00:00Naglagay ng Community Water Depot ang Department of Social Welfare and Development
00:04para matulungan ang mga residente na naapektuhan ng El Niño sa Alabat, Quezon.
00:09Ito ay dahil sa kakulangan sa supply ng tubig sa kanilang lugar na naapektuhan ng kanilang kabuhayan.
00:15Bilang tugon, ipinagkaloob ng DSWD sa probinsya ang isang Community Water Depot
00:20na may kapasidad na mag-imbak ng hanggang 4,000 litro ng malinis na tubig para sa mga apektadong residente.
00:27Kasabay nito, nagsagawa rin ng orientation at demonstration para maituro sa lokal na pamahalaan
00:34ang wastong paggamit at pangangalaga sa water filtration system.