Skip to playerSkip to main content
Inaalam na ng Department of Energy ang sanhi ng aberya sa mga power plant na naging dahilan kaya nagdeklara ng yellow alert sa Luzon kahapon. Tiniyak naman ng kagawaran na sapat ang suplay ng kuryente para sa tag-init.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaalam na po ng Department of Energy ang sanhinang aberya sa mga power plant na naging dahilan kung kaya't nagdeklara
00:06ng yellow alert sa Luzon.
00:07Kahapon po yun.
00:09Tiniyak naman ang kagawaran na sapat ang supply ng kuryente para sa tag-init.
00:13Saksi, si Maki Pulido.
00:18Isa sa pinangangambahan ng senior citizen na si Lydia ngayong tag-init ang mawalan ng kuryente.
00:25Lalo na pagka may mga high blood, yung ganyan.
00:30Parang hindi ka makatulog pagka walang electric fan man lang.
00:34Hindi pa naman nagkakamalawak ang brownout sa ngayon.
00:38Kahapon, meron lang idineklarang yellow alert sa Luzon ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP alas 4 ng
00:46hapon.
00:46Pero sa ganyang alerto, sapat pa naman ang kuryente pero manipis o kulang na ang reserba.
00:52Sa kaso kahapon, nag-trip kasi ang EERI at Ilihan Power Plants.
00:56Kaya ang supply ng kuryente halos pumantay sa demand o kailangan ng Luzon.
01:02Nag-yellow alert din tuloy sa Visayas dahil kulang na ang naitawid na kuryente roon na nanggagaling sa Luzon.
01:09Kagabi na bumalik sa normalang supply ng kuryente.
01:11Bina-validate pa ng Department of Energy ang sanhinang aberya sa mga power plant.
01:16Sabi ng Power for People Coalition, asahan ng magkaaberya ang mga plantang pinatatakbo ng fossil fuel tulad ng coal at
01:23liquefied natural gas na nangyayari tuwing tag-init kung kailan tumataas ang demand.
01:29Sa mga ganitong planta pa naman galing ang higit sa kalahati ng ating power supply.
01:33Ang isang thermal plant, nagsusunog ka eh. Ibig sabihin, yung heat index nun sobrang taas.
01:41At pag mas mainit ang panahon, talagang magkakaproblema technically yung mga thermal plants na yan.
01:49Dahil pusibe talagang aberya sa thermal plants kung mainit, ayon sa Energy Department,
01:54binabantayan pati ang forecast ng pag-asa na Super El Niño sa Junyo at Hulyo.
01:59Ibig sabihin, dila ngayong tag-init o hanggang Mayo ang pagbabantay,
02:03nakastandby na mga diesel at bunker fuel na maaaring gamitin last resort dahil mahal ang petrolyo.
02:10Nakastandby naman sila to provide kung sakaling mayroon tayong magkaroon ng outages.
02:15So, supesyente rin yung ating ancillary services with na siyang nagbibigay ng suporta para sa ating grid system.
02:25Pero sa ngayon, tiniyak ng Energy Department na sapat ang supply ng kuryente para sa tag-init.
02:31Ang pinakamataas na demand hindi pa umaabot sa pinaghandaang peak demand sa Luzonman o sa Visayas at Mindanao.
02:38Malayo pa o malaki pa yung palugid natin bago natin marating yung forecasted peak demands natin for 2026.
02:46Dasal ni Lydia, sana nga hindi mabiti ng supply ng kuryente, lalo ngayong tag-init.
02:52Mahal na nga, magbabrown out pa.
02:56Di ba, huwag naman matuloy.
02:59Mahirap.
03:01Lalo na nga yung sobrang init.
03:04Importante talaga yung electric pan man lamang.
03:08Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments

Recommended