00:00Patuloy ang paalala ng Department of Health sa mga kababayan na sundin ang mga abiso ng mga lokal na pamahalaan ngayong nagpapatuloy ang pag-uulan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:12Ayon sa kagawaran, bukod sa abiso ng mga otoridad, ay maaari ring tumawag sa rescue hotlines na 911 habang 1555 naman sa Department of Health.
00:25Paalala pa ng DOH, mag-ingat sa inuming tubig. Pwede kasing o pwedeng pakuloan muna ang tubig ng dalawang minuto o gamitan ng chlorine tablets.
00:38Kapag napalusong naman sa baha, abiso ng DOH na hugasan ng malinis na tubig at sabon ng katawan at kumonsulta sa inyong health center kung saan may libreng gamot.
00:50Para naman sa mga residenteng nasa evacuation centers na, maghugas lagi ng kamay at magsuot ng face mask para makaiwas sa ubo at sipon.