00:00Samantala, patuloy ang Department of Social Welfare Development sa paghatid ng mga pagkain sa Mindanao
00:04para tiyakin na natutugunan ang pangailangan ng ating mga kabayan na apektado ng lindol.
00:10Samantala, ang Philippine Coast Guard naman ay walang humpay sa pagdadala ng relief goods.
00:14Ang detalye sa report ni Carlo Candelaria.
00:20Walang patid ang paghatid ng tulong ng Philippine Coast Guard,
00:23katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa mga residenteng na apektuhan ng nagdaang lindol sa Mindanao.
00:29Gamit ang air assets ng PCG, nagsagawa sila ng relief operations katuwang ang Philippine Air Force at DSWD
00:36kung saan nakapaghatid ng mga family food packs sa Rio del Pilar, Glan, Sarangani.
00:42Nagsagawa rin sila ng relief operations sa provincial capital sa Mayalabel, Sarangani.
00:47Samantala, dalawang daang tonelada naman ng relief goods ang nakatakdang ipadala sa mga apektado komunidad sa General Santos City.
00:54Nitong nagdaang weekend, 20,000 family food packs mula sa DSWD ang ikinarga sa BRP korehidor ng Philippine Coast Guard,
01:03kasama ng mga bottled water, hygiene kits, food packs, bigas at iba pang essential items
01:09mula kina Sen. Erwin Tulfo at Kiko Pangilinan at iba pang partner organizations.
01:14Bumiyahin na mula sa Piersa, Maynila, ang BRP korehidor dala ang mga relief supplies papuntang Jensan.
01:19Wala rin humpay ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
01:25sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
01:28Araw-araw na mamahagi ng mga bagong lutong almusal, tanghalian at hapunan
01:33ang mobile kitchen ng DSWD sa mga nasa tent city sa Glan, Sarangani.
01:37Karamihan sa mga pamilyang tumutuloy dito ay yung mga hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan
01:42dahil sa pinsalang iniwan ng nagdaang sakuna.
01:46Nakarating na rin sa Glan ang mobile water treatment ng DSWD na magagamit
01:50para makapagproduce ng malinis na inuming tubig.
01:54Patuloy naman ang distribusyon ng family food packs sa mga barangay sa Sarangani,
01:59Coronadal City, South Cotabato, Don Marcelino, Davao Occidental
02:02at iba pang mga apektadong lugar sa Mindanao.
02:05Ang patuloy ng mga relief efforts ng mga ahensya ng pamahalaan
02:08ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:12na maghatid ng abot kamay at agarang tulong sa mga apektadong komunidad
02:16at palakasin ang pagtugon at pag-alalay ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.
02:21Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.
Comments