Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Pamahalaan, naghahanap ng iba pang paraan para matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng taas-presyo ng petrolyo | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy pa rin ang pagsisikap ng pamahalaan para makahanap ng ibang paraan at matulungan ng ating mga kababayan sa harap
00:07ng pagtaas ng presyo ng krudo.
00:09Kaugnay niya, ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng 10 billion pesos na pondo para sa ayuda
00:17ng mga magsasaka at maingisda.
00:19Yan ang ulatin Ken at pasyente.
00:22Sa harap ng patuloy na pagsipan ang presyo ng produktong petrolyo, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi
00:29tumitigil ang pamahalaan sa paghanap ng paraan para mabawasan ang epekto nito sa publiko.
00:35Anya, kailangang iyakma sa sitwasyon ng mga hakbang ng pamahalaan, lalo't pabago-bago ang presyo ng langis.
00:42So we are still trying to find different methods para makapagbigay ng subsidy, para makabigay ng tulong.
00:52The problem is masyadong malikot ang presyo ng langis, hindi natin ma-anticipate.
00:59So we are still adjusting right now.
01:03Sinabi rin ng Pangulo na nagawa ng pamahalaan na kahit paano'y maibsa ng epekto ng tumataas na presyo
01:09sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang, habang tiniyak niya sa publiko na nananatiling sapat ang supply ng langis at pagkain.
01:17But I think so far, kahit pa paano, we will be able to soften the blow, ikaw nga.
01:25Basta we want to keep as much as possible, huwag po mag-alala ang tao.
01:30We are securing the supplies of oil, we are securing the supplies of food,
01:35and so far, sapat naman ang ating mga supply, ang ating mga naka-stack na sa langis at saka sa
01:45pagkain.
01:45Kaya ang binabantayan na lang natin ngayon ang presyuan.
01:50Dahil sa pagkain, mas marami tayong magagawa.
01:54Pwede natin, nagahanap kami ng paraan pa para ibaba ang presyo ng pagkain.
01:59Dagdag pa niya, nagsisikap ang pamahalaan na makahanap ng ibang mapagkukunan ng langis.
02:05Yung langis, wala tayong magagawa dyan.
02:09Pero at least yung supply ay tinitiyak namin magkakaroon.
02:13So kahit na may stack tayo, patuloy ang maghanap ng Pilipinas dahil kumukuha talaga tayo sa Middle East.
02:19So nagahanap tayo ng alternative sources ng langis.
02:23Habang ipinagpaliban ang pagtaas ng pasahe, magpapatuloy naman anya ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong para matiyak na hindi lubhang
02:31maaapektuhan ang mga driver at operator lalo na ngayong Semana Santa.
02:35Sinabi naman ni Executive Secretary Ralph Recto, susunod na bibigyan ng tulong pinansyal ang mga magsasaka at mangingisda.
02:42Matapos ipatupad ang 5,000 fuel subsidy para sa mga transport worker.
02:46Binigyan din niya na sa makabagong panahon, malaki ang papel ng krudo sa produksyon ng pagkain lalo't gumagamit ang mga
02:54magsasaka ng makinarya tulad ng traktora at harvester.
02:57Habang ang mga mangingisda naman ay umaasaan niya sa mga bankang demotor na kumagamit ng gasolina o diesel.
03:04Dahil dito, tinatayang umaabot sa 75% ng presyo ng isda sa merkado ay napupunta sa gastusin sa krudo.
03:11Upang maibsan ang kanilang paghihirap, sinabi ni Recto na inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang paggamit ng 10 billion pesos
03:18na pondo
03:19upang tulungan ng mga magsasaka at mangingisda na makaagapay sa tumataas na presyo ng langis.
03:25Layunin nito na maiwasan ang pagtaas ng presyo ng pagkain na dulot ng pagmahal ng krudo.
03:30Lalot kapag nabawasan ang paglalayag ng mga mangingisda dahil sa kakulangan ng gasolina,
03:34bumababa ang kanilang huli na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda.
03:38Inaasahang ipatutupad sa lalong madaling panahon ng Department of Agriculture
03:42ang nasabing fuel subsidy program para sa mga benepisyaryo.
03:46Kenneth, pasyente.
03:48Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended