00:01Trauma para kay Emelina ang kanyang karanasan sa dati nilang tinitirhan.
00:06Dahil tabing ilog, gadib-dib ang bahatuwing masama ang panahon.
00:19Hindi rin nalalayo ang karanasan ni Crisanta.
00:34Ilan lamang si Emelina at Crisanta sa libo-libong informal settler sa Valenzuela City.
00:39Pero ngayon, hindi na sila no permanent address.
00:42Matapos ma-turnover sa kanila mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:46ang Housing Unit Certificate para sa kanilang bagong tahanan sa disiplina Village Arkong Bato sa Valenzuela City.
00:53Sa kabuuan, nasa 333 units ang naipamahagi na mula sa Phase 1, 2 at 3 ng proyekto.
00:59Sa ilalim yan ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH ng Pamahalaan.
01:05Ayon sa Pangulo, hindi lingid sa kaalaman ng gobyerno ang pagiging lantad sa panganib ng mga informal settlers
01:11sa tuwing may sama ng panahon dahil sa kanilang paninirahan sa danger zones.
01:15Kaya marapat lamang anya na mailipat sila sa ligtas na komunidad.
01:19Sa tuwing masama ang panahon, nag-aalala sila para sa kanilang pamilya, kagamitan at kaligtasan.
01:25Kaya mahalagang mabigyan natin ang mga pamilyang ito ng pagkakataong makalipat sa isang komunidad na mas ligtas para sa kanilang
01:34mga pamilya.
01:35Dito sa barangay Arkong Bato, itinayo ang disiplina Village.
01:40Ito po ay bahagi ng ating relocation program para sa mga informal settler families,
01:46kabilang ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na madalas bahain malapit sa Tulahan River.
01:52Kampante ang Pangulo na kasabay ng pagkakaloob sa mga benepisyaryo ng kanilang bagong tahanan
01:57ay ang pagsisimula rin ng panibagong buhay.
02:00Bukod sa siguridad ng isang maayos na kabahayan,
02:04ang isa pang maganda sa proyektong ito ay malapit ito sa mga paaralan at mga paghamutan.
02:11Mas madali para sa mga bata ang makapag-aral at para sa mga pamilya na masiguro ang kanilang mga kalusugan.
02:18Kaya sa ating mga pamilyang benepisyaryo, congratulations po sa inyong lahat.
02:28Inaasahan ko po na ito ay simula ng pagbuo ninyo sa mga masasayang alaala ng inyong pamilya.
02:36Nawa sa mga tahanan na ito ay mapalaki ninyo ng maayos ang inyong mga anak
02:41at may pagpatuloy ang mga pangarap na matagal na ninyong pinagsisikapang abutin.
02:47Hinimok naman ang presidente ang mga homeowners na pangalagaan ang iginawad sa kanilang bahay.
02:52Andito nga tayo ngayon sa 30 square meters na model unit noong mga ibinahaging pabahay dito sa Valenzuela City.
02:59At may kita nyo na disente yung bawat unit na ibinigay doon sa mga benepisyaryo.
03:03Merong loft kung saan doon mahihiga o matutulog yung mga pamilyang titira dito.
03:08Mayroon ding living at dining area, CR at kusina.
03:13Sa ngayon wala pang pinal na halaga para sa buwan ng hulog na mga naninirahan dito.
03:18Pero siniguro ng gobyerno na abot kaya ito.
03:21Laking pasasalamat naman nila dahil mas panatag na raw sila ngayon sa kanilang bagong bahay.
03:26Kadaulan parang safe na po talaga kami. Lalo pa po nasa fourth floor na ako. Safe na safe po kami.
03:33Masaya po sir kasi po hindi na po kami kakaba-kaba na mangyari ulit yun na bumabag yun, bumaba sa
03:42loob ng bahay.
03:43Muli namang tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na punan ang kakulangan ng pabahay sa bansa.
03:50Katunayan, umabot na anya sa 600,000 pabahay ang nagawa ng pamahalaan mula noong July 2022 hanggang nitong Hulyo ng
03:58taon.
03:59Asahan ninyo na patuloy na magtutulungan ang pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan, mga komunidad at ang ating mga katuwang na
04:08pribadong sektor upang may pagpatuloy ang marami pang programa sa pabahay na tulad na ganito.
04:15Kenneth, pasyente para sa bayan.