00:00Samantala, siniguro ng mga ahensya ng pamahalaan na magagamit ng tama ang 2026 National Budget
00:06habang nananatili naman ang tiwalaan ng Pangulo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
00:12para mapanagot ang mga sangkot sa mga manumaliang flood control projects.
00:17Babalik si Kenneth Pasyende.
00:22Nananatili ang kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:29Yan ay sa kabila ng ilang mga punah sa komisyon na tila hindi na kailangan ng papel nito sa pag-i-investiga
00:34sa maanumaliang infra project sa nakalipas na sampung taon.
00:39Sa ngayon po, nandiyan po ang tiwala ng Pangulo sa ICI.
00:43Ang naislan din po ay mapanagot ang lahat mapanagot.
00:46Walang sinisino, walang kinikilingan.
00:49At hayaan na lang po natin muna kung ano po ang mangyayari sa ICI.
00:54Ipinuntopan ng Malacanang na baga man nag-resign ang dalawang commissioner ng ICI,
00:58hindi ito hadlang para isakatuparan ng komisyon ang mandato nito
01:02na mapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian sa infra projects.
01:06Even if the ICI will only have one member, and that's the chairman, Chairman Reyes,
01:15he could also or he could still recommend the filing of the case.
01:20So kung sila man ay sasabi nyo na mas maganda kung mas marami, mas maganda po talaga.
01:24Yan naman po ay kinikilala natin na kung mas maraming tao, mas maraming maaaring mga opisyal na mag-iimbestiga
01:37or mag-aaral mga kaso, mas maganda po.
01:39Pero hindi ibig sabihin niya na kahit nag-iisa ay hindi makakapag-function.
01:43Muli namang binigyang diin ang palasyo na walang kamay ang ehekutibo
01:46sa ugong na plano umanong pagsasampang muli ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte.
01:52Kung ano man po ang tinatrabaho o ginagawa po sa House of Representatives,
01:58hindi po yan saklaw ng ating Pangulo.
02:01At maliwanag naman din po ang sinabi ng Pangulo,
02:03kung may kakaroon man po ng impeachment complaint
02:06o pagsasampa ng impeachment complaint laban sa Vice-Presidente,
02:10ito ay dapat na ituring na parang flood control mess.
02:14Kung kinakilangang imbestigahan na malaliman at dapat may managot, dapat na managot.
02:19Paalala pa ni Castro sa mga mambabatas.
02:22Alam po nating lahat na ang mga mambabatas ay binoto
02:26dahil sila po ay may puso, may talino, at may konsensya.
02:33Alam nila ang tama at mali.
02:34Alam nila na ang kanilang gagawing trabaho ay para sa taong bayan,
02:39hindi para sa iilan lamang.
02:41So, sila na po.
02:43Nasa pagdidesisyon po nila yan kung magkakaroon po ng pagsasampa ng impeachment complaint
02:49at kung ano po ang kanilang gagawing pagre-resolve patungkol dyan.
02:54Sinisiguro naman ang mga ahensya ng gobyerno na magagamit ng tama ang 2026 National Budget
02:59alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr.
03:02Katunayan, nagkaroon ng pulong ang Cabinet Secretary sa pangungunan ni Executive Secretary Ralph Recto.
03:09Dito natalakay ang mga hakbang ng kanilang ahensya
03:12para matiyak ang strategic alignment para sa 2026 National Budget
03:16na dapat ay nakaangkla sa mga prioridad at development plan ng pamahalaan.
03:21Kenneth Pasyente
03:23Para sa Pambansang TV
03:25Sa Bago, Pilipinas
Comments