00:00Ugnayan ng Pilipinas at Japan, mas pinaigting at pinalalawak pa sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan.
00:07Relasyon ng dalawang bansa iniangat na bilang Comprehensive Strategic Partnership.
00:11Nagbabalik si Kenneth Pasiente.
00:15Mas pinaigting pa ng Pilipinas at Japan ang kanilang ugnayan matapos i-anunsyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:22at Japanese Prime Minister Takaichi Sanae ang pag-angat ng relasyon ng dalawang bansa na ngayon ay Comprehensive Strategic Partnership
00:30na.
00:30Ito ay kasabay ng paggunitan ng ikapitumpong anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.
00:36This milestone reflects the strength, depth, and breadth of our ties as we respond to the evolving challenges and opportunities
00:43of our time.
00:44Ayon sa Pangulo, kabilang sa napag-usapan nila ng punong ministro ang pagpapalawak ng kooperasyon sa usaping pang ekonomiya, energy
00:51resilience, decarbonization, defense at security cooperation, maritime matters, at iba pa.
00:57Nagkaroon din sila ng talakayan hinggil sa mga isyo sa Indo-Pacific region, sitwasyon sa Middle East, at epekto nito
01:04sa energy security.
01:06Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng Japan sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN ngayong taon, gayon din sa pagsusulong
01:12ng pagkakaisa at centrality sa ASEAN.
01:15Nasaksihan din ang dalawang leader ang paglagda sa kasunduan para maiwasan ang double taxation na inaasahang magpapaganda sa business environment
01:23at magpapalakas ng cross-border investment sa pagitan ng dalawang bansa.
01:27Nalagdaan din ang mga bagong kasunduan para palawakin ang kooperasyon sa agrikultura at pangingisda, pagpapabuti ng akses sa quality health
01:35services, at pagpapatuloy ng partnerships sa human resource development.
01:39Nagkasunduri ng Pilipinas at Japan na palakasin pa ang kooperasyon sa space development, artificial intelligence o AI, energy security, at
01:48supply chain resilience.
01:49Sinabi ng Presidente, nasisimulan na ang negosasyon para sa General Security of Military Information Agreement, gayon din ang delimitation ng
01:58maritime borders.
01:59These are very important steps to further strengthen our defense cooperation and to uphold a rules-based maritime order. They
02:09will enhance the mutual trust between our two countries.
02:13Umaasa ang Pangulo na mas lalakas pa ang ugnayan ng Japan at Pilipinas sa hinaharap na pinatatag ng kapayapaan at
02:20diplomasya.
02:21These substantive discussions with the Prime Minister have demonstrated the vigor with which the Philippines-Japan comprehensive strategic partnership will
02:30proceed, built on a foundation of friendship and shared values for peace, diplomacy, and adherence to international law.
02:38Kenneth Pasiente, para sa Pambansang TV, sa Bago, Pilipinas.
Comments