00:00Inaabangan pa kung kailan magsisimula ang pag-elitis at kung anong trial chamber ng International Criminal Court
00:05ang dininig sa kaso ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:09Ang kampo ng Dating Pangulo i-apela ang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1
00:13na nagkukumpirma sa lahat ng asunto laban sa kanya.
00:17Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:21Base sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1,
00:25may pananagutan si Dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang indirect co-perpetrator o mastermind.
00:31Kasama umano ang kanyang mga kasabwat, ipinatupad daw nila ang isang common plan
00:36mula noong mayor pa siya ng Davao City hanggang sa maging presidente.
00:42Inaabangan pa kung kailan magsisimula ang pag-elitis at kung a-ling trial chamber ang didinig sa kaso ni Duterte.
00:49Ayon kay Dating Sen. Antonio Trillanes IV, tatayong testigo si Dating Police Colonel Ruyina Garma.
00:57Hindi patiya kung tungkol saan ang magiging testimonya ni Garma.
01:01Pero sa Quad Committee Hearing ng Kamara,
01:04ibinunyag niya ang umunay pagpapatupad ng Davao model sa patayan at reward system para sa drug war,
01:11nang ipatupad ito nationwide.
01:13Sabi pa ni Trillanes,
01:16ICC witness na rin ang tatlong nagpakilala mga hitman ni Duterte
01:20kabilang sina Arturo Lascañas at Edgar Matobato.
01:25Tatlong counts ng crimes against humanity of murder and attempted murder ang kinakaharap ni Duterte.
01:3249 incidents o bilang ng patayan kung saan may 78 biktima ang bahagi sa kaso.
01:38Sa bilang na yan, 76 ang patay habang dalawa ang binaril pero nabuhay.
01:44Hindi rin bababa sa tatlong biktima ang menor de edad.
01:48Ayon sa ICC Pre-Trial Chamber I, non-exhaustive list ito.
01:53Ibig sabihin, maraming iba pang biktima.
01:55Pero isasalarawan ng 49 incidents kung paano iniutos at isinagawa ang diumanay sistematikong patayan.
02:04Mayroon kasing thousands na namatay doon po sa Warn Drugs sa Davao City at sa buong Pilipinas.
02:12Kaya, illustrative lang po ito, mga examples lang po ito.
02:17Itong 49 incidents.
02:20Hindi mo naman talaga malalagay lahat po ng incidente na yun.
02:24Kaya kailangan lang pong ilagay sa 49 incidents yung mga instances ng patayan.
02:32Sa crimes against humanity, yun yung karakter ng krimen.
02:37Hindi siya simpleng murder.
02:38Mas matining yung pagiging widespread o malawakan at saka sistematiko ng krimen.
02:47Sa confirmation of charges hearing, binanggit din ang mga umunay ko-perpetrators o kasabot niya.
02:54Of course, Mr. Duterte did not commit these crimes alone.
02:58Ronald Bato de la Rosa, who was the chief of the Davao City Police Office.
03:04Miss Dente Denao, another police chief in Davao during the period.
03:10Next, Christopher Bong Goh, who was Mr. Duterte's aide.
03:18Mr. Dante Ghiran, regional director of the National Bureau of Investigation.
03:26And finally, Italiano Aguirre, who was a lawyer for Mr. Duterte and for some of the DDS members during the
03:40mayoral period.
03:44Ang aligasyon ng prosecution nung mayor pa si Duterte ay ginamit niya at ang mga nabanggit na co-perpetrator
03:52ang mga polis Davao at mga hitma na hindi polis para pumatay ng umunay mga kriminal.
03:58Ayon sa prosecution, nadagdagan pa ng dalawa ang co-perpetrators nang maupo na bilang pangulo si Duterte.
04:05Habang pangulo si Duterte ay ginamit naman niya umano ang mga naunang co-perpetrator at nitong mga dagdag,
04:13ang national network at kanilang low-level members para ipatupad nationwide ang common plan
04:20na in-neutralize ang mga umunay kriminal sa pamamagitan ng pagpatay.
04:46Si Father Flavie Villanueva, na founder ng program Paghilom, umaasang mapapanagot rin ang mga kasabwat.
04:53First, my hope is mahatulan lahat ng may dugo sa kamay.
05:01Hindi ko sinasabi na si Rodrigo Duterte lang sapagkat isa lang siya sa arkitekto.
05:06At madaming arkitekto ang oplantokhang na kanyang ipinatupad sa 6 na taon.
05:15Ayon kay ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti, hindi kasabay nalilitisin ang mga co-perpetrators.
05:23Hindi pa po sila akusado. Siguro yung termino na yung familiar sa atin ay persons of interest.
05:33Ang investigation kasi, again, ay bukas pa rin patungkol sa nangyayari sa Pilipinas.
05:38Mas hiwalay na insidente o may hiwalay na schedule yung kaso ni Duterte.
05:44Hiwalay na proseso ang lalakad. Hiwalay na quantum of evidence ang ihaharap.
05:51Pero pwede rin daw magpalabas ng warrant of arrest ng ICC laban sa kanila.
05:56Si Aguirre na isa sa pinangalan ng co-perpetrator, itinangging kasama siyang nagpatupad ng common plan.
06:03At may natulungan pa umano siyang pamilya ng drug war victims habang nasa pwesto.
06:08Hindi Ania siya nababahala pero magsasampa pa rin ang petisyon sa Korte Suprema
06:13para matiyak na hindi malalabag ang kanyang karapatan.
06:17Dapat yan mayroong dumaan sa domestic local courts and may approval ng courts.
06:22So I believe that we could not be brought to the ICC on the basis of the warrant of arrest.
06:31Post naman ni Sen. Go.
06:33Sa kabila ng malungkot na balita tungkol sa kaso ni Duterte, ay mananaig-ania ang hostisya.
06:39Sa February online post naman ng misis ni Cascolan, sinabi niyang sana ay buhay pa ito para maipaliwanag ang oplantokhang
06:48at double barrels sa publiko.
06:50Sa isang pahayag, sinabi ng abugado ng dating pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman na iaapela nila ang pagkumpirma sa
06:59lahat ng charges laban kay Duterte.
07:00Tinawag niya itong most bizarre o lubhang kakaiba at Kafkaesque o mahirap intindihin dahil hindi lohikal ang iginiit ng pre
07:10-trial chamber
07:10na hindi kailangan magkaroon ng unnecessary details ang charges na masyadong specific at maaaring makakalimita sa paglilitis.
07:19Ito ang niya marahil ang paliwanag kung bakit wala ni isang piraso umano ng ebidensya ang binanggit sa footnote ng
07:27desisyon.
07:28Sa tingin ni Kaufman, ipinapakita raw nito kung gaano kahanda ang pre-trial chamber na paboran ang prosekusyon kahit na
07:37maapektuhan ang karapatan ng dating pangulo para sa patas na paglilitis.
07:42Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi!
Comments