00:00Mariging pinabulaanan ng Malacanang na pork barrel o panunuhol ang Local Government Support Fund,
00:06giit ng palasyo layo na naturampondo na maisulong ang pantay-pantay na pagunlad sa bawat bayan,
00:13lalo't prioridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay pagkakaisa at hindi pamumulitika.
00:20Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:25Pagkakaisa at hindi ang kulay ng politika, yan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin para tugunan
00:31ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.
00:34Ayon sa Malacanang, pagpapakita ng kooperasyon at pagtutulungan sa kabila ng pagkakaibang politikal ang ilan sa mga naging aktibidad ng
00:42Pangulo kamakailan,
00:43gaya na lamang ng pagbisita ng Presidente sa Naga City at ang kanyang pagsusuot ng pink na medyas bilang pagpupugay
00:50kay dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Lenny Robredo.
00:54Gayon din ang pangungunan ng Pangulo sa pagkilala kay Boxing Champ Manny Pacquiao.
00:59Sa pagkikita ni na Pangulong Marcos Jr. at Mayor Lenny Robredo sa Naga City at sa pagkilala sa ambag ni
01:07former Sen. Manny Pacquiao sa larangan ng sports,
01:12ipinamalas ng tatlong leader na kahit naging magkakatunggali sila sa nakarang eleksyon ay hindi ito magiging hadlang sa pagtutulungan at
01:22pagsiservisyo para sa bayan.
01:24Dagdag pa ni Castro na upang lubos at tapat na makapaglingkod sa mamamayan, dapat iwasan ang maagang pamumulitika.
01:31Anya kung ang isang leader ay tapat, mapagkumbaba at walang pansariling interes, makatitiyak ang bansa ng pagunlad.
01:38Kapag ang isang leader ay tapat sa katotohanan, anes, mapagkumbaba at walang pansariling interes, tiyak na ang bayan ang uunlad.
01:51Sa wasto at buong pusong pagsisilbi sa bayan, maagang pamumulitika ay dapat iwasan.
01:59Isa lamang ang Naga City sa mga lungsod na tututukan ng pambansang pamahalaan, partikular sa mga programang makatutulong upang maiwasan
02:07ang pagbaha.
02:08Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa paglulunsad ng Sa Bagong Pilipinas Bawat Bayan Makikinabang Initiative,
02:14na walang kulay na tinitingnan ang tulong ng pambansang pamahalaan.
02:19Kaya lahat anya ay makikinabang sa 58 billion pesos na halaga ng Local Government Support Fund o LGSF na pinakamataas
02:27sa kasaysayan.
02:27Kaya mariing pinabulaanan ng Malacanang ang mga aligasyon na ang LGSF ay isang anyo ng pork barrel at suhol umano
02:35sa mga LGU para makakuha ng suporta sa darating na eleksyon.
02:39Nakalulungkot umano ang negatibong pag-iisip na ipinupukol sa LGSF na ang layunin lang naman ay mapabilis ang implementasyon ng
02:47mga proyekto sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad.
02:50Giit ni Castro, kailangan ng pagtutulungan ng national at local government.
02:55Hindi anya ibig sabihin na dahil sa may pondong kalakip sa pagtulong ng pambansang pamahalaan para sa LGU,
03:01ay pork barrel na ito, gaya ng nais palabasin ni Act Teacher's Party List Rep. Antonio Tino.
03:07Paninira at pangiintriga lang, sabi ni Castro, ang naturang pahayag ng mambabatas.
03:13Kinakailangan po ng taong bayan ang tulong ng national at ng local governments.
03:22Puro paninira, pangiintriga.
03:25Hindi po yan kailangan ng bayan ngayon.
03:28Sugestyon at hindi panunumbat ang sagot para maibsan ang problemang naranasan ng iba natin mga kababayan.
03:38Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments