00:00Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Budget and Management
00:04ang pagpapalabas ng P43.8 billion pesos na pondo upang mas siguro tuloy-tuloy
00:10ang agarang paghahati ng tulong pinensyal, food support, pensyon at mga livelihood programs
00:16para sa milyong-milyong Pilipinong nangangailangan.
00:19Ipadadaan sa Department of Social Welfare and Development ang pondo para ipagpatuloy
00:24ang mahalagang social protection interventions at pabilisin ng pagbibigay ng tulong
00:29sa mga pamilyang pinaka-apektado ng patuloy na krisis sa Middle East.
00:34Ayon kay Budget Secretary Rolando Toledo, dapat na maramdaman ng mamamayan
00:39ang pondong nakalaan para sa mga ayuda.
00:42Malaking bahagi ng nasabing pondo ang mapupunta sa protective services
00:46for individuals and families in difficult circumstances na nagkakahalaga
00:50ng halos 37 billion pesos na sinundan ng supplemental feeding program,
00:56social pension para sa indigent senior citizens at sustainable livelihood program.
Comments