00:24ASEAN
00:30Abdul Razak ng Malaysia, Sinatami Rajaratnam ng Singapore at Tanat Koma ng Thailand ang mga itinuturing bilang founding fathers ng
00:38ASEAN.
00:39Taong 1974, nang unang maging dialogue partner ng ASEAN ang bansang Australia.
00:44February 24, 1976 naman, nang unang idaos ang kauna-unahang ASEAN Summit sa Bali, Indonesia.
00:51Dito ay inihayag ng ASEAN ang kahandaan nito na magkaroon ng magandang relasyon at magkaroon ng magandang kooperasyon sa iba
00:59pang mga bansa sa reyon.
01:00Noong 1984, nang sumali ang bansang Brunei Darussalam sa ASEAN.
01:04Ang Brunei ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na sumali sa ASEAN matapos ang 17 taon.
01:11Noong 1994 naman, nang pinagtibay ng mga foreign ministers ang ASEAN flag bilang simbolo ng kooperasyon at pagkakaisa ng mga
01:18kasapi ng ASEAN.
01:19Noong 1995 naman, nang mapabilang ang bansang Vietnam sa ASEAN.
01:24Matapos ang dalawang taon, napabilang rin ang Lao People's Democratic Republic at Myanmar bilang mga bagong miyembro ng ASEAN.
01:32Taong 1999 naman, nang sumali ang Kambodya sa ASEAN.
01:35Noong 2007, nang lagdaan ng ASEAN member states ang ASEAN Charter.
01:392015, nang binuo naman ang ASEAN community.
01:43Dito nabuo ang guiding principle ng komunidad na one vision, one identity, one community.
01:49At nito lamang nakaraang taon, naging bahagi na rin ng ASEAN ang Timor-Leste matapos ang higit dalawang dekada mula
01:57nang makamit nila ang kalayaan mula sa bansang Indonesia noong 2002.
02:02Ngayon 2026, unang beses lalahok ang Timor-Leste bilang miyembro ng ASEAN sa ilalim ng chairship ng Pilipinas.
02:11Gabo Milde Villegas, para sa bayan.