Skip to playerSkip to main content
Kapwa itinanggi ng Malacañang at ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon ni Ramil Madriaga na may kasunduan umanong term sharing sa pagitan ng mga Marcos at Duterte. Minaliit din ng kampo ng bise presidente ang iba pang alegasyon ni Madriaga.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kapo ay tinanggi ng Malacanang at ng kampo ni Vice President Sara Duterte
00:03ang allegasyon ni Ramil Madriaga na may kasunduan umanong term sharing
00:07sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.
00:11Minaliit din ang kampo ng Vice Presidente ang iba pang allegasyon ni Madriaga.
00:15Saksi si Ian Cruz.
00:20Hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte
00:23ang isang inilahad sa Kamara kahapon
00:26na nagpakilala ang dating bagman umanong niyang si Ramil Madriaga.
00:30Tungkol ito sa umanoy na ikwento noon kay Madriaga ni Atty. Ryan Ray Kilala
00:35ang dati raw Associate Dean ng San Sebastian College of Law
00:40na dati raw profesor ng Vice noong nag-aaral ito noon.
00:44He shared with me that Sara was not particularly good in school,
00:49was often struggling with her academics
00:52and habitually rude and violent to other students.
00:56Hence, Atty. Ryan used his influence in San Sebastian College of Law
01:01to ensure that Sara received passing grades
01:04despite her poor academic performance.
01:07Sabi ni Duterte sa isang pahayag,
01:10sa lahat ng anyay kasinungalingang ibinato ni Madriaga,
01:14ang pagsabing kinailangan niya ng tulong para makapasa sa law school
01:18ang kanya raw pinaka-pinapalagan.
01:21Tinapos daw niya ang pag-aaral sa sarili niyang pagsisikap.
01:25Binigyan daw niyang prioridad ang anyay well-rounded life
01:29kesa academic excellence.
01:31Hindi raw siya humingi ng special accommodation
01:34sa sino mang profesor para sa kanyang grade
01:38dahil kaya naman daw makuha ang bare minimum nito.
01:42Hindi rin daw siya naging paksa ng anumang reklamo
01:45ng kabastusan o karasan laban sa ibang estudyante.
01:49Sinusubukan pa namin makuhang panig ni Atty. Kilala.
01:52Buelta rin ang vice.
01:54Hindi mapapantay ni Madriaga at mga kasabot niya sa kamera
01:57ang kanyang kapasidad na makakuha ng resulta
02:01sa kaunting pagsisikap.
02:03Dahil hindi raw sila makahabi
02:05ng kapanipaniwalang kasinungalingan.
02:07Sabi pa niya kung may aligasyon daw ng panunuhol
02:11noong unang impeachment proceedings
02:13ganito rin daw ang nangyayari ngayon.
02:17Ang iba pang testimonya ni Madriaga
02:19minaliit din ang kanyang abugado
02:22kabilangan tungkol sa pagdispose umano
02:24ng 125 million pesos na confidential funds
02:28sa loob lang ng 24 oras.
02:30Wala siyang posisyon para malaman
02:35kung anong ginawa doon sa confidential funds.
02:38Buti sana kung taga VPSPG siya
02:42na napagkatiwalaan na i-manage itong confidential funds
02:48or itong mga DepEd Security Officer
02:50or OVP Security Officer.
02:53Then pag may sinabi siya tungkol kung saan napunta yung pera
02:58baka kapanipaniwala
03:00pero somebody like Ramil Madriaga na outsider
03:03walang katibayan na nagtatrabaho siya kay DP Sara
03:08maliban sa mga picture at video nung kampanya pa
03:12eh wala, wala po tayong mapupulot dyan.
03:16Pati na ang sinabi ni Madriaga
03:18na naroon siya ng pagpulungan ng umanoy
03:21planong pagpapatalasik kay Pangulong Marcos.
03:24Like itong mga term sharing agreement
03:27with BBM kuno, mga ouster plot, mga assassination plot
03:31pero alam naman namin na hindi totoo lahat yun eh
03:35at yun nga, kaninang umaga si Senator Aimee Marcos
03:39nagpa-prescon na
03:40at sinabi niya ng kasinungalingan lahat ng sinasabi ni Madriaga
03:46tungkol dun sa mga planong term sharing with BBM.
03:50Tingin ang kampo ng BISE, may motibo si Madriaga
03:53sa pagharap sa impeachment proceedings.
03:55Ang totoong motibo niya ay para makalabas ng kulungan.
04:00Kahapon ay natanong na rin tungkol dito si Madriaga
04:04na kanya namang itinanggi.
04:06Wala bang pangakong palayain ka sa kulungan
04:08kapalit ng pagpistigo na ginagawa mo ngayon?
04:12Di po kumihinang anumang kapalit sa paggawa ko ng salaysay ko.
04:17Itong Pangulo pwede na tanan.
04:19Pinabulaanan din ng Malacanang
04:21na may napagkasundo ang term sharing.
04:23Ang Pangulo po, hindi po yan mga ngampanya
04:26para lang po ibigay ang posisyon kahit kanino.
04:30Ang sabi ko po natin, nangako po siya
04:33na siya'y magtatrabaho para sa bayan
04:36at tatapusin ang termino.
