00:05Pumantik sa mga netizen ang isang estudyante na inialay ang kanyang mga medalya sa amang PWD.
00:12Pinusuan naman ang isang batang may paandal sa pagtanggap ng diploma.
00:16Ating saksihan.
00:19Proud moment para sa mga magulang ang milestones ng kanilang anak.
00:23Pero ang parents ng batang ito, hindi lang tuwa, kundi tawa ang napalag.
00:31Ang nursery completer kasi na si John Robin parang sundalong magmarcha sa entablado para tanggapin ang kanyang diploma.
00:39At nang sabihan siyang ngumiti sa picture taking, pumorma si Robin na may kakaibang pose.
00:50Harap sa kanan, harap sa kaliwa ang trip ng bata na inulit-ulit pa nga na pahalakhak tuloy ang mga
00:57nakakita.
01:03Pumantik naman sa puso ng netizens ang mag-amang ito sa Quezon.
01:07Abot te nga kasi ang ngiti ni Mang Reynante sa mga medal na handog ng anak na si U-Scooper
01:12Rico Leguro.
01:13Kwento ni Rico na nagtapos sa senior high school.
01:16Single dad ang kanyang tatay na nagtataguyod ng dalawang anak.
01:20At bagaman PWD, pursigido ang amang naglalako ng paninda kahit maliit lang ang kinikita.
01:27Kaya bilang pasasalamat, pinagbubuti raw ni Rico ang kanyang pag-aaral.
01:31Balak din niyang magtrabaho kasabay ng pagpasok sa kolehyo.
01:35Ang post ni Rico na may mahigit 4.9 million views inulan ng papuri.
01:40Bagaman kulang anila ang mag-ama sa aspetong pinansyal, walang katumbas na halaga ang ganitong pagmamahal.
01:48Ako si Athena Imperial ang inyong saksi!
Comments