Skip to playerSkip to main content
Aired (July 18, 2026): Naghahanap lang sana ng sanggol na maaampon ang isang buyer sa social media, pero nauwi ito sa pagkakadiskubre ng isang "baby locator" na nag-aalok ng mga sanggol mula sa iba't ibang lugar. Sa isinagawang operasyon, natunton ng mga awtoridad ang umano'y middleman sa likod ng bentahan. Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang buwan makalipas ang pag-aresto kay Carol, isang buyer o adapter naman ang nag-post sa isang group sa
00:07social media noong February 13.
00:09Looking for o naghahanap siya ng sanggol na maaari niyang bilhin o ampunin mula sa mga seller online.
00:17Hanggang isang babae na itatago namin sa pangalang Raquel ang nagpadala ng private chat sa buyer.
00:23Dito na raw nagsimulang i-alok ni Raquel ang isang sanggol sa buyer.
00:28Pero laking gulat ng buyer na isa pang sanggol ang iniaalok ni Raquel sa kanya.
00:33Dito na nagsimulang maghinala ang buyer na posibleng ang kanyang katransaksyon, hindi ang ina, nang ibinibentang sanggol.
00:41Nang tignan ng buyer ang iba pang group chat sa social media, natunto niya si Raquel na iniaalok din ang
00:48iba pang mga sanggol mula sa iba't ibang lugar.
00:51Kasi meron siyang inooffer na meron daw siyang hawak na February.
00:57At saka April na buntis.
01:01And then ang sinabi niya sa akin, isa po daw siyang locator.
01:05Kung firmado, ang seller na si Raquel, isa palang middleman o baby locator.
01:11At ang ilan sa mga iniaalok niyang sanggol, hindi pa ipinanganganak.
01:17Ang sistema, maghahanap ang middleman o baby locator na mga inang gustong ipaampo ng kanilang sanggol kahit pa nasa sinapupunan
01:26pa lang.
01:27Ang middleman din ang nagkahanap ng mga buyer o mga willing adapter ng mga sanggol na hindi dumaraan sa legal
01:34na proseso ng batas.
01:36Makalipas ang ilang minutong pakikipag-usap ng buyer kay Raquel.
01:40Dito na nagbigay ng presyo ang middleman na si Raquel.
01:44Ang mga inooffer na sanggol, nagkakahalaga ng 12,000 hanggang 15,000 pesos.
01:52Balin nung nagtanong kasi ako sa kanya kung paano yung bigayan,
01:56ang sabi niya po sa akin, papasundo niya lang po talaga sa akin daw.
02:01Sana yung mga b-mom na mag-stay sa kanya, yun ang pagkakasabi niya sa akin.
02:07So naisip ko kung b-mom, ang sinabi ko sa kanya, kung pwede sanang yung out na yung baby.
02:12Kasi puro hindi pa nanganak yung mga b-mom na meron siya.
02:16Pero dahil hindi pa niluluwal ang mga sanggol na iniaalok ni Raquel,
02:21hindi kumagat ang buyer sa offer ni Raquel.
02:24Sinasabi ko sa kanya, tawads na may out na na baby,
02:27willing naman po akong mag-adapt.
02:30And then, since sinasabi niya na locator po talaga siya,
02:33naghahanap siya ng paraan, paano ako makapag-adapt ng baby.
02:38Makalipas ang mahigit isang linggo,
02:40muli na namang nag-chat sa Raquel sa buyer.
02:42Sa pagkakataon ito, isang 5-day-old na sanggol naman,
02:46ang inyo-offer ni Raquel sa halagang P35,000.
02:51Meron daw siyang b-mom ngayon na ipapanganak na yung baby.
02:56And then, nagsend din po siya sa akin ng photos nung bata.
03:01Yung b-mom ay nasa lying in pa.
03:03And then, sinabi niya po sa akin na pupuntan daw namin doon.
03:08Para mas makumbinsi ni Raquel ang buyer,
03:10nakipag-video call pa siya.
03:12Pinakita niya yung bata mismo at saka na nakahiga.
03:16So, ready na.
03:18Parang ganun yung setup niya.
03:19Nandito na sa akin yung bata.
03:21Bukod sa P35,000 na offer ni Raquel,
03:24may mga request pa raw ang middleman.
03:27I-re-refund ko daw lahat ng ginastos nila
03:30ng kanyang asawa simula sa gas
03:33at sa kabaya dun sa lying in.
03:35Pero sa gitna ng pakikipag-transaksyon ng buyer kay Raquel,
03:40bigla raw, inoble ni Raquel ang presyo.
03:42Mula sa unang offer na P35,000,
03:45P70,000 na ang inihinging bayad ng middleman.
03:50Nang magkasundo na sa presyo,
03:51dito na nila pinlano ang schedule na meetup
03:54para sa bentahan na napag-usapang sanggol.
