Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 24, 2026


- Matinding baha, naranasan sa Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay dahil sa pag-ulang dulot ng habagat | Mga mangingisda, nagtulong-tulong para alisin sa tabing-dagat ang mga bangka dahil sa lumalakas na alon | Mga motorista, stranded matapos matumba ang puno sa isang poste ng kuryente dahil sa pag-ulan

- House Prosecution panel at defense team ni VPSD Sa impeachment case, may mga mungkahi para mapabilis ang marking of evidence

- Babala ng ICC Trial Chamber III sa prosecution at defense teams: Huwag magkomento ng kung ano-ano sa media kaugnay sa kaso ni FPRRD | Paalala ng ICC Trial Chamber III sa media at sa social media users: Maging patas sa pag-re-report tungkol sa kaso ni FPRRD | Pagharap ni FPRRD sa status conference sa Sept. 7, inaasahan ng ICC Trial Chamber III kung walang problema sa kaniyang kalusugan | Susunod na status conferences sa kaso ni FPRRD, itinakda sa July 14, Sept. 7, Oct. 13, at Nov. 2

- Wattah Wattah Festival, ipinagdiriwang ngayon ng mga taga-San Juan; seguridad, hinigpitan | Float parade at concert, ilan sa mga inaabangan sa Wattah Wattah Festival | Basaan zone, itinalaga sa kahabaan ng Pinaglabanan Rd. sa pagitan ng P. Guevarra at N. Domingo


