Skip to playerSkip to main content
Magde-deploy ng mga 'mystery rider' ang LTRFB kasunod ng reklamong hindi nagbibigay ng diskwento ang ilang modern jeepney, kahit pa kasama sila sa service contracting program ng gobyerno. Pino-proseso na rin daw ng LTFRB ang petisyon para sa 10 pisong dagdag-pasahe sa mga jeepney.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magde-deploy po ng mga mystery rider ang LTEFRB
00:03kasunod ng reklamong hindi nagbibigay ng diskwento
00:06ang ilang modern jeepney kahit pakasama sila
00:08sa service contracting program ng gobyerno.
00:11At pinoproseso na rin daw ng LTEFRB ang petisyon
00:14para sa 10 pisong dagdag pasahis sa mga jeepney.
00:18Ating saksihan!
00:22Nag-noise barrage ang ilang chupers
00:24sa pasig sa gitna ng mataas pa rin presyo
00:26ng mga produktong petrolyo.
00:28Tatlong libo pa rin ang kinukonsumo namin
00:30kaya malaki pa rin kawalan sa amin ng mga chupers.
00:32Humingi sila ng pagpunawa sa mga commuter na apektado ng tingil pasada.
00:37Tanggalin na nila yung excise tax at saka mga bot
00:40para lahat mga kabinetisyo.
00:44Lahat ng mga commuters, mga mamimili, mga driver,
00:50lahat, lahat ng mamamayan.
00:52Ikalawang sunod na linggo ng mega oil price rollback.
00:55Halos 25 pesos ang bawa sa kada litro ng diesel.
01:00Mahigit 3 piso sa gasolina,
01:02habang 2 piso sa kada litro ng kerosene.
01:05Sa pag-iikot ng GMA News,
01:07meron ng diesel na mas mababa sa 100 piso
01:09ang presyo kasunod ng rollback.
01:12Pero hindi pa rin daw ito afford ng ilang chupers.
01:15Parang wala pa rin yung epekto sa amin.
01:17Ang rollback kasi ang late.
01:18Hira pa rin.
01:20Di pa kaya.
01:21Babaan pa ng konti.
01:23Kaya na.
01:24Kaya tuloy pa rin ang panibagong nationwide strike
01:27kabilang ang back-to-back na protesta ng mga grupong piston
01:30at manibela sa Filcoa, Quezon City.
01:33Kung ikukumpara doon sa trading last week
01:36na umabot mula sa $83 hanggang $93 ang per barrel,
01:44dapat ngayon 75 pesos na lang ang per litro ng diesel.
01:50Tuloy rin ang panawagan ng manibela
01:52na ibasura ang oil deregulation law
01:54at tanggalin ang 12% VAT
01:57at excise tax sa gasolina at diesel.
01:59Gate naman ang piston, aksyon na na ang petisyon nilang
02:0310 pisong dagdagpasahe sa mga jeepney.
02:06Hindi pa para sa layunin na para umaluan ang buhay
02:09ng mga driver, kundi para magtugunan lamang
02:12yung mas malaking halagang nawala
02:14at para tuloy-tuloy na makapagservisyo sa taong bayan.
02:18Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza,
02:21ipinagutos na niya sa kanilang legal division
02:24na iproseso ang tungkol sa 10 peso fair hike petition.
02:27Sabi ng leader ng manibela,
02:30may mga modern jeepney bumabiyahe
02:32dahil bahagi ng service contracting program.
02:34Pero walang nakalagay na service contracting
02:37nandadaya sila.
02:41Kumikita sila sa service contracting
02:43pero di sila nagbibigay ng discount
02:45sa mga mananakay.
02:47Sa Commonwealth Avenue,
02:49ilang modern jeepney ang nakatupi ang signage
02:51kung saan dapat may nakasaad na diskwento.
02:54Bakit nakatupi yung sign ng discount?
02:57Ba't nakatupi?
02:57Sir, ano po kasi yung radiator
02:59na tatakpad po
03:02paka mag-overheat po, sir.
03:03Pero nagbibigay kayo ng discount?
03:05Oo po, sir.
03:06Sa ilalim ng service contracting program,
03:09lahat dapat ay may 20% discount sa pamasahe.
03:1240% naman kung senior citizen,
03:15PWD at estudyante.
03:17Sila na po mismo nagsabi na
03:18meron pong discount
03:19yung sinakyan.
03:21Nakakatulong po siya sa mga ibang sudyante
03:23na katulad ko po.
03:25Pero ang ilan,
03:26ni 5 ay wala raw naranasang diskwento.
03:29Ganun pa rin naman po yung binayad namin.
03:31Wala naman pong sinabi na may discount.
03:33Dati po kasi 40 pesos yung bayad namin.
03:37Ngayon, 45 po yung sinigil sa amin.
03:40Sabi ng LTFRB,
03:42magdideploy sila ng mystery rider
03:44o mga takuhang sasakay
03:46sa mga service contracted na sasakyan
03:48para masiguro nasusunod
03:50ang mga alituntunin ng programa.
03:53Maaaring madisqualify sa programa
03:55kung walang paskill na signage
03:57at QR code.
03:58Pagdating naman sa LPG,
04:00nagkaroon ng 3 pisong tapya
04:02sa kada kilo ngayong araw.
04:04That is because of the drop of the crude oil last week
04:09at yun po yung naging effect
04:11or positive impact
04:13ng pagbaba din ng shipping cost ng LPG.
04:16Ako, si Mark Salazar.
04:18Ang inyong saksi.
Comments

Recommended