Skip to playerSkip to main content
Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Congressman Zaldy Co sa oras na mapauwi siya sa Pilipinas. Inaantabayanan ang kanyang pag-uwi para harapin ang mga alegasyon ng kickback sa mga proyekto kontra baha gayundin ang umano'y last-minute insertions sa budget.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Congressman Zaldi Poe sa oras na mapauwi siya sa Pilipinas.
00:06Ayon po yan kay Committee Chairman Senator Ping Lakson.
00:09Inaantabayanan ang kanyang pag-uwi para harapin ang mga aligasyon ng kickbacks sa mga proyekto kontrabaha
00:15ganyan din ang umunoy last-minute insertions sa budget.
00:19Saksi si Jonathan Andal.
00:24Dating Chairman ng mga kapangiriang House Committee on Appropriations na bumuon ng national budget
00:30hanggang sa nagtago at nagpalipat-lipat ng bansa bilang tugante.
00:34Sa Czech Republic nagtapos ang paghahanap kay dating Ako Bicol Partilist Rep. Zaldi Poe.
00:40Naging mitya ng mga kaso laban kay Koe ang pagkakaugnay niya sa Sunwest Incorporated,
00:45isa sa top 15 contractors na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos na naka-corner umano ng mga flood control project.
00:53Sunwest ang kontratista ng umano'y substandard na 289 million peso road-dike project sa Nauhan Oriental Mindoro.
01:00Naging basihan ito para kasuhan si Ko at labing limang iba pa ng graft at malversation of public funds.
01:07Sa mga pagdinig ng Senado at Kamara, inakusahan si Ko ng pagtanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
01:13Ang kontratistang si Curly Diskaya, tumistigong karamihan ng DPWH official na kausap nila pinangalanan si Ko bilang tumatanggap ng porsyento.
01:23Lagi rin binabanggit sa lahat ng project sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Saldi Ko.
01:28Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya, kundi para kay
01:33Speaker at kay Saldi Ko.
01:35Dilinaw ni Diskaya kalauna na wala siyang direktang transaksyon kina Ko at Nooy House Speaker Martin Romualdez.
01:41Parehong itinanggini ni Ko at Romualdez ang mga aligasyon ng kickback.
01:45Sa puntong ito, wala na si Ko sa Pilipinas.
01:48Noong so na pa ni Pangulong Bongbong Marcos nitong July 28, 2025, hindi na siya pumapasok sa Kongreso.
01:54Napaulat na nagtungo siya sa Amerika para magpagamot hanggang sa lumipat umano siya sa Singapore noong Setiembre.
02:01Binawi ni House Speaker Bo GD ang kanyang travel clearance noong September 18.
02:05Matapos ang isang linggo na paulat na nasa Spain si Ko.
02:09Nagbitiw siya bilang kongresista noong September 29, ang deadline ni D para umuwi si Ko sa Pilipinas.
02:16November 2025, naglabas si Ko ng mga video na naglalaman ng mga aligasyon laban kay Pangulong Marcos, Romualdez at mga
02:23opisyal ng Ehekutibo.
02:25Gate ni Ko, iniutos umano ng Pangulo ang 100 bilyon pesos na halaga ng insertions sa 2025 budget.
02:32Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila, may Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng 100
02:40bilyon worth of projects sa Bicam.
02:42Ang sabi pa raw ni Romualdez kay Ko,
02:44Sinabi niya sa akin, what the President wants, he gets.
02:48Dagdag ni Ko, babalik sana siya sa bansa pagkatapos ng Sona pero sinabihan umano siya ni Romualdez na huwag uuwi.
02:55Naghatid din umano siya at ang kanyang staff ng mali-maletang pera para umano kina Romualdez at Pangulong Marcos.
03:02Itinanggi ng palasyo ang mga aligasyon ni Ko.
03:04Sabi ni Romualdez, malinis ang kanyang konsensya.
03:08Ang issue naman ang umano'y last-minute insertions at realignment sa 2025 budget,
03:13ang isa sa basihan ng ethics complaint laban kay Ko.
03:16Noong tinatalakay ang budget, inakusahan ni Vice President Sara Duterte, si Ko at Romualdez,
03:21ng umano'y pagmamanipula rito.
03:23Kasunod ito ng mga hakbang para tanggalan noon ng confidential funds ang Office of the Vice President.
03:28Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao.
03:32Hawak lang siya ni Congressman Zaldico at ni Congressman Martin Romualdez.
03:38Tandaan, Goa at hindi Kongreso ang nagsasabing mali ang paggamit ng 73 million sa 125 million confidential funds
03:50na ginamit lang sa loob ng 11 days.
03:55Sa gitna ng mga kwestiyon sa 2025 budget,
03:58vinito o inalis ng Pangulo ang mahigit 168 billion pesos na unprogrammed appropriations
04:05at mahigit 26 billion pesos na proyekto ng DPWH.
04:10Gayong natuntun na si Ko, inaantabayanan kung kailan siya may babalik sa Pilipinas
04:15at oras na makauwi, iimbitahan daw siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
04:19Mas maganda sa tingin ko na magkasabay na sa pagdinig yung mga ex-soldiers
04:25na sinasabing nag-deliver ng malay-malayta ng 805 billion sa kasisaldico
04:29and kung posible pati si Orligo Pesa kasi connected kay saldico yung testimonya ng mga ex-soldiers
04:36at saka itong si para magkaalaman na kung ano talaga yung totoo.
04:40Ang isa sa mga naging chairman ng House Infrastructure Committee
04:43na nagsagawa ng investigasyon sa flood control projects
04:46ipi-uubaya na sa ombudsman ang investigasyon
04:49para maiwasan ang aniyay conflict of interest sa dati nilang kasamahan sa kongreso.
04:54Even if we resume, kung paghalibawa, kahit sabihin halibawa natin na
04:58hindi eh, walang takipan dito na we will be fair and that we will be objective.
05:04Lagi't-lagi hong may magsasabi na hindi yan totoo
05:07dahil magkakasama kayo dyan.
05:09Si House Speaker D tinawag ang pag-aresto kay Ko na mahalagang hakbang tungo sa hustisya.
05:14Nanawagan naman si Navotas Representative Toby Tiyanko
05:17na nagayang ethics complaint laban kay Ko
05:19na magpadala ang Pilipinas ng high-level team sa Czech Republic
05:23para mabilis ang pagpapauwi sa kanya.
05:26Dapat daw tumulong si Ko na maibalik ang mga umano'y ninakaw na yaman.
05:30Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi!
Comments

Recommended