00:00Hindi po inaalis ng pag-asa ang posibilidad na maging super typhoon ang isang bagyong binabantayan nila sa labas ng
00:05Philippine Area of Responsibility.
00:08Sakaling pumasok ito sa PAR, tatawagin itong bagyong kaloy.
00:12Saksi si Jamie Santos.
00:17Habang patuloy ang nararanasang matinding init sa bansa, isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ngayon
00:26ng pag-asa.
00:26Ang bagyong minomonitor ng pag-asa, tinatayang nasa mahigit 3,000 km sa silangan ng northeastern Mindanao at kumikilos pa
00:35kanlurang hilaga sa bilis ng 15 km kada oras.
00:38Posible itong pumasok sa loob ng PAR sa susunod na linggo at papangalan ng kaloy.
00:44Base nga sa nakikita natin na posible yung recurving track niya, kung mas maaga po siya na tataas o magre
00:51-recurve,
00:52posible yung parang tuluyang paglayo niya sa ating bansa at walang magiging epekto.
00:56Sa ngayon, karamihan daw sa weather models ay nagpapakita na maaring lumihis o magre-recurve ang bagyo,
01:03dahilan para bumaba ang tsansa ng landfall sa bansa.
01:06Gayunman, hindi raw inaalis ang posibilidad na lumakas pa ito habang nasa karagatan.
01:12Kung titignan po natin yung pinapakita ng model, pwede po yung umabot ng up to typhoon category at not ruling
01:18out yung super typhoon po na category niya.
01:20Ipinaliwanag din ang pag-asa na nananatiling mataas ang uncertainty sa galaw ng bagyo dahil lampas pa ito sa limang
01:28araw na forecast period.
01:30Sakaling lumapit ito sa bansa, unang posibleng maapektuhan ang silangang bahagi, particular ang Eastern Visayas.
01:37Unang-una po, paghandaan na po yung tsansa ng mga posibilidad ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, mag-prepare na
01:43kung ano pa lang yung kayang i-prepare.
01:45Habang wala pang direktang epekto ang bagyo, patuloy namang nararanasan ang matinding init sa bansa.
01:51Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments