00:00Mula June 22 hanggang 26, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng inspeksyon at pagsuporta sa mga
00:07proyektong layang mapabuti ang servisyo publiko
00:10at matiyak ang mahusay at transparent na paggamit ng pondo ng bayan.
00:13Ang buong Linggo ng Pangulo, ating pumbalikan sa reporting Kenneth Pasiente.
00:20Sinimulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Linggo sa Visayas kung saan pinasinayaan niya ang Mabini Kayakay Small Reservoir
00:28Irrigation Project sa Bohol
00:29upang matiyak ang sapat na supply ng tubig sa mga sakahan sa buong taon at mapataas ang ani at kita
00:35ng mga magsasaka.
00:38Sa Cebu City, sinaksihan niya ang paglulunsad ng walang gutom kitchen ng Department of Social Welfare and Development
00:44na magbibigay naman ang masustansyang pagkain sa mga nangangailangan bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan laban sa gutom at malnutrisyon.
00:55Sa Naga City, Cebu, ininspeksyon ng Pangulo ang rehabilitasyon ng Metro Cebu Expressway Segment 3A
01:01at binigyang diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng national at local government sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.
01:10Sa Sultan Kudarat, pinasinayaan naman ni Pangulong Marcos Jr. ang Antong Dam and Irrigation System Project
01:16na inaasahang magpapataas ng produksyon sa agrikultura at magpapalakas sa food security ng bansa.
01:23Sa Coronadal City, ipinagkaloob niya ang Socio-Civic Projects Fund sa mga lalawigan ng South Cotabato
01:29sa ilalim ng programang bawat bayan makikinabang upang ponduhan ng mga proyektong pangkaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.
01:38Sa sektor ng kalusugan, ininspeksyon ng presidente ang pagpapalawak ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.
01:45Kabilang ang itinatayong labintatlong palapag na Mega Hemodialysis Center na inaasahang magiging pinakamalaki sa Timog Silangang, Asia.
01:54Target nitong magsimula ng operasyon pagsapit ng unang bahagi ng 2028 upang mapalawak ang serbisyo sa dialysis
02:01at mapabilis ang pag-access ng mga pasyente sa dekalidad na pangangailangang medikal.
02:08Sinuri rin ang punong ehekutibo ang Gregorio Araneta Drainage Improvement Project sa Quezon City.
02:13Inatasan niya ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na ipagpatuloy ang mga flood mitigation project.
02:19Kabilang ang mas maayos na pamamahala ng basura at regular na paglilinis na mga daluyan ng tubig.
02:26Sa Malacanang, inendorso ng Pangulo ang Public Financial Management Roadmap 2024-2028
02:32at inilunsad ang online budget tracker ng pamahalaan.
02:36Layunin itong gawing mas bukas at madaling masubaybayan ng publiko
02:40ang pagpapatupad ng mga proyektong pinupondohan ng gobyerno
02:44habang isinusulong ang mas epesyente at transparent na pamamahala sa pondo ng bayan
02:49upang matiyak na higit na mapapakinabangan ng mga Pilipino ang mga programa ng pamahalaan.
02:56Nanguna rin ang presidente kasama si First Lady Lisa Marcos
02:59sa pagdiriwang ng ika-128 taong anibersaryo ng Presidential Security Command.
03:05Dito kinilala ng Pangulo ang husay ng PSC hindi lamang sa pagprotekta sa first family
03:11kundi pati na sa pagtataguyod ng national stability.
03:15Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments