00:00Ngayong may banta ng Super El Niño, ang isa sa pinangangambahan ang posibleng water shortage na dala ng matinding tagtuyot.
00:08Kaya ngayon pa lang, pinaaalalahanan na ang publiko na mag-impact at magtipid sa paggamit ng tubig.
00:17Pero ano naman kaya ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa posibleng water shortage?
00:25Ang Department of Social Welfare and Development nag-adopt daw ng air-to-water technology para makatulong na magbigay ng
00:33maiinom na tubig sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng matinding init.
00:37Nagiging posible ito sa pamamagitan ng Atmospheric Water Generation System kung saan kumukuha ng moisture mula sa hangin at ikinoconvert
00:46ito sa tubig.
00:48Dadaan ang hangin sa heat exchange para mag-evaporate at palalamigin ang system para naman mag-condense ang water vapor
00:56at maging maliliit na patak ng tubig.
00:59Pagkatapos ay dadaan ito sa filtration process at UV light para matanggal ang mga dumi at ibang contaminants at sa
01:05mineralization process para magdagdag ng minerals sa tubig.
01:10Dadaloy ang tubig sa built-in reservoir ng machine para ipunin.
01:14Ang lalabas na tubig, pwede nang inumin o istore para magamit sa ibang pagkakataon.
01:20Nagsimula namang magtayo ang Department of Environment and Natural Resources ng Rainwater Harvesting System para makapag-ipon ng tubig sa
01:29ilang komunidad na maipapamahagi sa mga kabahayan.
01:32Sa sistemang ito, hindi basta hinahayaang dumaloy at masayang ang tubig ulan.
01:38Sinasalo ng bubong ang tubig ulan na dumadaloy naman sa gutters papunta sa collection system.
01:44Bago makarating sa tangke, dumadaan ang tubig sa mga screen or filter para maalis ang malalaking dumi gaya ng mga
01:52dahon.
01:53Iniipon ang tubig sa isang tangke, rain barrel o cistern para may magamit kapag kinakailangan.
01:59May mga system ding may overflow outlet para mailabas ang sobrang tubig kapag puno na ang tangke.
02:06Pero paalala ng DENR, hindi otomatikong ligtas inumin ang nakolektang tubig ulan.
02:12Mainam na gamitin ito sa mga non-putable na paraan gaya ng pagdidilig, panglinis at pag-flush.
02:19Pero para sa mga magsasaka, hindi lang basta kakulangan sa tubig ang banta ng tagtuyot.
02:24Dahil kung walang tubig, apektado ang mga ani, ang kabuhayan ng mga magsasaka at ang supply ng ating pagkain.
02:33Bilang paghahanda, gagamitin naman daw ng National Irrigation Administration ang Groundwater Maps ng Mines and Geosciences Bureau
02:41para matukoy ang mga posibleng mapagkukunan ng groundwater para sa solar-powered irrigation pump systems.
02:48Plano rin itong mag-deploy ng mobile solar pumps sa mga lugar na madalas makaranas ng tagtuyot at kakulangan ng
02:56tubig.
02:57Paano naman ito gumagana?
02:59Unang ginagawa ang site assessment.
03:01Pinag-aaralan muna ang lugar na mapagkukunan ng tubig at ang dami ng tubig na kailangan para sa irigasyon.
03:08Kapag maayos na ang site, kinoconvert na ang sikat ng araw para gawing kuryente gamit ang mga solar panel.
03:15Ginagamit ang kuryenteng ito para paanda rin ang pump na kukuha ng tubig mula sa angkop na pinagkukunan gaya ng
03:22balon.
03:23Depende sa disenyo ng system, maaaring dumaan ng tubig sa mga tubo papunta sa imbakan o direkta sa irrigation network
03:30para maipamahagi sa mga taniman.
03:33Pero hindi lang aktual na pagkuha at pag-iimbak ng tubig ang mahalaga sa paghahanda sa El Niño.
03:39Kailangan ding malaman ng mga magsasaka kung ano ang posibleng maging kondisyon ng panahon sa kanilang lugar.
03:46Dito pumapasok ang Project Saray o Smart Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry na pinangungunahan ng University of the
03:55Philippines Los Baños.
03:57At pinupondohan ang Department of Science and Technology, Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development.
04:05Binigyang din ang Department of Science and Technology bilang paraan ng paggamit ng science-based tools upang paghandaan at tugunan
04:13ang epekto ng climate change kabilang ang Super El Niño.
04:17Nag-generate ang Project Saray ng location-specific weather advisories para matulungan ang mga magsasaka na mas mapamahalaan ang kanilang
04:26sakahan.
04:27Sa pamamagitan ng impormasyong nakabatay sa kondisyon ng panahon, sa partikular na lokasyon, mas magkakaroon sila ng gabay sa pagpaplano
04:36ng kanilang mga gawain sa bukid.
04:38Mahalaga ito dahil hindi pare-pareho ang magiging kondisyon ng panahon at pangangailangan sa tubig sa bawat lugar.
04:46May mga teknolohiyang maaaring makatulong para mapaghandaan ang kakulangan sa tubig, pero mahalaga ring matiyak na ang mga ito ay
04:54ang COP sa pangangailangan ng mga komunidad at magsasaka.
04:58Sa huli, hindi lang pagkakaroon ng mga programa ang sukatan ng paghahanda sa El Niño, kundi kung paano maayos na
05:05maisa sa gawa ang mga ito at kung gaano kalaki ang maitutulong sa mga posibleng maapektuhan ng tagtuyot.
05:27Outro