Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
AI, gagamitin para matukoy ang mga iregularidad sa infrastructure projects, ayon kay PBBM | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gagamit ang pamahalaan ng Artificial Intelligence o AI para mabilis na matukoy ang mga irregularidad sa infrastructure projects.
00:10Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:13Sa harap ng issue ng maanumalyang flood control projects,
00:18mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagsabi na tuloy-tuloy ang reformang gagawin ng pamahalaan
00:23para maisulong ang katapatan, integridad at pananagutan.
00:27Dahil dito sabi ng Pangulo, ikinakasa na ngayon ang pagbuo ng Transparency Portal
00:32na magbibigay ng akses sa publiko sa mga impormasyon patungkol sa mga proyekto.
00:38Kabilang na ang detalye ng mga kontratista, mga ahensyang nagpapatupad nito,
00:42maging ang lokasyon at estado ng proyekto.
00:45Ibig sabihin, babantayan natin ng husto every step of the way.
00:50Bawat hakbang sa prosesong ito ay babantayan natin na mabuti
00:59para pag may nakita tayong hindi tama na gawa o against the rules and regulations
01:08ay makikita natin kaagat at hindi na natin pababayaan na makikita lang after 2-3 years.
01:15Ipatutupad din anya ang sistematikong reforma lalo na sa disenyo ng proyekto,
01:21pag-aalok at pagkuhan ng kontrata, at mga sistema ng pagbabayad
01:25na lahat anya ay naglalayong paigtingin ng Transparency,
01:29matiyak ang siguridad ng datos, at maiwasan ang mga pagkakataon para sa katiwalian.
01:33Upang matiyak naman na ang pondo na nilalabas natin para sa mga proyekto ay talagang tapos na.
01:43Dahil marami tayong nakita, completed, bayad na, hindi mo naman mahanap yung project,
01:49ghost project, o kung may makita kang mga project, hindi kompleto, substandard,
01:53kaya patitibayin natin ang proseso para tiyakin natin na lahat ng kontrata ay ma-implement na mabuti.
02:05Ipinunturin niya na kailangang gamitin ng efektibo ang teknolohiya,
02:09lalo na ang artificial intelligence, na malaking bagay anya para mapahusay ang pagsubaybay sa mga proyekto,
02:15at matukoy ang mga irregularidad sa pagproseso ng mga kontrata at pisikal na pagpapatupad ng mga proyekto.
02:21Meron tayong smart technology para tignan kung ano ba talaga ang standard kung magandang pagkaayos.
02:29Ito tinitignan kung talagang ninalagyan ng rebar, kung talaga kumakapal talaga yung kongkreto, yung simento sa tamang specification.
02:39Yung isang smart technology na gagamitin natin, yung aking nabanggit,
02:44titingin sa proseso ng kontrata para pag may nakitang hindi tama ay makikita natin kaagad.
02:53Maglilista yun eh, makikita natin, babalikan natin at imbistigahan natin bakit ganyan ang nangyari.
02:59Sa kabila ng mga reformang ipatutupad,
03:01binigyang bigat din ng Pangulo ang papel ng publiko para maisiwalat ang mga katiwalian,
03:06lalot mula ng umarangkada ang sumbong sa Pangulo website noong Agosto,
03:11nasa mahigit 20,000 reports na ang natanggap ng pamahalaan.
03:15Napakahalaga ng informasyon na ibinibigay ng taong bayan sa ating pamahalaan
03:21na madaming informasyon na hindi namin makukuha kung hindi sa inyong sumbong.
03:28Kaya tipagpatuloy po ninyo yung inyong pag-report sa amin kapag merong kayong nakita
03:33na dapat tignan, dapat imbistigahan, dapat pag-aralan.
03:37Ang sumbong sa Pangulo website ay inisyatiba ng pamahalaan
03:40kung saan rektang makapagre-report ang publiko ng anumang irregularidad
03:44na nakikita nila sa mga proyekto sa kanilang lugar.
03:48Kenneth Pasyente
03:49Para sa Pambansang TV
03:51Sa Bagong Pilipinas

Recommended