04:38Did you get a reaction from him on that particular point?
04:41Siya po ay nagulat.
04:45Hindi po gano'n ang Pangulo.
04:47Sa versyon ng kwento ni Senadora Aimee Marcos,
04:50Mayo 2021 pa lang, ay nag-uusap na silang tatlo
04:54at itinutulak daw nila noon na si VP Sara
04:58ang tumakpong presidente.
05:00He will file October 6 as instructed
05:03pero sana somebody will file as his VP
05:06kasi nakakatawa naman, walang katandem
05:09and he will slide down to VP ASAP.
05:12Ang sagot naman ni VP tulad ng sinabi niya sa media
05:16na kung ang usapan namin ni PRRD,
05:20VP na siya sa PDP.
05:23Ako, mayor na.
05:24November 12, ang liwanag naman ng statement
05:28ng aking kapatid.
05:30No to possible term sharing.
05:33Bakit magte-term sharing?
05:35Pinipilit nga namin na yung buong term.
05:37Ang pagiging Pangulo e para keinday.
05:40Makikihati pa siya.
05:42Wala rin daw alam si dating Pangulong
05:44Rodrigo Duterte sa usapang ito.
05:46Lalo't may sariling kandidato
05:48ang PDP laban.
05:50Bongbong, Pangulong Marcos,
05:52alam mo ang katotohanan.
05:55Andong ka, magkasama tayo.
05:58Kung hindi mo ito ipinag-uutos,
06:02walang dahilan para hindi mo itama
06:05ang kasinungalingan na ito.
06:06Huwag mong konsintihin
06:09ang mga politikong
06:11ginagamit ang sinungaling
06:13na si Madriaga.
06:14Ano po ba ang kaalaman
06:16ni Sen. Amy Marcos
06:17sa katotohanan?
06:19Hindi po ba dapat lumabas talaga
06:21ang katotohanan
06:22at madilig natin
06:23kung anong dapat sabihin
06:23ng sino mang witness?
06:25So wala makakapaghusga ngayon
06:26ang kung anong katotohanan
06:28at kung anong sinungalingan.
06:29Ayon din sa palasyo,
06:31hindi na bago
06:31ang sinabi ni Madriaga
06:33na may banta sa buhay ng Pangulo
06:35o pagsabotahe
06:37sa kanyang administrasyon.
06:38Ipinag-uubayan na raw nila ito
06:40sa MBI.
06:41Ang mga reaksyon ng Bise,
06:44inaasahan na raw
06:45ni House Committee on Justice
06:46Chairperson
06:47Jerville Luistro.
06:49Pero magpapatuloy raw
06:51ang kanilang proseso
06:52alinsunod sa mandatong
06:53ibinigay sa kanila
06:54ng konstitusyon.
06:56Sabi ni House Justice Committee
06:57Member Terry Ridon,
06:58mas mainam
07:00kung sa impeachment proceedings
07:01mangitin ng Bise
07:02ang mga pahayag nito
07:04imbis na sa press statement
07:06o press con
07:07ng kanyang mga abugado.
07:09Isa pa lang
07:09sa mga ipinunto
07:10sa impeachment complaint
07:11laban sa Bise
07:13ang natalakay
07:14ng Komite kahapon.
07:15Ito ang maling paggamit
07:17umunan ng Bise
07:17ng confidential funds
07:19ng Office
07:20of the Vice President
07:21at ng Department of Education
07:23noong kalihim siya nito.
07:25Pero ngayon pa lang
07:26nakikita na raw
07:27ng ilang miyembro
07:28ng komite
07:29na mayroong probable cause
07:30para iakyat sa Senado
07:32ang reklamo
07:33para sa paglilitis.
07:36Nakakombinsi raw sa kanila
07:37ang sinabi ng
07:37Commission on Audit
07:38na pinal na
07:39ang Notice of Disallowance
07:41sa 73 million pesos
07:43na confidential funds
07:44ng Office
07:45of the Vice President
07:46na ginastos
07:47noong 2022.
07:49Pinasasauli
07:50ng COA
07:51sa OVP
07:51ang pera
07:52dahil bigu raw
07:53itong sumunod
07:54sa Joint Circular Guidelines
07:56patungkol sa paggamit
07:57ng intelligence
07:58at confidential funds
07:59ng pamahalaan.
08:00Wala sa pagdinig kahapon
08:02si Duterte
08:02dahil pinili niyang
08:04huwag dumalo.
08:05Sabi ni Luis Tro
08:06kung hindi mapasisinungalingan
08:08ng Bise
08:08ang mga sinabi
08:09ng mga testigo.
08:10Considering that
08:11it is only probable cause
08:13that is being required
08:15of the Justice Committee
08:16to be able
08:18to transmit this
08:20to the plenary
08:20and from plenary
08:22to the Senate
08:23kung hindi ito
08:26mariribat
08:27kung hindi ito
08:28maka-counter
08:29there is really
08:31a possibility
08:31that this testimony
08:34of matriaga
08:35will suffice
08:36the requirement
08:37of probable cause.
08:39Ako si Ian Cruz
08:40ang inyong
08:41saksi.
08:46Ako si Ian Cruz
Comments

Recommended