00:00Mapagpalayang Gabi, Pilipinas!
00:03Bayan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
00:06Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09na ang kalayaan ng bansa ay bunga ng sakripisyo at pakibaka ng mga bayani at tinuno
00:14laban sa mhigit tatlong siglong pananakop ng mga dayuhan.
00:18Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mga Pilipino na maging mapanuri sa katotohanan,
00:24gamitin sa tama ang kanilang kakayahan at unahin ang ikabubuti ng bayan.
00:29Yan ang ulit ni Kenneth Pasyente.
00:33Patuloy na mahalin, piliin at ipaglaban ng bansa sa gitna ng mga hamon sa kasalukuyan,
00:39iyan ang naging paghimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayan ng Pilipino
00:43sa paggunita ng ika-isandaan na 28 taong anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas.
00:50Sa kanyang talumpati, binigyang diin niya na ang kalayaan ng bansa ay bunga ng sakripisyo
00:55at pakikibakan ng mga bayani laban sa mahigit tatlong siglong pananakop ng mga dayuhan.
01:00Kaya hindi anya sapat na alalahanin lamang ang kasaysayan.
01:03Matapos ang mahigit isang siglo mula nang makamit natin ang kalayaan,
01:10ano na ang nagawa natin sa kalayaan kanilang ipinaglaban?
01:15Sapagkat hindi sapat na lingunin lamang natin ang nakaraan,
01:20kailangan magsilbing pundasyon ang mga aral nito sa ating kasalukuyan at sa ating kinabukasan.
01:28Ang ating kasaysayan ay nagturo sa atin na sa pagkakaisa lamang makakamit ang kasarinilan.
01:37Na ang tunay ng mga pinuno ay iyong nagsisasakripisyo ng sariling interes para sa ikabubuti ng bayan.
01:46Na ang kalayaan ay dapat na inaalagaan.
01:50Hinimok din niya ang mga Pilipino na maging mapanuri sa katotohanan.
01:55Gamitin sa tama ang kanilang kakayahan, lumaban ng patas sa araw-araw at unahin ang kapakanan ng bayan.
02:02Ipalalim natin ang ating kamalayan, maging mapanuri sa katotohanan.
02:08Gamitin natin sa tama ang ating kakayahan, hindi sa masama.
02:12At lumaban ng patas sa araw-araw, huwag pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba.
02:21At pilihin natin ang ikabubuti ng bayan laban sa interes ng iilan.
02:27Kung mananatili tayong tapat sa mga adikaheng ito,
02:31matitiyak tayong magmamana ang mga susunod ng henerasyon ng isang bansa
02:37na mas matatan, mas makatarungan at mas maunlad.
02:43Kinilala naman niya ang mga hamon sa kalayaan at kaunlaran ng bansa,
02:46pero nagpahayag ng tiwala sa kakayahan, sipag at pagkakaisa ng mga Pilipino
02:51sa pagharap sa anumang pagsubok.
02:53Nandyan ang mga katiwalian, pagkakakanya-kanya at kahirapan.
02:59Nandyan din ang mga pandayding nakaganapan at banta
03:03ng tinatawag na climate change at kalikasan.
03:07Ngunit, sa kabila ng mga ito, nananatili ang aking paniniwala
03:13at pag-asa sa galing, sipag at kabutihan ng ating lahi ng lahing Pilipino.
03:23Sa maraming pagkakataon, na ipakita natin ang ating kakayahan
03:27na manindigan para sa tama, na magmalasakit sa kapwa
03:32na bumangon sa harap ng pagsubok.
03:36Kinilala rin ng punong ehekutibo ang tapang ng mga bayaning Pilipino
03:39na siya anyang dahilan ng tinatamasang kapayapaan,
03:42kasarinlan at kalayaan ng mga Pilipino.
03:45Pasado alas 7 ng umaga nang dumating ang Pangulo sa Rizal Park,
03:48kasama si First Lady Lisa Araneta Marcos,
03:51Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos,
03:54Simon at Vini Marcos.
03:56Ang first family ang nanguna sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas,
03:59kasabay ang pag-awit ng lupang hinirang.
04:02Nag-alay din ng Bulaklak ang presidente sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
04:06Inalala naman ang mga revolusyonaryong Pilipino na nakahimlay
04:09sa Musoleo de los Veteranos de la Revolución
04:12sa loob ng Manila North Cemetery.
04:14Pinangunahan ni Defense Undersecretary Ireneo Espino
04:17at Manila Vice Mayor Chi Atienza ang pag-aalay ng Bulaklak.
04:21Nagkaroon ng 21-gun salute at ilang minutong katahimikan
04:24bilang pagbibigay-pugay sa mga revolusyonaryo.
04:28Sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Caloocan City Mayor Along Malapitan
04:33naman ang nanguna sa araw ng kalayaan sa Monumento Circle.
04:36Sabi ni Gatchalian,
04:37ang kasaysayan ay buhay na kwento ng sambayan ng Pilipino
04:40kabila ang bawat sakripisyo,
04:42pagtutulungan at tagumpay sa pagtungo sa isang mas maunlad na kinabukasan.
04:46Ang kalayaan-anya ay hindi natatapos sa pagwawakas ng kolonyalismo,
04:50kundi patuloy na pakikibaka laban sa kahirapan,
04:53kawalan ng oportunidad at hindi pagkakapantay-pantay.
04:58Sa pinaglabanan shrine naman sa San Juan City,
05:01binigyang diin ni Foreign Secretary Maria Teresa Lazaro
05:04ang koneksyon ng makabagong diplomasya sa ipinaglaban ng mga bayani,
05:08particular na sa usapin ng West Philippine Sea.
05:11Ayon kay Lazaro,
05:12hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga katipunero
05:15kung saan napatunayan na hindi sila nag-alinlangan manindigan
05:18kapag nakataya ang dignidad at kalayaan ng bawat Pilipino.
05:23Kenneth, pasyente, para sa bayan.
Comments