00:00Patuloy ang masusing pag-aaral ng gobyerno sa issue sa online gambling.
00:04Ang update sa ulat ni Kenneth Paciente.
00:09Muling nanindigan ng Malacanang na kailangang masusing pag-aaralan ng issue ng online gambling bago gumawa ng aksyon ukol dito.
00:16Yan ang sagot ng Palacio ng tanungin kung bakit hindi nabanggit sa ikaapat na zona ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patungkol dito.
00:23Hindi daw dapat magpadalos-dalos ang pamahalaan sa pagpapatigil ng online gambling dahil may mga legal na operator na nagbibigay ng malaking tulong sa bayan, lalo na sa edukasyon at iba pang servisyo publiko.
00:36Nais lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapanatiling malinis at maayos ang budget para sa 2026.
00:42Kaya nabanggit nito sa kanyang ikaapat na zona ang babala sa mga mambabatas na hindi niya aaprobahan ang budget na hindi nakaangkla sa National Expenditure Program.
00:51Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi biro ang pagbuong ng NEP.
00:58Lalo't masusing pinag-aralan nito ng Pangulo kasama ang lahat ng miyembro ng gabinete upang masigurong ang bawat pundo ay nakatuon sa mga mahalagang programa para sa mamamayan.
01:08Kaya hindi dapat anya abusuhin ang tinatawag ng power of the purse ng Kongreso sa pamamagitan ng mga insertion na walang kabuluhan o hindi pakikinabangan ng publiko.
01:18Naging mabunga naman ang pag-uusap ni Pangulong Marcos Jr. at German Chancellor Friedrich Merz.
01:23Ayon sa Pangulo, tinalakay nila ang mga paraan upang palakasin ang kooperasyon sa larangan ng depensa at ekonomiya.
01:29Napag-usapan din ang mga paraan para sa pagtutulungan uko sa regional issues at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
01:38Nagpaabot din si Pangulong Marcos Jr. ng pasasalamat kay Chancellor Merz sa paanyaya nito na muling bumisita sa Germany.
01:45Marso ng nakaraang taon ang magkaroon ng working visit ang Pangulo sa Germany sa paanyaya ng nooy German Chancellor na si Olaf Scholz,
01:52kung saan nagkaroon ng pagkakataon ng Pangulo na makipagpulong sa ilang German officials at business leaders.
01:58Hindi muna magbibigay ng pangalan ng Malacanang hinggil sa mga opisyal o kawanin ang gobyernong pinatungkulan ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address
02:07na di umano'y rumaraket sa flood control projects.
02:11Ayon sa palasyo, magkakaroon muna ng malalimang investigasyon upang masigurong verifikado ang mga ilalabas nilang impormasyon sa publiko
02:18at dahil hindi bahagi ang executive branch ng Bicameral Conference Committee ng Kongreso.
02:23Makikipag-usap naman ang gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front o MILF hinggil sa pagsuspindi nito
02:30sa pag-decommission ng nalalabing-labing apat na libong combatants at mahigit dalawang libo at apat na raang armas.
02:37Ayon sa Malacanang, nakalulungkot ito lalo na't nasa mahigit 400 billion pesos na
02:42ang nailaan para sa socio-economic programs sa mga rebelding nagbabalik loob sa lipunan.
02:47Sa ilalim nito, 100,000 pesos ang ipinagkakaloob na cash assistance sa bawat isang returning combatant.
02:54Kenneth Pasyente
02:56Para sa Pambansang TV
02:57Sa Bagong Pilipinas