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Transcript
00:09Transcription by CastingWords
00:31Transcription by CastingWords
01:00Transcription by CastingWords
01:44Transcription by CastingWords
02:13Transcription by CastingWords
02:53Transcription by CastingWords
03:00Sa ikalawang status conference, nagbabala rin ang Trial Chamber 3 sa iba't ibang kampo na huwag magkomento ng kung ano
03:07-ano sa media tungkol sa kaso ng dating Pangulo.
03:10May unang balita si Mark Salazar.
03:15Sa maitsing pagdinig ng International Criminal Court o ICC tungkol sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
03:24winaraningan ang Trial Chamber 3 ang mga abogado na magkabilang panig na huwag nagkokomento sa media ng kung ano-ano
03:32tungkol sa kaso.
03:33The appropriate forum for counsel to raise matters is in the courtroom.
03:41Trials are not conducted by the court of public opinion but by this court during the course of the proceedings.
03:54Ang warning na ito ay bunsod na mga interview na ibinigay ng dating abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na
04:02si Atty. Nicholas Kaufman.
04:03Kabilang ang mga komento niya laban sa desisyon ng Appeals Court noong isang taon na nagkukumpirma ng jurisdiction sa kaso
04:12ni Duterte.
04:13Sinita na siya noon ng Appeals Court.
04:15Kaufman gave at least two interviews commenting on the decision.
04:24Some of those comments were his personal view.
04:28In the light of this previous history, this Trial Chamber feels it incumbent to repeat the reminder or warning to
04:40all counsel in the case.
04:42Pinaalalahanan din ang korte ang media at ang mga nasa social media na maging accurate at pata sa pagre-report
04:49tungkol sa kaso.
04:50Appears to have provoked suppliers of what is undoubtedly fake news.
04:56What we wish to emphasize is the need for the media to report to the public accurately and fairly what
05:06is said in court.
05:08Hindi dumalo sa pagdinig si dating Pangulong Duterte pero sa September 7, 2026, inaasahan ng Trial Chamber 3 na haharap
05:17na sa kanila si Duterte maliban kung mapatutunay ang hindi kaya ng kalusugan nito.
05:22Sa July 14, magpapatuloy ang status conference sa kasong Crimes Against Humanity ni Duterte.
05:28Ito ang unang balita. Mark Salazar, GMA News.
05:59Totoo na.
06:03Basaan na ngayong araw. Susan Juan bilang selebrasyon sa taonang Wada Wada Festival. May unang balita live si EJ Gomez.
06:11EJ?
06:16Susanne, good morning. Alam mo, halata ang excitement ng Lungsod ng San Juan dahil hating gabi pa lang may mga
06:23nakita na tayo na gahanda ng kanikanilang swimming pool sa Basaan Zone para sa selebrasyon ng Wada Wada Festival.
06:35Mag-aalas 12 ng hating gabi, pinagtutulong ang buhati ng ilang residente ang foldable swimming pool at balloon arrangement na
06:42ito sa kahabaan ng pinaglabanan dito sa San Juan para yan sa pagdiriwang ng Wada Wada Festival ngayong araw, June
06:4924.
06:50Mahigpit kagabi ang siguridad sa paligid ng City Hall sa pinaglabanan na itinalagang basaan zone. May checkpoint ang San Juan
06:57Police sa mga dumaraang motorista.
06:59Puspusan din ang pagtatayo ng gagamiting stage para sa programa ng Wada Wada Festival.
07:05Abala naman sa pagliligpit ang ilang food stalls na ito na bukas na noon pang June 17, huling araw nila
07:11ngayong Merkoles na mismong basaan.
07:13Alas 4 ng madaling araw nang dumating ang ilang residente para makisayaw sa tugtugan.
07:18Umindak sila habang ine-enjoy ang basaan.
07:22Excited daw sila sa taonang selebrasyon na tradisyon ng mga San Juan nilenyo.
07:27Excited po kami kasi inaabangan namin ang makabagong San Juan Wada Wada.
07:31Ito ang bendisyon ni San Juan Bautista na kung saan kailangan mong mabasa every June 24 para lalo ka maging
07:37malakas at laging maging masaya ang San Juan City.
07:40Every year talaga, tradisyon to ng bawat taga San Juan.
07:44Masaya, sobra! Kaya kailangan magpapabasa ka talaga. Bawal magalit.
07:48It's a blessing!
07:49Bukod sa street dance competition at float parade, may libring concert para sa mga makikiisa sa basaan.
07:55Ang basaan zone sa Wada Wada Festival ngayong taon ay sa kahabaan ng pinaglabanan road sa pagitan ng Pigue Vara
08:02at Endomingo Street.
08:03Ipinagbabawal ang paggamit ng maruning tubig, water bomb, high pressure hose at ang basaan sa labas ng nasabing lugar.
08:11Bawal buksan ang mga dumaraang sasakyan.
08:14Ang mga lalabag ay papatawan ng 5,000 piso multa at pagkakakulong ng hanggang sampung araw.
08:20Ayon sa San Juan City LGU, nasa halos 500 ang bilang ng PNP personnel at Barangay Task Force Discipline na
08:28nakadeploy ngayong araw para masiguro ang siguridad at kaayusan sa pista.
08:33Mayroon ding K9 units na rumuronda sa basaan zone.
08:36This time, nag-add lang kami ng measure namin itong red flag natin kasi dahil maingay sa maraming tao, hindi
08:44kami kakarinigan.
08:46Kaya kapag ito, yung tropa natin, kapag nakita na sila ng mga kabataan na medyo unruly na, hindi na kailangan
08:52pa magsuntukan.
08:52Pero kapag nakita natin, pwede na pagsimulan, itataas lang nila ito para mabilis kami makapag-responde.
08:58At ang paalala ko po, ito po ay isang responsible na pagbabasa sa isa't isa.
09:06Kaya kung ako kayo, huwag na kayo mambasa outside the basaan zone.
09:10Tumasok lang po kayo dito sabagat napakasaya at sigurado mag-enjoy po ang bawat isa.
09:21Susan, ilang minuto na lang magsisimula na itong parada ng mga santong tao.
09:26Float, ito yung float depicting the baptism ni Jesus Christ by the Saint John the Baptist.
09:32Ayon sa San Juan City LG, yung highlight sa selebrasyon sa wata-wata ngayong taon,
09:37yung kanilang palibre ng concert na dadaluhan ng ilang mga special guests daw
09:42na makikisayawan at tugtugan at kantahan para pasayahin ang mga taga-San Juan.
09:48At yan, ang unang balita mula po dito sa San Juan City.
09:52EJ Gomez, GMA News.
Comments

Recommended