00:00Nakatakdang magpadala ang Land Transportation Office ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
00:06Kung anong ginagawang paghahanda dyan ng ahensya, alamin natin sa report ni J.M. Thompson live. J.M.
00:16Dayan, nakahanda na yung mga relief packs dito sa Land Transportation Office o LTO, Central Office sa Quezon City
00:23at nakatakdang ipadala ito sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
00:26Ito ay tugon ng ahensya at pakikiisa sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao nitong nakaraang
00:34linggo.
00:37Sa ilalim ng off-land tulong Mindanao, nagsagawa ang LTO ng relief operation na pinangunahan ni Assistant Secretary Marcus Lacanilaw
00:44dahil pa rin sa matinding lindol na naganap nitong nakaraang linggo sa Mindanao.
00:49Kinakailangan ng ating mga kababayan ng pagkain, tubig at iba pang pangangailangan
00:54dahil sa epekto ng lindol sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
00:58Sa pagtutulungan at voluntaryong kontribusyon ng mga opisyal at kawani ng LTO Central Office,
01:03kanilang inihanda ang mga relief packs na naglalaman ng ilang pagkain
01:07at iba pang pamahalagang relief items para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
01:12Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Marcus Lacanilaw, importante ang pagkakaisa at malasakit lalo na sa gitna ng kalamidad.
01:20Layo nilang mapawi ang takot, pangambah at nararanasang paghihirap sa simpleng pagbibigay ng tulong
01:26mula sa kanilang buong pamilya dito sa LTO.
01:29Magpasa hanggang ngayon, Diane, may ilang pagyanig at aftershocks pa rin ang nararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao.
01:35Dahil dito, maraming mga residente ang pansamantalang tumigil sa kanilang hanap buhay, lalo na yung mga higit na apektado ng
01:43lindol.
01:44Kaya naman malaking tulong para sa kanila ang ipinamamahagi ng mga ahensya ng pamahalaan.
01:49Samantala, Diane, para naman maihatid ng maayos ang mga relief packs sa mga residente sa Mindanao,
01:55sinisigurado naman ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang kanilang tuloy-tuloy na pagsasayos
02:01ng mga daanan at tulay na naapektuhan ng lindol.
02:04Ilan dito ay kanila nang naayos, kaya't nadadaanan na ng mga ahensya ng pamahalaan para mabigay yung tulong sa mga
02:11residente.
02:12Tumutulong din yung ahensya sa mga lokal na kalsada at pagsasagawa ng mga assessment at emergency repair works
02:18sa mga critical infrastructures gaya ng hospital, health facilities at eskwelahan.
02:24Diane, naabot sa 2,000 relief packs yung nakahanda na lit dito sa LTO Central Office
02:30at naglalaman ito ng limang kilong bigas, noodles at mga delata.
02:35At ito ay voluntaryong pinagambagan ng mga kawani ng LTO
02:40at ito'y bilang bahagi ng kanilang malasakit at tulong sa gitna ng kalamidad.
02:46At inaasahan na Diane, simula pa lang ito at may paparating pang mga tulong o food items
02:51na kanilang ibibigay rin sa mga biktima ng lindol.
02:53Diane, makakasama natin ngayon si Assistant Secretary Marcus Lacanilau
02:58para magbigay ng ilang pahayag para sa ating mga naapektuhan ng lindol.
03:01Sir Marcus, gaano po kahalaga yung itong ibibigay po natin sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindana?
03:07Actually, napakahalaga nito, dagdag na tulong natin bilang isang ahensya rin ng gobyerno,
03:13matatandaan natin doon sa mga nangyayaring kalamidad parating sinasabi ng ating Pangulong Bongbong Marcos
03:19na lahat ng ahensya ay magtulong-tulong.
03:21So, dito nagkaroon na kami ng inisyatibo at magtulong man lang kami dito sa LTO.
03:28At isang paraan din naman ito para yung mga empleyado namin ay dahan-dahan na may isang paraan ng reformation
03:35din ito
03:35kasi makikita nila yung pakiramdam ng pagtumutulong tayo doon sa mga kababayan natin na nangangailangan,
03:42lalo na doon sa Mindanao na nakita natin na grabe naging pinsala.
03:46Sir, kailan po natin lalong maipadala po ito?
03:48Within the day, nagko-coordinate lang kami sa Philippine Air Force kasi sila yung magsasakay sa aeroplano.
03:55Then, kukuni naman ang mga empleyado namin sa Region 12 para naman ibaba naman doon sa mga iba't-ibang probinsya.
04:03So, hopefully ma-approve ngayong araw na ito yung aeroplano na sasakyan sa Philippine Air Force.
04:11Sir, mensahe na lang po para sa ating mga apektadong residente sa Mindanao.
04:16Noong mga nakaraang araw, napanood ko yung mga lugar kagaya ng Sarangani,
04:23sa Maasin, na talagang hirap yung mga kababayan natin doon.
04:27Kami dito sa LTO, sa Central Office at sa iba't-ibang mga regions,
04:33nagtutulong-tulong kami para matulungan kayo.
04:35So, makakaasa kayo na ito yung mga lugar na hirap na maabot ay sila makinabang po dito.
04:43Maraming salamat po, Sir Marcus.
04:45At, Diane, yan na muna ang pinakahuling balita mula rito sa LTO Central Office.
04:49Balik sa inyo sa studio, Diane.
04:51Maraming salamat sa update, J.M. Thompson.
Comments