03:56Pero si Raquel, bigla raw nagbago ang isip.
03:59Kaso nga lang po, umatras po siya.
04:02Kasi nagdalawang isip po siya na baka po,
04:05ako daw po ay isang pulis.
04:07O di naman kaya,
04:09yung kasama ko ay isang pulis.
04:11Hanggang nakaisip ng paraan ng buyer
04:13kung paano makukumbinsin si Raquel.
04:17Nagkaroon po ako ng idea,
04:19nag-myday po ako,
04:21na willing po talaga akong mag-adapt ng baby.
04:25Nang mabasa raw ni Raquel ang myday o post ng buyer,
04:29dito na ulit tumawag ang middleman.
04:31Napag-isipan niya siguro na dahil kagustuhan ko din,
04:35tinawagan niya po ako ulit.
04:37At dito lang February 21,
04:40araw nang nakaschedule ng meetup ng buyer
04:42at ng middleman si Raquel.
04:44Ang target na lokasyon sa parking lot
04:47ng isang ball sa San Pedro, Laguna
04:49habang papalapit na ang oras ng meetup.
04:51Naniguro pa raw si Raquel
04:52kung makakarating ba ang buyer.
04:55The way siya mag-chat kasi sa akin,
04:56mabilisan po yung sagot niya,
04:59mahaba po yung sagot niya.
05:01And then yung mga sagot ko sa kanya,
05:04simple lang,
05:05isahang chat lang,
05:07pero yung kanya,
05:07sunod-sunod po yung chat.
05:09Willing talaga siya,
05:11or nasa kanya talaga,
05:12yung desidilo talaga siyang magbenta ng bata.
05:15Sa mga oras na ito,
05:17walang kaalam-alam si Raquel
05:18na ang katransaksyon niya.
05:20Isa na palang undercover agent
05:22ng Philippine National Police
05:24Anti-Trafficking in Persons Division
05:26o PNP-ATIPD.
05:30Mailitas kaya ng mga otoridad
05:32ang ibinibentang sanggol?
05:36Dito na sinugod ng PNP-ATIPD
05:40ang kinaroonan ni Raquel.
05:42Agad na inaresto
05:43ng mga otoridad si Raquel.
05:45Inaresto rin ang lalaking
05:46nagpakilalang kinakasama ng sospek.
05:51Nasa gip din ang ibinibentang sanggol.
05:53Pati na ang dalawang anak
05:54na kasama ng mga sospek
05:56habang nakikipag-transaksyon.
05:58We haven't located them, nanay.
06:00Hindi niya siguro din
06:01kayang buhayin
06:02yung bata
06:03kasi right after din kayo.
06:05Matapos ang pag-aresto
06:07sa mga sospek,
06:08sinubukan naming
06:09kuhanan sila ng panayam.
06:10Hindi po kami nang bibenta po, ma'am.
06:12Wala po akong idea sa
06:14ano po.
06:16Kasi hinatid ko lang po siya.
06:22Ito yata yung pambihirang pagkakataon
06:24na nabalitaan namin
06:27na may mga middleman na na-invote.
06:29May disclosure yung
06:30biological anak na itong sospek.
06:32It's not the first time daw po
06:34na may dinala yung mother nila
06:36sa bahay nila
06:37na bata
06:38and then after several days
06:41wala na.
06:42We can assume na
06:43this is not the first time
06:44na ginawa niya yun.
06:46Ang mag-liverant partner na sospek
06:49na harap sa patong-patong
06:50na kasong paglabag
06:51sa Republic Act 9208
06:53o ang Anti-Trafficking In-Persons Act
06:55of 2003
06:56at Republic Act 7610
06:59o ang Special Protection of Children
07:01Against Abuse,
07:03Exploitation,
07:04and Discrimination Act
07:05sakaling mapatunayang nagkasala
07:07habang buhay na pagkakulong
07:08ang parusa sa kanila.
07:11Ayon sa PNP WCPC,
07:13sa kabila ng kaliwat ka
07:14ng pagtugis nila
07:15sa mga nasa likod
07:16ng iligal na bentahan
07:17ng sanggol.
07:19Nananatiling
07:20hamon pa rin
07:21kung paano nila ito
07:22tuluyang matutuldukan.
07:24Kaya kailangan din nila
07:25ang tulong
07:26mula sa komunidad.
07:28Kulang ang
07:29engagement natin
07:30sa komunidad.
07:31Kulang yung
07:33pagpupursige
07:34ng komunidad
07:35na mag-report.
07:36Sana pagtulong-tulungan
07:38natin ito
07:38dahil
07:39nakasalalay
07:40yung kinabukasan
07:41ng mga batang ito.
07:45Kulang
07:46nila yung 손
07:46ng pin
07:46tuli
07:47nila ito
07:47yung
07:50nila ito
07:50nila.
07:50You
Comments

Recommended