00:00Patuloy na isinusulong ng Marcos Jr. Administration ang pagpapaiting sa pangalaga sa kalikasan.
00:07Inilatag ng Pangulo ang isang proyekto kung saan ang mga basurang plastik ay pwedeng pakinabangan sa pagtatayo ng mga tahanan.
00:15Yan ang ulat ni Kenneth Paschender.
00:19Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panahon ng gamitin ng nuclear technology bilang makabagong sandata laban sa lumalalang plastic pollution.
00:29Isang problema ang anya'y nararanasan sa iba't ibang panig ng mundo at nakaka-apekto sa ekonomiya, kalikasan at pabumuhay ng mga komunidad.
00:37Sa pagbubukas ng International Atomic Energy Agency High Level Forum on Nuclear Technology for Controlling Plastic Pollution,
00:44inilahad ni Pangulong Marcos Jr. ang malaking papel ng NUTEC Plastic Initiative, ang programa ng IAEA na pinangunahan ng Pilipinas para gawing kapakipakinabang ang plastic waste gamit ang radiation technology.
00:57Tinukoy ng Pangulo ang Post-Radiation Reactive Extrusion o PREX Project kung saan nagtagumpay ang DOST-PNRI at mga katuwang na ahensya na baguhin ang low-value plastic waste para maging matibay at komersyal na material.
01:10Kabilang dito ang kilalang PREX Prototype House na itinuturing ni Pangulong Marcos Jr. bilang modelo ng future circular economy.
01:17It is providing a solution, a very important solution to a very difficult problem that we face, not only here in the Philippines but in the rest of the world.
01:28Bukod sa Prototype House, pinuri rin ang Pangulo ang Marine Microplastics Monitoring Laboratory ng UP Marine Science Institute
01:35na itinayo kasama ang IAEA upang sukatin at subaybayan ng microplastic pollution sa dagat gamit ang siyentipikong datos.
01:44Sa parehong event, inilunsad din ang Pilipinas at IAEA ang NUTEC Plastics Investment and Partnership Brochure
01:49na isang roadmap para palawakin ang pamumuhunan sa nuclear science para sa kalikasan at industriya.
01:55Binigyang diin din niya na hindi uusad ang teknolohiya ng mag-isa, kundi sa pamamagitan ng malawak na kooperasyon sa mga regulator, scientists, industry leaders at international partners.
02:07Kaugnay nito, binigyang diin ng Pangulo ang pagpasanya ng Philippine Nuclear Law noong Setiembre,
02:12ang kauna-unahang komprehensibong batas para sa nuclear safety at maayos na paggamit ng nuclear technology sa bansa.
02:19It gives our scientists now and industries as well a stable, predictable environment to innovate responsibly.
02:28Sa paghahanda ng Pilipinas sa pagiging ASEAN chair sa 2026, target anya ng administrasyon na itaas ang nuclear science literacy.
02:35We intend to expand its work, enhancing nuclear science literacy, laboratory networks, and regulatory harmonization across the region.
02:44Nanawagan naman ang Pangulo ng patuloy na kolektibong pagkilos mula sa mga laboratorio hanggang sa mga komunidad
02:51upang masiguro na ang teknolohiya ay ginagamit para sa kapaligiran, ekonomiya at mas malawak na pagunlad ng bansa.
Be the first to comment