00:26Transcription by CastingWords
00:32Bumelta si Vice President Sara Duterte matapos sabihin ni Pangulong Bongbong Marcos na siya ay pinakamataas sa banta sa Republika
00:39kung totoong ang tumanggap ng pera mula sa China ang kumpanyang iniuugnay sa BICE.
00:43Pinunarin ng BICE ang National Bureau of Investigation dahil lahat na lang daw ng iligal ay inuugnay sa kanya.
00:50May unang balita si Jun Beneracion.
00:55The most disturbing aspect of it is the Chinese money.
01:00That now rises to a national security issue kung totoo.
01:06If it is true, it is a threat at the highest level to the Republic.
01:17Na-alarm na raw si Pangulong Bongbong Marcos sa aligasyong meron umanong pera mula China na pumasok sa kumpanyang konektado
01:25kay Vice President Sara Duterte.
01:27Kung totoo daw ito, sabi ng Pangulo, may tuturing itong pinakamataas na uri ng banta.
01:33Sagot ng BICE, nakakabahala ang pahayag ng Pangulo.
01:36Parang inamin na rin niya na simula noong 2023 ay itinuring nila akong threat.
01:43Nakakabahala ito dahil sinasabi niya na ang Vice President ay isang threat sa bansa.
01:49At pangalawa, nakakabahala ito dahil parang sinasabi niya na yung mga nagninegosyo na merong trade sa China ay threat din.
02:00Ang issue tungkol sa Chinese money ay naungkat sa impeachment trial ng pangalawang Pangulo.
02:05Makaraang kumpirmahin ng Anti-Money Laundering Council na may pumasok ng mayigit 300 milyon pesos mula China at Hong Kong
02:13sa kumpanyang pagmamayari ng asawa ni VP Sara na si Atty. Man Scarpio.
02:18Sabi ng pangalawang Pangulo, kung ano-ano na lang ang inilalabas ng prosecution na wala naman daw ebidensya.
02:25Nagsisinungaling, nag-iinvento, kaya buwabagsak yung kaso, kaya nag-shift na yung narrative to China-China naman tayo ngayon.
02:35So ano ba talaga? Bawal ba talaga magnegosyo with China?
02:40Sabi pa ni Duterte, bahagi ng kasinungalingan ang umano'y revelasyon ni Dismissed Patzolman Rodolfo Gracioso Jr.
02:47na nag-deliver umano siya ng mali-malitang pera sa mga Duterte sa uto si dating Speaker Lord Alan Velasco.
02:54Dati nang itilanggit na na Duterte at Velasco ang aligasyon.
02:58Nanindigan ang bise na ang gobyerno ang may pakanaan ito.
03:02Tinawag na yan ang Pangulo na fake news at sinabing dapat patunayan niya ang pahayag na yan.
03:07Di ba ang handler ni Gracioso ay ang National Bureau of Investigation?
03:13The way that the NBI defends Gracioso and lahat ng mga sinasabi ni Gracioso.
03:21Sabi na Atty. Melvin Matibag, walang basihan ng paratang na ang NBI ang tumatayong handler ni Gracioso.
03:27Ang dapat daw sagutin ng pangalawang Pangulo ay ang embesikasyon ng NBI na merong 60 milyon pesos na mansyon ang
03:33mga Duterte sa Davao City.
03:35Pero idineklara lang na agricultural land na mahigit 800,000 pesos ang halaga.
03:40Alam mo, si Vice President Sara, alam naman natin na abogado, mataas ang grade niya sa bar, 80, di ba?
03:47So ang tawag niyan kasi sa argument na ganyan, ad hominem niyan eh.
03:51Dapat siguro sagutin niya squarely yung issues.
03:53Totoo bang may mansyon? Totoo bang diniklarin niyo ito na agricultural?
03:58Just answer the question.
03:59Hindi ba yung pagkakaroon tayo sa name calling eh, pangit siya niya.
04:07Napabuntong hininga at napangiti si VP Sara nang itanong ito sa kanya.
04:11Alam niyo, napansin ko lang ha, na lahat na lang ng iligal ay ipinapahid nila sa akin.
04:19Lahat din ay gagawin din nila para sinabi ko nga, pabagsakin ako.
04:25Because this is about the 2028 elections.
04:29Ito ay impeachment. Pangalawa, ito ay charter change.
04:35At pangatlo, ito ay no elections.
04:39Ang dapat o tutukan ng Administrasyong Marcos ay ang problema sa iligal na droga,
04:43sabi ng pangalawang Pangulo.
04:45Kung hindi rao mataas ang demand ng droga sa Pilipinas,
04:48walang magtatangkang magsmuggle ng mahigit isang toneladang shabu na naharang sa Lao at Thailand.
04:54Initial reaction, nahiya ako.
04:56Nahiya ako sa ating mga kapitbahay dito sa Southeast Asia.
05:05Dahil tayo yung naging sentro pa ng drug trafficking dito sa ating region.
05:13Nakakahiya yun.
05:14Wala pang pahayag ang palasyo sa mga naging pahayag ng BSE.
05:18Ito ang unang balita.
05:20June Veneration, GMA News.
05:25Maagsasagawa raw ng Information Dissemination ng Office of the Vice President,
05:28Kaugnay, sa Super El Nino.
05:31Sinabi yan ni VP Sara Duterte-Causeron ng pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos
05:35sa maghanda na ng mga balde para mag-ipon ng tubig ulan.
05:39Bumili na kayo ng balde para pag umulan, makolekta na ninyo lahat.
05:44Tukuturoan namin kayo na we'll give you how to fill, yung gamot para maging malinis.
05:50We'll give you the filter, we'll teach you how to do everything para hindi kayo magkasakit
05:57at maayos ang pag-treat ng tubig, pag-filter ng tubig.
06:01Kailangan tayo maaasahan sa Pangulo.
06:04So, hindi nang magko-comment dyan sa balde-balde niya.
06:09Ang gusto ko na lang sabihin sa El Nino phenomenon na paparating at dumating na,
06:17ay yung Office of the Vice President,
06:20gagawa po kami ng information dissemination, educating the public,
06:24para mas maintindihan nila ano ba yung El Nino, ano ba yung epekto sa personal ko na buhay.
06:33Bago yan, tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na sapat ang supply ng pagkain
06:37sa gitna ng banta ng Super El Nino,
06:40na bilang dyan ang bigas at mga karne ng manok, baboy at isda.
06:44Tatamaan naman daw ng hustong supply ng mga gulay,
06:46kaya hinihikayat niya ang publiko na magtanim sa kanikanilang bakuran gaya noong pandemia
06:50at mag-ipon na rin ng tubig ulan.
06:57Mga kapuso, aprobado na po sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara
07:01ang 7.2 trillion pesos na national budget para sa 2027.
07:07282 po ang kumabor, 13 ang tumutol at isa ang nag-abstain.
07:14Ayon sa House Committee on Appropriations na bumusisi sa panukalang budget,
07:19edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon na mahigit 1 trillion pesos.
07:24Pinaglaanan din ng karagdagang pondo ang health sector,
07:27kabilang ang pondo para sa medical assistance at zero balance billing.
07:31May inilaan din pondo bilang paghahanda sa epekto ng Super El Nino.
07:36Ipadadala na sa Senado ang inaprubahan 2027 budget ng Kamara.
07:40Magkakaroon ang bicameral conference committee hearing
07:43para talakayin ang mga pagkakaiba ng berasyon ng Senado at Kamara
07:47sa panukalang 2027 budget.
07:53Nakukulangan ang ilang jeepney driver sa mahigit 3 piso kada litrong rollback
07:58sa presyo ng diesel ngayong araw.
08:00Sa mga gumagamit naman ng gasolina at kerosene,
08:03dagdagan ang budget dahil may taas presyo ulit dyan.
08:13Kailangan na naman magigpit sa budget ng mga motoristang gumagamit ng gasolina.
08:18Ayon sa Department of Energy,
08:201 peso and 56 centavos kada litro ang taas presyo sa gasolina.
08:251 peso and 77 centavos naman sa kerosene.
08:30Sa asampas sa mahigit 80 pesos kada litro,
08:33ang pinakamurang halaga ng gasolina sa Metro Manila.
08:37Kahit po bumaba, sir, e, ganun pa rin, e.
08:40Tiis na lang po muna, e.
08:42Ganun po talaga, wala tayong magagawa, e.
08:44Tiyaga-tsyaga lang kami.
08:46Kung anong matitira sa biyahe namin,
08:48ayun lang po talaga ang mayoy namin.
08:50Bawas kita na naman.
08:52Magkano lang to, 300, 400, wala na naman.
08:55Ayon sa DOE, epekto pa rin ito ng pag-suspindi ng China
09:00sa pag-export ng refined petroleum products.
09:04Nauna rin sinabi ng oil industry source
09:06na may epekto pa rin sa oil prices
09:09ang tumitinding tensyon sa gitnang silangan.
09:13Sa diesel naman, may git-tatlong piso kada litrong rollback.
09:17May karagdagang langis daw kasi
09:19na ilalabas sa pandaigdigang pamilihan
09:22na inaasahang makakatulong sa supply ng diesel.
09:26G7 meeting, member countries agreed for the immediate release
09:31of 100 million barrels of petroleum supply.
09:36Pero dito po sa 100 million na to,
09:39ang pinaprioritize ng member countries G7
09:43ay yung pagre-release ng diesel products.
09:48Kaya maglalaro na sa halos 80 pesos hanggang may git 100 pesos
09:53ang presyo ng kada litrong diesel sa Metro Manila.
09:57Para sa ilang jeep ni driver, kulang ang rollback.
10:02Mas maganda sana, sampo yung ibababa.
10:04Pwede na rin sir, yung tatlong piso para kahit pa paano mabawasan din.
10:07Dapat, ibababa pa na ibababa yung diesel.
10:10E wala lang kwenta-kwenta yung gobyerno natin kung kanito na lang parote.
10:15Ayon sa DOE, tuloy-tuloy pa rin ang 12 peso fuel subsidy
10:20sa mga public utility vehicle.
10:23As of October 8, may git siyam na raan at limamput apat na milong piso na
10:29ang kabuoang na ipamahagi sa halos sandaan at apat na pong libong PUV.
10:35Bukod dyan, may sapat na supply pa ng langis ang bansa
10:40na tatagal ng hanggang may git limampung araw.
10:43Ito ang unang balita. Oscar Oida, GMA News.