Skip to playerSkip to main content
PBBM, ipinag-utos ang agarang pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng #lindol sa Mindanao; Pangulo, ininspeksyon ang ilang nasirang gusali sa General Santos City | ulat ni Janessa Felix ng PTV Davao

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Mindanao para magbigay ng tulong at alamin ang lawak ng pinsalang dulot
00:07ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
00:10May report si Janessa Felix ng PTV Davao.
00:1610 taon ang nagtitinda ng isda sa palengke dito sa General Santos City itong sinorilin.
00:22Dahil sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol noong lunes na sumentro sa Maasim Sarangani,
00:30pansamantalang pinagbawalan silang magtinda sa loob ng palengke.
00:34Kaya't malaking hamon sa kanila ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan ngayon.
00:38Personal siyang bumisita sa Jensan kasama ang iba pang mga cabinet secretaries.
00:43May ka-param mo, palengke din. May ka-param mo, palengke din. May ka-param mo, paligyan.
00:47Kaya di ba pa sa loob, kaya bawalan mo eh.
00:49Isa sa mga ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang General Santos City National High School.
00:55Ito ang pinakamalaking pampublikong paaralan sa Jensan,
00:58na may mahigit sampung libong mga estudyante.
01:02Dahil sa lakas ng lindol, dalawang school buildings dito ang hindi na maaaring gamitin.
01:07Sa kabila ng dami ng mga estudyante sinasabing paaralan,
01:11wala pang naitatalang nasugatan sa insidente sa loob ng paaralan.
01:15Maliba na lamang sa ilang mga estudyante na nag-hyperventilate dahil sa pangyayari.
01:19Patuloy na naghahanap ng paraan ang nasabing paaralan upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila
01:26na naranasang kalamidad.
01:28Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Health o DOH,
01:32na tumulong sa pagsasagawa ng psychological assessment para sa mga estudyante at guro,
01:36dahil hindi madali ang kanilang napagdaanan.
01:40Sinabi ko sa kanilang alalahan nila na it's traumatizing itong experience para sa mga estudyante, para sa mga bata.
01:48So bantayan din nila, we have a program sa DOH na tutulong sa mental health ng mga bata na dumaan
01:55sa ganitong klaseng experience.
01:57Kasi kahit kuminsan hindi nagsasabi, yung bata, kailangan, sabi ko bantayan din nyo na mabuti,
02:07pag may nakita kayo na nangangailangan ng tulong, pwede naman kami tumulong sa DOH.
02:17Yung mga teacher mismo, ang gagawin nila, meron silang training after this,
02:21magte-training sila para gyan, precisely para makausap and provide a little therapy sa ating mga estudyante.
02:30Ayon sa Pangulo, bukod sa mga paaralan, ay patuloy rin ang isinasagawang assessment sa iba po mga establishmento sa lungsod
02:37para matukoy ang lawak ng pinsalang dulot ng nasabing lindol.
02:42Naunang inihayag ng Office of Civil Defense ng General Santos City ay kabilang sa pinakamatinding na apektuhan ng pagyanig.
02:48We are also working very quickly to open lahat ng mga daanan para kahit saan makapasok na yung mga sasakyan
02:59natin,
03:00magdala ng tulong, mag-ayos ng mga electricity, ng mga water system, at mabilis na ang pagdala ng servisyo.
03:10So that's the situation right now. And we hope we will not feel any more aftershocks and we can continue
03:20to work
03:20to bring whatever the needs are of those who were victimized by this earthquake.
03:28Samantala, bukod sa General Santos City National High School, binisita rin ang Pangulo ang isang pribadong ospital sa General Santos
03:35City.
03:36Kasama rin ang Pangulo sa pag-iinspeksyon sa Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon
03:42at iba pang mga Cabinet Secretaries.
03:45Maliban sa pagbisita sa mga establishmento sa lungsod, nakipagpulong din si Pangulong Marcos Jr.
03:51kay General Santos City Mayor Lori Lai Pacquiao upang talakain ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng lindol.
03:58Tiniyak naman ang pambansang pamahalaan ang patuloy na pagpapaabot ng tulong,
04:02kabilang ang relief assistance, damage assessment at mga hakbang para sa agarang pagbango ng mga apektadong komunidad.
Comments

Recommended