Skip to playerSkip to main content
Posibleng maglaro sa 75 pesos hanggang 90 pesos ang kada litro ng diesel sakaling humupa ang tensyon sa Gitnang Silangan at magkaroon ng pangmatagalang kasunduan ang Amerika at Iran. Isa 'yan sa mga napag-usapan sa pagdinig ng Kamara.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posible maglaro sa 75 pesos hanggang 90 pesos ang kada litro ng diesel
00:05sakaling humupa ang tensyon sa kitang silangan at magkaroon ng pangmatagalang kasunduan ang Amerika at Iran.
00:11Isa po yan sa mga napag-usapan sa paglinig ng kamera.
00:14Saksi si Ian Cruz.
00:18Ilang beses nang sinabi ng Department of Energy,
00:21humupa man ang tensyon sa kitang silangan,
00:23malabong bumalik sa dating level ang presyo ng petrolyo bago sumiklab ang gyara.
00:28Ang best case scenario ang nila,
00:31pabalik lang sa 75 to 90 pesos per liter ang diesel,
00:35malayo sa dating 48 to 65 pesos per liter bago atakihin ng US at Israel ang Iran noong Pebrero.
00:44Bababa raw sa 62 to 75 pesos per liter ang gasolina,
00:48mas mataas pa rin sa dating 50 to 74 pesos per liter bago ang gyara.
00:53Sa presentasyon ni DOE, Undersecretary Alessandro Sales sa pagdinig ng Joint Committee ng Kamara
01:00na Legislative Energy Action and Development o LEAD,
01:04mangyayari lang daw ito kapag nagkaroon ng long-term agreement ang Amerika at Iran.
01:10But this will take a couple of months for the price to ease back to those levels.
01:19So this will still be higher than our pre-crisis pricing.
01:25And this is primarily due to structural damage in the Middle East in terms of facilities
01:31and the moving around of logistics to bring crude oil to the market.
01:36Ayon sa Department of Energy, malaking bagay talaga ang pagbuti ng sitwasyon sa gitnang silangan
01:43dahil sa unang pagkakataon, pitong linggo, matapos magsimula ang gulo sa Middle East,
01:48magkakaroon ng mega oil price rollback.
01:51Sa pagdinig naman ng Senate Protect Committee o Proactive Response and Oversight
01:57for Timely and Effective Crisis Strategy,
02:00natanong ang DOE kung bakit hindi tayo kumuha ng langis sa Russia.
02:05Binangit ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro ang pagpataw ng United Nations
02:10ng trade sanctions sa Russia matapos itong lusubi ng Ukraine noong 2022.
02:35In negotiating with two departments, Department of State and Department of Treasury.
02:40Susubukan na rao ng gobyernong gumili ng langis sa Russia pero hindi sila nakahanap ng tamang buyer.
02:46But there is no prohibition for PNOC to order oil from Russia at any time.
02:52Wala ng paalam-paalam.
02:53As a state, I guess, Mr. Chair, I can say that.
02:56We just follow the diplomatic channels, Mr. Chair, as government to government.
03:03Inilahad ni DOE Secretary ka rin ang pangamba ng mga oil company na bumili ng langis mula sa Russia.
03:09For our private companies, they don't want to buy unless it's lifted kasi baka sila habulin daw ng US, Mr.
03:17Chair.
03:17So they wanted the clearance before they buy.
03:22Sa pagtatayaan naman ng DepDev o Department of Economy, Planning and Development,
03:29sakaling lumalapa ang tensyon sa gitnang silangan ng PAS nitong Hunyo,
03:33kakailanganin ng 429 billion pesos na pondo bilang suporta sa mga vulnerable sector hanggang Disyembre.
03:41Kasama rito ang para sa fuel subsidy, service contracting program at iba pang para sa sektor ng transportasyon.
03:49Gay din sa mga magsisakat, mga inisda para masiguro ang food security.
03:54Nakapailalim din dito ang panukalang dagdag na 1,500 pesos para sa mga beneficiaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino
04:03Program
04:04at ayuda sa tinupoy na mga nangailangan na hindi pa kasama sa 4Ps.
04:10Kung sakali, sabi ni DepDev Secretary Arsenio Balisakan,
04:14mas maiging mag-realign ng pondo mula sa ibang programa na hindi pa masyadong kailangan.
04:20Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi!
Comments

Recommended