• 7 months ago
PBBM, bukas na magbigay ng proteksyon kay Sen. Dela Rosa pero dapat ay naaayon sa batas ayon sa Malakanyang | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginagalang ng Malacanang ang mga kaganapan sa pagpapalit ng liderato ng Senado kahapon.
00:06Ayon sa Palacio, nasa otoridad ang Senado kung sino ang nais nilang mamuno.
00:10Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita Live.
00:16Jules, sa harap ng mga kaganapan at pagpapalit ng liderato sa Senado,
00:21binigyang diin ng Malacanang na hindi yan panghihimasukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26Sa Palace Press Briefing, sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro
00:33nasa otoridad at kapangyarihan ng Senado na magdesisyon sa anumang bagay na sakop ng kanilang horisdiksyon.
00:40Natanong din ng Malacanang kung bakit si dating Senador Antonio Trillanes IV
00:44ang nakakuha ng warrant of arrest laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa at hindi naipadaan sa gobyerno.
00:50Narito ang paliwanag ng palasyo.
00:55Ang sabi po ng NBI ay nabigyan po sila ng kopya.
00:59Dahil po sa ating pagkakalam ay hindi ko naman po masasagot
01:02kung ano po ang personal knowledge ni Senador, dating Senador Trillanes.
01:08So kung nagkaroon po siya ng kopya, maaari po dahil siya ay parte
01:12ng nagsasagawa ng pag-file ng kaso noon.
01:17Pero I cannot speak for this, Senador.
01:20Nakarating na rin umano sa Pangulo ang mga development patungkol sa arrest warrant laban kay de la Rosa
01:25at tanging nabanggit lang umano ng Presidente ay dapat masunod kung ano ang sinasabi ng batas.
01:31Ipanaliwanag naman ni Castro bilang isang abogado na ipatutupad ang warrant of arrest
01:36alinsunod sa umiiral na batas sa bansa.
01:38Meron po kasi tayong batas na RA-9851
01:42at ito naman po ay pinatototohanan din ng DOJ
01:46na meron po tayong dalawang choices.
01:48It's either surrender or extradition.
01:51Ang Supreme Court po ay nagpalabas ng Supreme Court Circular regarding extradition
01:56but it refers only to a requesting state
01:59and we can say that ICC is not a state.
02:01So, hindi po siya applicable na pag-usapan.
02:07So, sa ngayon po, ang umiiral po sa atin at ipinapatutupad po ay ang RA-9851.
02:14Pero ang tanong ngayon, Jules, kung paano isisilbi ang arrest warrant
02:17kayong nabigyan si de la Rosa ng protective custody ng Senado, tugon ng palasyo.
02:25Meron po na natawag na privilege para hindi po hulihin ang sino mang senador
02:30habang nasa session kapag siya po ay nasa vicinity ng Senado.
02:36Ba't alam po natin na ito ay may limitasyon?
02:39Kapag ka po ang isang krimen na nagawa ay may penalty na more than six years,
02:45hindi po mag-a-apply itong privilegiyon na ito.
02:48Ayaw natin pangunahan ng mga senador,
02:50but dapat alam nila kung ano yung batas kasi mababatas sila.
02:52So, alam nila kung ano yung limitasyon nila,
02:54ano lang yung kanilang authority, ano lang yung power nila.
02:57But they should not go beyond the law.
03:01Bukas naman, umano Jules, ang gobyerno na bigyan ng proteksyon si de la Rosa
03:05batay na rin sa kanyang naging hiling sa Pangulo.
03:07Pero may paglilinaw dyan ang malakanyang.
03:11Maski naman po yung mga EJK victims,
03:14ay humihingi rin po ng proteksyon sa gobyerno.
03:16So, ang akusadong katulad ni Sen. Bato ay humihingi ng proteksyon.
03:22Lahat naman po ay bibigyan ng proteksyon na naaayon sa batas.
03:26Sa usapin naman ng impeachment laban kay VP Sara,
03:30iginagalang ng Malacanang ang naging resulta ng botohan sa Kongreso kahapon,
03:34na maaari ay karamihan sa mga kongresista ay nakita umano ang ebidensya
03:38na dahilan para ma-impeach ang ikalawang Pangulo.
03:41May mensahe rin ng Malacanang sa Senado ngayong ito na,
03:44ang may hawak ng bola.
03:48Trabaho po ito ng Senado.
03:50So, hindi po manghihimasok ang Pangulo.
03:53Nasa Senado na po yan, nasa kamay na po yan ang Senado.
03:57At kung ano man po ang gagawin nila dyan,
04:00kung ito po ay papabor para sa taong bayan,
04:03o papabor lang sa iisang tao,
04:05eh bahala na po ang taong bayan na humusga para sa kanila.
04:09Jules, nilinaw din ng Malacanang na itong posibleng pagkakaroon ng impeachment trial
04:14ay hindi pang gigipit kanino man.
04:16Ito ay pagbibigay daan lamang o isang plataforma para bigyan din ng akusado
04:21ng paraan para ihayag yung kanyang mga panig.
04:25At ito ay para malaman din kung ano nga yung katotohanan.
04:28At yan na muna ang latest. Balik sa iyo, Jules.
04:32Maraming salamat, Kenneth Paciente.

Recommended