00:00Walang humpay din ang pagtulong ng Philippine Coast Guard sa mga naapektohan ng Lindol sa Mindanao.
00:05Ang detaya sa report ni Floyd Brenz.
00:10Isinagawa ng Philippine Coast Guard ang tatlong Aerial Humanitarian Assistance and Disaster Response Mission
00:16sa Barangay I. Alegado, Glan, Sarangani para maihatid ang mga kailangang tulong ng mga residente.
00:22Kabilang sa naipadala ang mahigit na sa isang dahang kahon ng relief goods mula sa Office of Civil Defense,
00:28isang daang bag ng relief goods at benteng kahon ng bottled drinking water mula sa Coast Guard District Southern Mindanao.
00:36Ligtas na nakumpleto ang operasyon ng walang naitalang insidente na nagpapatunay sa patuloy na pagtugon ng PCG
00:42sa mga komunidad na apektado ng kalamidad.
00:45Nagtulungan naman ang Coast Guard District Southern Mindanao at Coast Guard Auxiliary District Southeastern Mindanao
00:51para maihatid ang mga non-food relief items sa mga pamilyang apektado ng Lindol sa Balut Island, Sarangani.
00:58Ang mga donasyon ay mula sa mga private foundations at inihatid bilang bahagi ng humanitarian efforts ng Philippine Coast Guard.
01:05Ayon sa PCG, ang operasyon ay nagpapatunay ng pagkakaisan ng mga katuwang na organisasyon
01:10sa pagbibigay ng napapanahong tulong at pag-asa sa mga komunidad na nasa lantanang kalamidad.
01:16Tumulong din ang aktor na si Gerald Anderson kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard,
01:21mga voluntaryo at iba pang responders sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad na apektado ng nakaraang Lindol sa Sarangani.
01:28Ayon kay Anderson, layunin ang kanilang special support na palakasin ang loob ng mga rescuers, volunteers at mga biktima ng
01:35Lindol.
01:36Lloyd Brantz, Para sa Bayan.
Comments