasisimula pa lang ng school year, ang dami na raw agad na tapyas sa bilang ng mga araw
01:00na dapat sana'y papasukan ang mga estudyante.
01:03Sabi ng EDCOM 2, posibleng dumami pa raw ang class suspensions pagdating ng bare months kung kailan posibleng pumasok ang
01:11mas marami pang bagyo.
01:13Paano na raw kaya ang kalidad ng pag-aaral ng mga bata?
01:16Pero ang tanong, sa panahon ng kalamidad, ano ba ang dapat na prioridad?
01:23Kaligtasan ng mga estudyante o ang kalidad ng kanilang pag-aaral?
01:30Paano makakahabol sa lessons ang mga estudyante kahit maraming class suspension?
01:38Diyan daw papasok ang 4-H Emergency Learning Protocol na inactivate ng DepEd nitong August 10.
01:45Sa ilalim ng Department of Education Order No. 14 Series of 2026,
01:51itinatakda ang guidelines para sa learning continuity kapag may emergencies.
01:55Ibig sabihin, kahit walang in-person classes, may susunding pamantayan ng mga eskwelahan sa pagpapatupad ng mga task o aktibidad
02:04para matiyak na hindi matitigil ang pagkatutok ng mga estudyante habang isinasaalang-alang pa rin
02:11ang kaligtasan at kondisyon ng parehong learners at mga guro.
02:17Mayroon itong apat na levels.
02:19Una, ang hayo o continue.
02:22Kung ang mga mag-aaral at guro ay parehong physically safe at nasa tamang kondisyon para sa lessons,
02:29tuloy ang regular face-to-face classes.
02:33Ang susunod na level ay hinay o ease in.
02:37Ipatuto pa dito kung may minor hanggang moderate na disruption sa face-to-face classes
02:42at nagdudulot ito ng mild stress sa mga mag-aaral.
02:46Gaya halimbawa kung may yellow rainfall warning.
02:49Kung ang lugar ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 o 2,
02:55lindol na intensity 4 pababa,
02:58o kung apektado sila ng init ng panahon na umaabot sa 27 hanggang 32 degrees Celsius.
03:05Sa hinay level, tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.
03:10Kung walang in-person classes,
03:12gagamit ang mga teacher ng aprobadong Learning and Service Continuity Plan
03:16o modular at online learning.
03:19Pero, ia-adjust ang pace o bilis ng lessons para maibsan ang pressure sa mga guro at learners.
03:26Babawasan din ang bilang ng subjects at iipsian ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante.
03:33Hinga o check-in level naman ang ipatutupad kapag mataas ang stress ng learners
03:39dahil sa epekto ng emergency, grises o kalamidad.
03:43Tulad ng Orange Rainfall Warning,
03:45Tropical Cyclone Wind Signal No. 3,
03:48Intensity 5 na lindol,
03:49o init ng panahon paabot sa 33 to 41 degrees Celsius.
03:54Ang mga guro ay magsasagawa ng well-being checks
03:58o kukumustahin nila ang physical,
04:01psikologikal at social-emotional na kalagayan ng learners
04:04bilang bahagi ng kanilang teaching load.
04:07Dito gagawing prioridad ang kapakanan ng mga mag-aaral
04:11at babawasan ng gusto ang academic requirements.
04:15Pwede pa rin magbigay ng mag-aana asynchronous tasks,
04:19pero hindi gagawing mandatory ang submission.
04:21Ang focus muna sa pag-aaral
04:24ay pag-re-review ng mga nakaraang lesson.
04:28Hinto o stop level na ang ipatutupad
04:31kapag alanganin ang kaligtasan
04:33at pangunahing pangangailangan ng learners.
04:36Ito ang level kapag may Red Rainfall Warning,
04:39Tropical Cyclone Wind Signal No. 4,
04:42lindol na Intensity 6 pataas,
04:44o init na umaabot sa 42 hanggang 52 degrees Celsius.
04:49Tuluyan munang ititigil ang academic learning
04:52at tututukan ang proteksyon, emergency response
04:56at basic needs ng mga estudyante at personel ng eskwelahan.
05:00Dapat may nakahandang crisis management control protocols
05:04ang paaralan at aktibo silang makikipagtulungan sa LGU.
05:09Kailangan ding tiyakin nilang mabibigyan
05:11ng mental health and psychosocial support services
05:14ang mga learner at guro.
05:16Paglilinaw ng DepEd,
05:17ito ay guidelines patungkol sa pagpapatuloy
05:20ng pagkatuto ng mga estudyante kapag may emergencies.
05:24Hiwalay ang guidelines sa pagsususpin din ang klase
05:27kapag may mabibigat na pagulan,
05:29bagyo at iba pang kalamidad.
05:31Ayon din kay DepEd Secretary Sani Anggarang,
05:35ang learning continuity ay hindi nangangahulugang
05:38pupwersahin ang mga estudyante
05:40na gumawa ng mga regular academic work
05:42kahit may kalamidad.
05:44Ang layunin daw nila ay magabaya ng mga eskwelahan
05:48kung kailan itutuloy, babagalan
05:51o ihihinto muna ang lessons
05:53nang hindi nakukompromiso
05:55ang kaligtasan at pagkatuto ng mga estudyante.
06:02Pagkatuto ng mga estudyante.
06:04Pagkatuto ng mga estudyante.
06:08Pagkatuto ng mga estudyante.
Comments